CHAPTER 8 -- SUNOD-sunod akong napalunok habang papalapit kay Mico. Nakakibit-balikat ito walang emosyon ang mukha. "Why are you here?" tanong ko ng makaharap ko ito. "Kaya pala wala ka sa bahay nandito ka pala nakikipag-usap sa lalaking 'yon!" Napalunok ako nilingon ko si Brian--- nnatiling nakatayo sa may 'di kalayuan nakatingin sa amin. "Mico, walang ibig sabihin 'to nag-uusap lang kami." Pumalatak ito---binuksan nito ang driver side ng kotse ko ng kunin nito sa kamay ko ang susi. "Mico, where are you going?" "Sumakay ka marami tayong pag-uusapan." "And you don't bother yourself para pagbuksan ako ng pinto?" Tiningnan lang ako nito matapos isara ang pinto sa gawi nito. Sa huling pagkakataon nilingon ko si Brian nakaramdam ako ng hiya halos pinatunayan ko lang dito kong anong kl

