CHAPTER 9: SEASON 1 - KATE POV

2181 Words
Cute ako tapos sinungaling? Yung mga salita niya na iyon, hangang makauwe ako ngayon eh nasa utak ko pa rin. I check my pocket and here it is, ang sulat ng lover niya, as I am reading this eh typical na love letter lang naman na galing pa ata ng computer eh! Ano ba ang special dito? Hmmmmm pero bothered talaga ako sa "V" na sender na ito, kakagigil lang kasi wala pa akong makuhang proof! Feeling ko ay parang nagkaka-idea siya na I am somehow trying to look and see if may kemerloo pa sila ng boyfriend ko. Pero hindi ko talaga pwedeng punuan siga ng idea na ganun kung hindi ay baka ire-revoke niya ang kasunduan namin, hindi pwede iyon! Sa kakaisip ko ay halos hindi ko na manguya itong dinner ko! Maya-maya pa ay nag-video call si Vincent. "Hey babe, how are you?" Bungad ko naman. "Eto medyo pagod sa work, mag-prepare pa lang ng dinner ko" Sabi niya naman. "Ahh, Ako naman eto kumakain na, eh kamusta naman ang work mo riyan?" "Ayos lang naman kahit minsan nakaka-stress na" "Wala namang madaling work babe eh" "Alam ko naman kaya nga nagtyatyaga pa rin ako and this is for our future" "I know, pero huwag mo rin pabayaan ang sarili mo riyan ah" "Yes babe, ahm wait lang babe wait ka lang, kuha lang ako water ko" Paalam niya and I stay at the screen. Nakikita ko ang kabuuhan ng room niga and when I try to roam my eyes, napatitig ako sa bulaklak na paint and design na nakasabit. Those flowers, parang nakita ko na iyon eh, basta familiar sa akin talaga.... Napapaisip ako kung saan ko iyon nakita nang bumalik si Vincent. "Babe, tanong ko lang, kanino ang painting na flowers na iyon sa likod mo?" "Ahmmm iyon ba? Kay ate iyon, ahmmmm regalo ni Gabbie kay ate noon and si ate naman noong nakituloy rito sa appartment eh dala niya iyan at sinabit niya riyan" Paliwanag niya and that reminds me na kay Gabbie ko nga pala nakita ang flowers na iyon... Shit kinakabahan ako, are they still connected even now? Or niloloko ba nila ako talaga? Shit.... "Tell me, babe, how are you pala when you able to see Gabbie again after how many years?" Diretsahang tanong ko... Napansin kong natahimik siya, hindi ko alam kung anong dapat kong isipin sa reaction nya. "Well wala naman, I mean it is all in the past, seeing her is just like seeing casual people around" Paliwanag niya, mukha naman siyang cool sa pagkakasabi niya pero ramdam at kita ko pa rin na maykakaiba sa kaniya after asking the question. "Sana lang totoo yang sinasabi mo, sana lang wala kayong namuong lihim na paguusap!" Sabi ko naman and I can see how he laugh about it. "Babe naman, never kong nakausap si Gab after natin siyang makita sa apartment condo, wala akong balak lokohin ka or magsinungaling sayo" Sabi niya while just smiling at me. "Fine, nagre-remind lang naman ako!" Sabi ko naman and then continue our night talk and goodnight. Hindi ako sure sa mga bagay babay pero I still need to trust him. After ng madaming lambingan sa VC dahil bumabawi siya sa akin eh nagpaalam na rin siyang matutulog na and ako naman ay napabuntong hininga na lang ng malalim. Hindi ko man gustuhin eh kusa kong nararamdaman na parang mayroon nililihim si Vincent, sana lang hindi tungkol kay Gabbie. I manage to go to bed na and sleep... "Hintay!!!! Please! Wala namanng iwanan! Pleaseeee....wag nyo syang ilayo sa akin!!!" "Hmmmmmm...sob*sob*....wag mo kong iwan...!!!!!" Isang malakas na sigaw ko nang mapaupo ako bigla galing sa pag kakahiga. Napasabunot ako sa buhok thinking of those dreams, ano ba iyon? Para akong nagmamakaawa kung kanino, hindi ko maintindihan kung saang event ba iyon! Medyo nananakit ang ulo sa panaginip ko, hindi ko maintindihan pati ang dibdib ko ang lakas ng kabog and when I am about to wipe my face, I have tears...because of that dream I even crying. Never akong napanaginipan ang ganung pangyayari, ngayon lang, masyadong detalyado ang eksena hindi ko maintindihan. I check the time and it is almost 7:30 am na pala, bumangon muna ako and get some water to drink. Napaupo ako sa couch feeling upset sa panaginip ko, imbes natutulog pa ako ngayon eh! Kainis! Ang alanganin nang matulog pa, may isang oras pa ako bago magasikaso, gusto ko maglighten up muna kaya naisip kong magjogging na lang, kahit 45 minutes lang. I change my clothes pang-exercise and then head my way out, still feeling gloomy today dahil sa putol kong tulog. Lumabas na ako and head sa elevator nang harangin ako ng resident leader ng apartment condo na ito. "Good morning iha, sa makalawa ang party natin dito sa apartment ah, punta ka ah" "Okay po Misis, eh anong oras po ba iyon?" "Magsimula ng alasais ng gabi sana" "Ah okay po, mayroon kasi akong trabaho the whole day till 10pm, pero I will try my best misis na makadalo" "Okay sige iha ha, asahan ko iyan!" After that ay tumuloy na ako sa pagsakay ng elevator, papasara pa lang ang pinto when a hand stop it. Nang magbukas ay parang na bato ako sa kinatatayuan ako nang lumitaw ang may-ari ng kamay na iyon, non-other than the bruha herself! Pumasok siya na mayroon kausap sa cellphone, at matic iyan, ang tenga ko naging marites nanaman! Pakiramdam ko kusang lumalaki ang tenga ko nang hindi ko maintindihan! "You know I have no time for that" Sabi niya, ano kaya ang wala siyang oras? "After that alam mong, I don't do dating at all so stop forcing me to do blind dates!" Parang nanlalaki ang mata ko sa mga naririnig ko, damn, makikipag-blind dates ang bruha, akalain mo iyon? Goodluck sa lalaking iyon! After saying that, she drop the call at feeling ko ay napatingin siya sa akin pero ako naman ay nagkukunwaring may pinakikingan sa earphone ko which is hininaan ko naman ang musik kanina nang makausap ko si Misis. Nang makababa ay nagmadali na akong lumabas ng apartment and head to the nearest park at nagsimula nang mag-jogging. Doon ko na binalik ang music ko sabay focus na sa pagtakbo. Habang tumatakbo ay napapaisip ako, so nakikipag-blind date siya, pero tumatanggi na siya ngayon, why kaya? Does she has someone in mind? May natitipuhan na kaya siyang lalaki? Mas okay ata kung mayroon iba na siyang natitipuhan para naman kumalma na ang utak ko! Halos 15 minutes na ang nilipas ng pagtatakbo ko and just sit for a while sa bench dito sa park. Para akong hingal na hingal dahil sa init, ang aga pa pero ang init na. Nakayuko lang ako and trying to calm myself. "Here" A familiar voice appears in front of me. Isang mineral water ang iniabot sa akin, ni sa hinagap ay hindi ko in-expect. "Para saan yan?" Tanong ko naman. "Water for your thirsty throat" Naktitig lang na sabi ng bruha sa harapan ko. "Malamang alam ko iyon pero bakit mo ako binibigyan nyan?" Tanong ko naman. Bigla niyang ibinaba ang kamay na may hawak ng mineral water sabay upo sa tabi ko na wala naman akong nagawa kung hindi ay umurong. Kung makaasta ang bruhang ito akala mo close kami! "Why are you always like that?" Tanong nya looking straight at me. "Like ano naman?" Mataray kong sagot. "Like that, aloof, like parang akala mo ang sama ng lahat ng tao sa paligid mo even gusto lang naman is to get close to you" Sabi niya naman and for that medyo natahimik ako, so napapansin niya pala ang pagiwas ko sa kaniya. "You dont know me so don’t get to a conclusion dahil lang sa nakikita ng mata mo" Sabi ko naman and lalo niya akong hinarap and cross her arms. "Then don't act the way you are not, so you won't be judged, you see I am just offering water to you dahil mukha ka nang hinihingal" Sabi nya sabay irap sa akin and then iwan ng mineral water sa upuan at alis. Hindi masyadong nag-process sa utak ko ang sinabi niya pero parang may mali eh! I pick up the mineral water sabay habol sa kaniya na nagsimula na din mag-jogging, hindi ko naman nahalata sa itsura niya kanina na pa-jogging rin pala siya. "I will act the way I want, kung gusto akong makaclose nang kahit na sino then deal for who I am and how I am to others" Sagot ko sa kaniya nang makapantayan ko siya sa pagtakbo. Uunahan ko na sana siya sa pagtakbo nang pinigilan niya ako na nakapagpahinto sa akin. "Wait, question, ako ba? What is your problem with me? Wala akong ginagawang mali sayo yet you treat me like s**t?" Direkta niyang tanong na hindi ko inasahan, why is she asking me that, oblige ba akong magpaliwanag? I face her and look into her eyes na sinalubong niya rin naman ng tingin. "I don’t need to answer your question, Hindi ako obligado" Sabi ko then tatalikod na sana ako nang maybinitawan siyang salita na nakapagpahinto sa akin. "Do you hate me because I am your man's ex-girlfriend?" Hindi ko alam paano ko sasagutin ang tanong niya, and honestly tama naman ang sinabi niya, s**t talaga ang babaeng ito. Hindi ko siya hinarap and just continue my jogging hangang makalayo ako sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon hangang sa makauwe ako, I only have few hours para magasikaso papuntang work. Diyos ko naman! Iniwasan ko siya kanina sa park and now I need to go to work at makita siya! Haiiissstt kainis na buhay ito! Kinakalma ko muna ang sarili ko na makita siya, pero wala naman akong choice kasi! Binabalikan ko ang tanong nya sa akin...I must admit na yes, I kind of hating her and still doubt on her, hindi ko alam kung dapat ko ba siyang i-approach about her miscall kay Vincent pero para kasing hindi pa ako handa sa ganoong paghaharap... Ako mismo ang aayos sa pagiisip ko, I must find out kung mayroon nga bang namamagitan pa sa kanila or wala na, Until mai-sure kong wala na talaga then baka sakali, we can be good as friends... Habang tumatakbo ang isip ko sa nga bagay-bagay ay nagaasikaso na rin ako. Ilang minuto na lang ay mag 10am na kaya nagmadali na rin akong pumunta ng cafe. Nang makarating ako ay wala sa counter fridge ang bruha, usualy kasi naabutan ko siya palagi roon. "Manong wala pa ba si Gabbie?" Tanong ko naman. "Naku wala pa po Ma'am, baka po late lang or mayroon inasikaso" Paliwanag naman ni kuya, medyo nakahinga ako dahil wala pa siya, malaya pa akong makakagalaw dito sa loob. I head inside and wear my apron, sinimulan ko na rin gumawa ng mga dapat kong gawin sa umaga. Inilalagay ko na rin ang ibang buns and pastries nang biglang tumunog ang pinto, napahinto ako at para akong nanigas habang pabalik sa kitchen. Shit narito na siya, haiissst, bakit ba ako kinakabahan na ewan! Nang makapasok ako ng kitchen, I just acted cool lang pero halos mataranta ako sa loob. Shit naman Kate! Kumalma ka kaya! Bulyaw ko sa sarili ko, hindi ko maintindihan bakit ba ako tinatablan kasi sa tanong nya na iyon! Habang nakikipagtalo ako sa sarili ko ay halos mapatalon ako sa gulat nang bigla sitang lumitaw sa kusina. "Ayy pepeng mabantot!" Sabi ko dahil sa gulat at taranta and she was stop by that. "Really? Nakaamoy ka na ba ng pepe ng iba?" Sabi niya na tatawa tawa pa! "Expression ko lang iyon! Wag ka kasing nanggugulat!" Inis na sabi ko naman. "Nope Im not! Masama bang pumasok sa kitchen ko? Ang masama Kate is yung tinatanong ka pero tumalikod ka lang at lumayas! Iyon ang masama!" Sabi niya na obvious namang nagpaparinig. "I have my rights to be silent!" Sabi ko sabay alis sa kitchen. Hindi naman na siya nagsalita and head her way sa office niya. Hmmmmm laki ng sama ng loob ah, dahil lang hindi sinagot? Geez! After that, tuloy tuloy na rin ang trabaho namin, palabas labas rin siya to help me lalo na at ang customers ay dumadami na rin. After few hours, halos magaalas kwatro na rin, medyo pahinga ko kasi iilan na lang naman ang customer nang tinawag ako ng bruha. "Kate, can I talk to you for a minute?" Sabi niya then balik sa office niya, kaya naman ay sumunod na ako. Shit, ano nanaman kaya ang eksena ng babaeng iyon! Papunta na ako sa office niya but before I knock the door ay bigla naman itong bumukas na ikinagulat ko big time! Na out balance ako at lumanding sa ibabaw niya, sabay kaming natumba at di man lang nakakakapit. Shit! Bakit ba nangyayare ang mga ganito, nakapikit pa ako dahil sa pagbagsak ko and when I open my eyes... She is staring at me wearing those two beautiful brown eyes... "Ang ganda" Tanging nabanggit ko nang di ko namamalayan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD