"Aaaaaaahhhhh! Letseng buhay ito!"
Sigaw ko rito sa loob ng kwarto ko.
Halos isang linggo akong hindi pumasok, hmmmm, the day after what happen she came up to me para sabihin sa akin na hindi siya magbubukas ng cafe ng isang linggo.
I try to look at her unit na daig ko pang stalker sa kakaabang ko sa kaniya pero ni isang anino niya ay wala.
The next day I heard from the head of the resident here sa apartment condo na ito na umalis si Gabbie for a week, hindi na kasi uso ang padlock ngayon, kaya hindi mo na madi-distinguish kung mayroong tao sa unit or wala.
Halos isang linggo na pero wala pa rin siya, haiiissstt, hindi ko naman magawang maisip nang kahit anong pagdududa since Vincent seems to continiously talk to me every now and then.
Though ofcourse hindi rin naman ako basta-basta nagtitiwala, pero bakit ba kasi hinahanap ko ang presence ng bruhang iyon!
Hmmm maybe I kind of missed my work sa cafe..."oh come on Kate you know it's not true" sabi ng mahadera kong utak nanaman!
Bwesit na other side of brain kong ito lagi na lang namamahiya!
Waaaahhh nababaliw na ata ako!
After ko na magpakalunod sa mga iniisip ko I turn my eyes sa right side ng kwarto ko at ang basurahan ko pala ay puno na s**t! I need to put it out na kasi mangongolekta na sila.
Bumaba ako agad sa labas ng apartment para magtapon ng basura when the person I have been looking for how many days is now in front of me.
Dahil mataas ang malaking basurahan nila rito na wala naman dati eh halos hindi ko mabuhat ang basura ko para itapon doon but Gabbie quietly helped me lift it up.
After that saka hawak ulit sa mga bags na dala niya at akmang aalis na pero hindi ko mapigil ang sarili ko kaya I start to talk.
"Thank you"
Sambit ko and she just look at me to simply nod, ang weird ng kilos niya which is naiintindihan ko.
She face the entrance and head her way to the elevator, hindi ko alam kung sasabay ba ako sa kanya pero ayoko naman na magkailangan kami.
Hindi ko mabasa ang nasa mata niya, if she hated me or what.
Nagpalipas muna ako ng ilang minuto at saka pumasok habang nakayuko dahil sa nararamdaman kong lungkot na hindi ko maintindihan.
Papasok na ako ng elevator nang mapansin ko ang dalawang paang nagaabang and when I look to who it is...
"Bruha...?"
Mahinang sabi ko dahil sa pagkabigla ko.
"What?"
Napatanong siya bigla that makes me realize what I just said.
"Ah wala, I mean why are you still here? Waiting for someone?"
Tanong ko naman.
"No, ang tagal kasi ng elevator bumaba"
Sabi niya and then sakay sa elevator na sinundan ko naman.
Then silence surround us both, kahit ilang floor lang naman kami hindi ko maintindihan why this elevator is so damn slow!
Ang bagal ng pagakyat kaya nakakabagot at boring!
"Ahmm saan ka pala galing?"
Tanong ko to start a conversation which is hindi naman niya sinagot.
Well I guess she is somehow really hated me, well wala na ako magagawa, dapat nga mainis din ako sa pambabastos na ginawa niya sa akin pero hindi ko rin maintindihan why I am not.
Hangang makarating ng floor namin ay tahimik lang siga, we both walk towards our door and nang papasok na ako ay.
"Be on time tomorrow, this time make it good sa work mo, I can't allow any kind of attitude that will affect my business, this is a one time deal, Kate, make a mistake and I will sure to contact Vincent about his debt and all this!"
She seriously said na talagang gumulat sa akin.
Gustuhin ko man magtaray eh parang biglang nabahag ang buntot ko sa mga sinabi niya.
I can't let her talk to Vincent and specially ipahamak pa ako!
"Sure"
Sagot ko na lang then enter my unit.
Napasandal ako sa pinto ko sabay buntong hininga, geez Kate...you need to get a hold of yourself, I cant make an attitude like the way I am to her this time.
Hindi na ako naiinis sa kaniyapero parang gusto ko siyang sabunutan!
Pabagsak na lang akong humiga ulit sa kama, hindi ko pwedeng hayaan syang ibunyag ang lahat ng ito kay Vincent.
If it will come to that, I will do it myself in time!
I grab my cellphone and try to browse on my social media na Frenzbook, wala namang bago sa news feed ko until the suggestion appears.
"Gabbie P.?"
I mumbled pagkatapos makita ang profile na ito.
I try to look at the whole profile and I am right, ang Frenzbook ng bruha.
Shit, nangangati nanaman ang kamay kong gumawa ng ikaka-regret ko later!
Gosh brain stop pushing me sa kahihiyan nanaman! Pero masyadong malakas si brain and command my finger to tap that "add friend" button!
"s**t! Ginawa ko nanaman! Hays talaga itong daliri ko at utak ko, ang tigas ng bungo eh! sabi nang wag eh!”
Bulyaw ko sa buong kwarto ko.
Hinagis ko ang cellphobe ko palayo sa akin and just burried my face sa unan.
Letse talaga! Wala na akong dangal sa sarili ko talaga!
Hapon na at wala pa akong nagagawang dinner nang biglang tumunog ang notification ng cellphone ko.
I quickly grab it and look for what it is at nanlaki ang mata ko seeing what I didn't expect.
"Friend request confirmed"
So she accept my friend request huh, hmmmm napapataas ang kilay ko if she do hate me or baka naman may pinaplano lang siya kaya ina-accept nya rin ako.
Ano ito mag ii-stalk kami sa isat-isa? I will stalk her if she is still has a thing with Vincent and she will stalk me to have info about Vincent!
Shit! Ang weird ko na talaga magisip!
Pero napapaisip pa rin ako why she accept that request, hmmmm sana lang hindi para sa masama!
I start to dig in sa profie niya and as I am browsing all her post, nakita ko kung saan sya pumunta.
"Bulacan?"
Sambit ko bigla dahil sa pagkataka ko.
So mayroon kamag-anak ba siya sa Bulacan and spend the whole one week doon?
Pinagpatuloy ko pa din ang pag-browse ko and yes, they seems to have a family rest house doon.
Medyo napatitig ako sa family picture nila, may sister pala sya and her family seems to be so strict, mga parang amerikanong hilaw!
I try to look at her sister's profile, mukha kasi silang close, pero natigilan ako seeing her pictures, s**t she is a lesbian pala, ang ganda nya at halos magkasing tangkad sila ni Gabbie pero she seems to have married to a woman and may anak na sila ngayon.
Sa strikto ng pamilya nila buti they accept and allow her to be like that? Pero bakit ganun, parang ang lupit nila kay Gabbie?
Hay nagiging marites nanaman ako sa ginagawa ko eh!
I drop my cellphone and just press myself sa bed habang nakatitig sa ceiling.
"Ang lungkot siguro ng buhay nya"
I whisper to myself trying to analyze what is really going on with Gabbie sa pamilya nya.
Isang malaking buntong hininga na lang ang nagawa ko and then head to the kitchen to prepare my dinner, sabak nanaman bukas sa work, goodluck sa akin!
Halos mag 8:45 am na nang magising ako, same routine as usual, mas naging makulit pa nga si Vincent ngayon.
I prepare myself going to go to work since hindi ako pwedeng magkamali or do anything stupid this time!
Ilang minuto at nasa cafe na ako, pagpasok pa lang ay nakita ko na agad ang kakaibang designs ng cafe, mga real photos and images ang nakadisplay, ang gaganda ng pagkakakuha.
Hindi ko alam pero napatitig talaga ako sa kanila and startled when this bruha appear in front of me.
"You cant do that all day"
Naka-cross arms niyang sabi na nakapagpatingin sa akin sa kaniya.
"Hindi ba pwedeng na-amazedlang ako sa mga pictures? Ang gaganda ng pagkakakuha eh!"
Paliwanag ko naman and she look at those images as well at doon ko nakita her serious and sad eyes again.
"Hangang dito mayroon naa-amazed sa lahat ng gawa niya, you don't know her and even see my sister pero you are already captured by her talent...she is indeed pretty amazing"
Sabi niya sabay tingin ng malamlam sa akin.
"Sabi ko amazing yung photos hindi ko sinabing siya"
Sabi ko naman at doon ay napatitig sya sa akin, nakakailang ang mga tinginan nya ngayon, ang weird lang talaga!
After that look, isang malumanay na irap ang binigay niya sa akin sabay pasok sa office niya.
Sinimulan ko na rin ang pagaasikaso ng mga cakes sa counter fridge at iba ko pang gawain.
Paisa- isa na rin ang dating ng mga customers, ang ilan ay dito na naggagawa ng mga reports nila or project, like how I descirbe this cafe, sobrang cozy talaga.
Buti na lang hindi na katulad nang nakaraan on how I assist Gabbie's family na need ko pa talagang tumayo sa harap nila and get their order.
Ang real service pala dito is sila mismo ang pipila sa counter to make their order and most is self service na, more like other coffee resto din talaga.
Ako lang nagpre-prepare ng drinks na order nila and cakes, then they will be the one to bring it to their table.
Mayroon designated guard na rin kami and he seems to know Gabbie, well ano ba ang laban ko, eh mas nauna siyang ibinalandra ni Vincent sa lugar na ito!
Minsan nakakaramdam ako ng inis sa ibang tao rito sa village na ito, lalo na sa apartment condo, they really know her and sometimes like acting s**t on me.
Babanggit pa nang "Ay sayang naman kayo ni Vince...tagal nyo din ah.." o kaya naman " Ano ba yan, you two looks good together, idol ko pa naman ang relasyon nyong dalawa noon"
Mga bruhang marites ng village na ito! Wala man lang kahihiyan at delikadesa!
As if hindi ako nasasaktan everytime they say that, kaya nga sa darating na event sa apartment na naurong na lang ng naurong eh parang di ko bet pumunta, panigurado ako ang topic of the town ng lipon ni marites!
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip when Gabbie walk out of her office sabay upo sa pwesto niya sa counter, yes she has her own space sa counter area.
Tahimik lang siyang nagseselpon na parang walang nakikita, medyo naaawkwardan ako dahil sa nangyare last week, pero mukha namang wala lang sa kaniya iyon.
Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kaniya and she is now looking at me as well.
"Love the view?"
Taas kilay niyang tanong na nagpabalik ng ulirat ko.
"Ha? Ahmmm ano, medyo parang nagugutom na ata ako, 30 mins. magla-lunch na eh"
Sabi ko naman and she look at her time sabay tayo.
"Alright, I will just get my lunch at pagbalik ko ikaw naman ang maglunch, obviously you didn’t read the contract pa rin so ako na ang magre-remind sa iyo, 12-1pm is your lunch relyebo tayo and 3pm to 3:30 you can have your break"
Paliwanag niga naman na nagpalinaw bigla ng mukha ko, akalain mong may 30 minutes na break pala ako!
"Okay, noted though, kailangan ko pa bang magpaalam sayo pagmagta-take na ako ng lunch or break ko?"
Tanong ko naman and she start crossing her arms while looking serious at me.
"Do you need to ask that stupid question? Dalawa lang tayo dito, you think you can just go without informing me?"
Taas kilay nyang sabi giving me that b***h look.
Wow, abat talagang sinamantala niya ang pagiging boss niya ah, bwesit! Matapos lang talaga ang deal na ito eh babawian ko talaga siya!
"Hindi ako stupid! Kaya nga nagtatanong ako kasi nga po nakakahiya namang magkamali sayo...MAAM!"
Sabi ko naman sabay irap sa kaniya, I can see na muntik nang umusok ang ilong niya sa way ng pagkakasabi ko, she look pissed while staring at me.
"What? Are you going to question pati ang way ng pagsasalita ko? Hindi naman na siguro part yun ng pagiging employee-boss relationship natin hindi ba?"
Taas kilay kong sabi muli, hindi ko alam what is on her mind pero mukha naman siyang kumalma bigla then face me properly.
"I didn't say you're stupid, just making you realize that your question is out of context"
Sabi niya sabay labas ng cafe.
Wow, lakas ng loob at sinasamantala niya rin talaga ang posisyon nya! Sarap bigwasan eh!
Hayyyssst, pang ilang araw ko pa lang, ilang kalbaryo pa ba ang titiisin ko sa bruhang iyon! Feeling ko gusto kong maiyak!
I just get myself back to work, pumasok muna ako sa kitchen to get some buns and pastries when I noticed a crumpled paper sa basurahan.
Hindi dahil ususera ako sa mga basura pero kasi...mukhang sulat na itinapon.
I pick it up and hindi ko na binasa ang but what caught my attention is who wrote it.
Sa dulo ang nakasulat lang ay...
"Loving you, -V"
V? Ayokong magisip ng kung ano, pero sino ang V na iyon?
Nagmumukha na akong OA if iisipin kong si Vincent, pero hindi ko din maiaalis na pwedeng si Vincent nga.
I need to know the truth, pero I can't just go into conclusion, kung sana ay handwritten into eh masmakikilala ko pero printed kasi ang sulat eh.
As I read the content, it is obviously saying his love for Gabbie, the "-G" eh malamang si Gabbie!
Ibinulsa ko na muna ang sulat when I heard that she arrives.
Agad ko nang ginawa na muna ang pakay ko rito sa kitchen and then back to the counter.
Hindi ko siya pinansin and just continue what I am doing.
After kong maglagay ng mga new buns and pastries eh bigla namang lumitaw sa likuran ko ang bruha.
"You can have your lunch now"
Isang pabulong na pagkakasabi ang ginawa niya na mismo batok ko ang nakaramdam ng breath niya, s**t I got goosebumps, ang presko ng boses nymiya.
I didn't know that she has this daring voice when she whispers.
Feeling ko nanigas ako dahil ramdam ko ang presence nya sa likod ko.
And when I face her, doon lang siya medyo lumayo ng kaunti.
"O-okay, ahmmm I will be here in an hour"
Sabi ko naman sabay talikod at alis na rin.
Hindi ko alam bakit parang kumabog ang dib-dib ko sa eksena namin na iyon, goodness ang daring kasi ng kilos niga, hindi ko alam ang trip niya if she is just trying to annoy me though it doesn’t seems annoying, it is something else.
After makalabas saka naman naginarte ang utak ko, medyo feel kong magfastfood ngayon though usualy naman eh seven-eleven lang ang peg ko!
It is almost an hour na kaya bumalik na ako sa cafe.
Nang makapasok ako ng counter area, Si Bruha nakatingin nanaman sa akin na para akong sasakmalin!
Naku ah, wala pang one hour nang makabalik ako! Diyos ko, ano kaya ang nasa utak nanaman nito?
"What?"
Taas kilay kong tanong sakanya while staring at me.
"Ganyan ka ba talaga? Sobrang chismosang pakialamera?"
Mataray na sabi nya na ikinalito ko naman.
"Paki-clear kasi ang labo ng tanong mo"
Sabi ko naman sabay irap.
"Sige linawin natin, yung sulat ko lang naman na tinapon ko, which is I am sure kinuha mo"
Sabi niya and I just swallowed my throat sa kaba.
"Fine, nakita ko nga, eh hindi ba tinapon mo naman na iyon? Naghahanap kasi ako scratch kanina and good thing mayroon crampled paper, malay ko bang sulat iyon! at pakialam ko ba roon!”
Sabi ko naman trying my best to look cool.
"Really? Or care for the sender? kasi V ang initials nya? "
Nangingiti- ngiti niyang sabi na obvious namang nang aasar.
"Ah talaga? V ba ang sender? Bakit di ko kasi alam na mayroon ganoon pala sa sulat na iyon, hindi ko kasi tinigtan eh, well anyway wala akong mean sa papel na iyon tinapon ko na nga paglabas ko kaya wala na!"
Pagsisinungaling ko naman and she just look at me na parang kakainin na ako ng buhay.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at ako naman eh paatras naman ng paatras hangang sa wall na lang ang nasa likod ko.
Halos magkadikit na kami and I can smell her breath, nakakaloka ang mga ganitong kilos niya sa akin sa totoo lang!
"I always find you cute every time you show your nasty attitude but just so you know I hate liars!"
She whisper na nakayuko sa akin at ako naman ay halos nakatingala na lang sa kaniya sabay layo at pasok sa office nya.
Damn! Nakakabaliw ang mga ganito!
Mga ilang ulit niya pa kaya akong pakikitaan ng kilos na ganun?
kinakabahan ako every time she walks towards me like that!