After talking to that gerlat, hindi ko alam kung magsisisi ba ako sa desisyon ko or what, pero mas ayaw ko naman na makita siya na kinakausap si Vincent!
Diyos ko Papa God! Bahala ka na sa akin! Mali ang paglihiman ko si Vincent pero ano ba kasi magagawa ko? Heto lang naman ako paranoid pero maganda! Hehehe chos lang Lord!
Hay, nagmumukha nanaman akong ewan dahil sa pagkausap ko sa sarili ko, though honestly talagang kinakabahan ako sa mangyayri pero siguro naman hindi ako magsisimula agad...
Pabagsak na akong nahiga sa sofa, ayun nakipag-live-in ako pero iniwan din naman ako! Mukhang tanga lang itong set-up namin eh!
Pero kung iisipin ko, mas makikita ko ang galawan ng bruhang iyon! Malalaman ko rin kung tinatawagan nya ng palihim ang boyfriend ko!
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagiisip my cellphone ring and nakita ko si Mama pala ang tumatawag.
Family oriented ako pero may kapaguran din naman ako, alam kong mali ang pag-iwan ko sa kanila kaya lang kasi gusto ko na rin makapagsimula ng buhay ko well I hope magawa ko ng maayos ang deal namin ng babaeng iyon!
I just end the call, next time ko na lang sila muna kakausapin...
Lumipas ang dalawang araw pero hindi ko alam bakit hindi ko ata nakikita ang babae na iyon na naglalalabas, or baka hindi lang kami nagtatagpo.
Nakatapos na ako magluto ng tanghalian ko and still naghihintay pa rin ako sa email ng hospital na pinasahan ko ng application.
Eating my lunch while facing my laptop, yung cellphone ko bigla na lang nag-ring and when I look at the screen si Vincent pala.
"Hey babe"
Bungad ko.
"Hey, how is my baby? Doing well there?"
Paglalambing nya which is sanay ako dahil baby na baby nya ako noon pa naman.
"Hmmmp, for sure you just call me na naglalambing kasi may bad news ka sa akin, tama hindi ba?"
After saying that bigla siyang nanahimik and sense ko na iyon, tama ang hinala ko.
"Sorry babe, extended kasi kami and I can’t go home at the exact date na sinabi ko sa iyo"
He explain.
"So hangang kailan naman iyan?"
Tanong ko.
"Hindi pa ako sure babe, wala pa silang sinasabi, ayoko naman na paasahin ka ulit at hindi matutuloy"
Paliwanag niya and somehow naiintindihan ko naman.
"Oo na, alam ko naman iyon, pero sana naman bago man lang magpasko makauwe ka naman dito"
Sabi ko naman.
"I will try my very best babe"
Sagot niya and then we end the call, pansin ko sa tono ng pananalita nya ay nagmamadali na siyang ibaba ang call.
Isang malalim na buntong hininga na lang ang inilabas ko sabay balik tingin sa laptop ko.
Habang nakatitig lang sa monitor ay biglang tumunog ito hudyat na mayroon email akong pumasok ngunit sabay naman nito ang pagtunog ng doorbell ko.
Paulit-ulit ang tunog kaya naman mas inuna ko na muna ang pinto sabay bukas nito.
Speechless, yan ang reaction ko seeing the person in front of me.
"What?"
Mataray na tanong ko sa nakatitig at cross arms lang na babaeng ito, sa dinami-dami naman ng bibisita sa akin dito bakit ba kailangan siya talaga? Tsk!
“Can you start tomorrow?"
Bigla niya sabi na nakapagpatahimik sa akin and just stare at her.
Binalot lang kami ng titigan portion ng ilang minuto before she speak again.
"Sudden deaf? No more deal na ba?"
She said that put my senses back.
"Anong no more deal?! Hindi ah, ahmmm nakakagulat naman kasi ang pagpabigla effect mo, ni hindi nga kita nakita ng ilang araw tapos lilitaw ka bigla sa pinto ko!"
Bulalas ko which I totally regret after! Letse! Mayroon mali sa sinabi ko! Damn it!
I can see how her reaction change, yung cross arms niya biglang naghiwalay and put her arms sa magkabilang-side ng pinto and lean a little closer sa akin na medyo ikinagulat ko.
"Inaabangan mo pala ako? Parang bigla akong na-curious"
She said na sobrang lapit ng mukha sa akin, medyo hindi ko gusto ang sinabi niya, ano ba ang tingin niya na super chismosa ako sa life niya and inaabangan siya kasi insecure ako sa kaniya? Kapal talaga ng babaeng kapre na ito!
I was about to say something ng mayroon mapansin ako sa aura niya and the smell of her breath...alak? Nak nang putcha naman itong babaeng ito! Pupunta rito ng nakainum pa talaga?!
"Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo ha? Eh nakainum ka eh! Baka pumunta ako niyan bukas sa shop mo tapos magmukha akong tanga kasi limot mo itong gabing ito!!!?"
Inis na sabi ko sa kaniya na nakapagpabalik sa straight niyang tayo after leaning forward to me.
"Look, it doesn’t mean that I am drunk I don’t know what I am doing, hindi ako ganun! I am serious Kate, I need your assitance tomorrow sa shop ko, I have a VIP na darating sa cafe kaya make sure you are at your best!"
Seryoso niyang sabi kahit medyo bulol ang way nang pagsasalita niya.
"Fine! Papasok ako bukas and make sure na naka-record ang first day ng work ko, you need to give me a copy as well with your signature!"
Sabi ko naman and isasara ko na sana ang pinto when she suddenly stop the door from closing.
"Wait!"
Pagsigaw nya.
"Ano pa ba!?"
Inis na tanong ko but I was stop nang bigla-bigla na lang ay naramdaman ko na lang ang warm body niya pressing mine.
She is f*****g hugging me right now...damn! Ano ba ang trip ng babaeng ito!?
Agad ko siyang itinulak palayo and she almost fall to the floor buti matangkad siya at naitungkod niya ang kamay niya, nakasandal na siya sa pinto ng unit niya mismo and she is really look wasted this time, naiinis ako sa kilos nya hindi ko alam kung ano ba ang problema ng babaeng ito!
Agad ko nang isinara ang pinto ko and then lean my back sa pinto, I must admit na nabigla ako sa ginawa nya and a little nakokonsensya ako sa pagtulak ko sa kaniya and now that she is sitting at the floor looking wasted na nakasandal sa pinto niya sa labas.
Damn Kate! Hindi ito oras para makonsensya ka lalo pa sa babaeng iyon!
Remember your real reason bakit ka pumayag na bayaran ang utang ni Vincent sa paraang iyon!
Mukha na akong tangang kinakausap ko ang sarili kong utak! Grrrrr...! Bakit ba kasi umiiral ang konsensya ko sa maling pagkakataon ehh!!
Pinilit kong huwag isipin ang hitsura ng babaeng iyon sa harap ng unit niya, wala na akong pakialam sa kaniya bahala na siya!
I head back to my table facing my laptop and try to look for the email na na-received ko pero hindi ko talaga maintindihan ang utak ko eh naiisip ko pa rin ang bruha na iyon!
Pumapasok sa isip ko na baka mapahamak sya or baka may mag-take advantage sakanya.
"s**t naman! Hay nako!"
Inis na bulyaw ko sa sarili ko sabay bukas ng pinto, I was stopped seeing her almost sleeping at the floor, diyos ko itong babaeng ito, mukhang mayroon malaking problema ata!
I walk towards her at dahan-dahang umupo sa harap niya, mukhang batang natutulog lang, wala akong magagawa kung hindi gisingin sya.
"Uyy, gumising ka nga diyan! Huy!"
Paggising ko sa kaniya.
Napansin ko naman na pupungas-pungas na siya and iyon na ang hudyat ko na tulungan siyang tumayo, isinampay ko ang arms niya sa balikat ko at saka ko siya itinayo, good thing at ang pinto ng unit niya ay bukas naman pala kaya nakapasok kami agad.
Halos matulala ako sa sobrang ganda and neat ng unit niya, I can see some paintings and baking tools, agad ko na siyang inihiga sa bed niya, I was about to go when she suddenly hold my hand.
"Thanks"
She said habang nakapikit pa rin, hindi ko alam kung nananaginip ba siya or gising talaga siya at trip niya lang ako! Letse lang kung ganun!
Nang humakbang na ako papuntang pinto medyo napahinto ako nang may makita ako on my peripheral vision, nasa ibabaw ng refrigirator.
I walk towards it and tama nga ako, it was an old photo of her and Vincent, hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, parang gusto kong magsisi dahil tinulungan ko pa ang babaeng ito.
Tahimik ko na lang na itinaob ang picture nila then head my way out of her unit.
So tama pa rin ako, she seems to have feelings for him pa rin, hindi ako papayag, akin lang si Vincent!
I have all the rights to protect and defend my love for him at hindi ang babaeng iyon ang sisira ng relasyon namin.
Tahimik lang akong pumasok sa unit namin and slowly sit on my chair, wala akong pakialam kung lasing man siya sa tanghaling tapat or drama lang ba niya iyon to get close with me and for that she can win back my boyfriend! No way!
Simula na bukas ng work ko sa kaniya, tignan natin, ako mismo ang hahanap ng rason to ruin you b***h!
Malaman ko lang ang kalandian mo sa boyfriend ko, ako mismo ang magpapabagsak ng business mo!
Kumalma muna ako sabay harap sa laptop ko then look for the email, biglang nawala ang inis ko seeing the content, the hospital invites me for an interview, since linggo ngayon, kailangan ko pa lang kausapin ang babaeng iyon para ayusin ang schedule ko, siguro naman nahimasmasan na siya mamayang gabi.
Iniisip ko na lang na kausapin siya mamayang gabi about this.
I just prepare myself and focus sa interview na a-attend-an ko and study the possible question.
Halos inabot ako ng ilang oras kakabasa, hindi ko na namalayan na hapon na pala, hindi pa ako nakakaluto ng pang-dinner ko so I stand up and will about to cook nang bilang may kumatok.
Agad naman akong pumunta sa pintuan sabay bukas and a woman na parang nasa 50's ang tumambad sa harap ko.
"Yes po?"
I ask
"Ahmm, hello iha, ako nga pala si Mrs. Delmar, bali kami ng asawa ko ang care taker ng buong building apartment na ito, actually mag-fifteen years na kasi ito, sa isang linggo kasi ang anibersaryo ng apartment na ito at gusto namin mag-celebrate, sana makadalo ka sa meeting sa miyerkules, magtulong-tulong tayo maidaos ang anibersaryo"
Paliwanag ni Manang, gets ko naman ang sinabi nya and sasagot na sana ako nang mapahinto ako dahil sa pagbukas ng pinto ng hitad na bruhang babae, sabay labas, nagkaslubong pa kami ng tingin and mukha naman na syang nahimasmasan sa pagkalasing.
She just throw me a simple smile saka umalis palayo, hindi ko na lang pinansin muna then face Mrs. Delmar.
"Sige lang po, join po ako riyan, mga anong oras po ba ang meeting?"
Tanong ko ulit.
"Mga alas otso ng umaga iha"
Sagot naman ni manang at saka umalis.
Bumalik naman din ako sa loob and then continue preparing my dinner, honestly gutom na talaga ako and so kahit prito-prito na lang eh bahala na!
After having my dinner, ni-relax ko muna ang sarili ko and then lean on my chair when someone knocks again.
I open the door and was surprised to see itong babaeng ito, buti naman at sya na ang pumunta rito.
"Ano okay ka na? maglalasing kasi ng tanghaling tapat!"
Inis na sabi ko.
hindi naman siya agad sumagot and tahimik lang na nakatingin sa akin.
"Sorry for that, and thank you for looking after me, ahmmm about roon sa—"
I cut her from talking.
"—I saw it, hindi naman iyon ang makakagulo sa relasyon namin ni Vincent, I don’t care if may gusto ka pa rin sa boyfriend ko pero kung mayroon kang respeto sa sarili mo, you know what you should act"
dire-didretso kong sabi and kita ko ang pagkabigla niya, she seems can’t believe to what I said.
"Look, I am sorry kasi nakita mo yun sa ibabaw ng ref but it is not what you think! I don't have feelings for Vincent anymore! Just pay what you both need to pay by doing our deal! Thanks!"
Pagtataray niya sabay alis at pasok sa unit niya,
Wow! siya pa talaga ang mayroon ganang magtaray ah, akala mo talaga kung sino, kanina lang hiyang-hiya siya sa sasrili niya sa paglalasing niya, tapos ngayon akala mo kung sino!
I was about to close the door nang maalala ko ang tungkol sa interview ko and magiging pasok ko sa hospital.
I really need to tell her that bago ako pa ang mahanapan niya ng butas na hindi ko inaayos ang obligasyon ko sa deal namin.
I head my way papunta sa pinto niya and knock, naiinis ako kasi bakit ba kailangan kong gawin ito pero ano ba ang magagawa ko, tsk!
She open the door and mukhang nabigla rin dahil ako ang kumakatok, I can see na todo taas pa ang kilay sabay cross arms.
"What?"
Taaskilay niyang tanong.
"I just want to inform you na magkakaroon ako ng interview sa community hospital and I need to attend that, so we need to fix my schedule ng pasok ko sa shop mo"
I explain.
"What? You mean hindi ka mag-fulltime sa akin? It isn’t our deal, kaya ako pumayag sa offer mo to work sa shop ko kasi you will work there fulltime kaya I can’t let you work sa iba"
Mataray na sabi niya na ikinataas naman din ng kilay ko.
"No, paano naman ang career ko? I am a nurse, and I need my job, hindi pwede iyan!"
Inis naman na sagot ko.
"I am sorry pero kung hindi ka papayag sa terms ko, then let’s cut this deal and infrom your boyfriend about the money he owes me or ako na lang ang kakausap sa kaniya!"
Mataray rin na sagot niya and I can see how serious she is right now.
Shit talaga itong babaeng ito, mukhang ang saya-saya nya ngayon dahil mapapahirapan niya ako, damn!
"Fine!!! I will decline the offer, but make sure every work and attendance ko mayroon record ako!"
Inis na sabi ko then walk away from her pero bigla niya akong hinablot sa kamay ko then make me face her na ikinagulat ko naman.
Halos gahibla na lang ng buhok ang pagitan namin, I can feel her breath, it is so refreshing amuyin, parang mayroon mint siyang nginuya or something.
She is holding me on my waist na si Vincent lang ang gumagawa, and she is, ang awkward ng itsura namin sa totoo lang!
"A-ano ba ang problema mo?"
I ask kahit ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin, then look down to my necklace, titig na titig niyang hinawakan ito.
"Where did you get this?"
Seryoso niyang tanong.
"Narito na sa akin na ito mula pa noong bata ako bakit ba?"
Tanong ko naman.
"It really looks familiar..."
Sabi niya na halos pabulong na lang dahil sa lapit ng mukha namin.
I was about to push her nang biglang mayroon akong narinig na paparating na tao at naglalakad papunta sa pasilyo namin, agad akong nataranta sa posisyon namin na halos magkadikit na ang mukha kaya no choice ako but to push her papasok sa unit niya pero sa kamalas-malasan ay nahatak pala ako ng bruhang ito and found myself in a not so good position.
Papikit akong bumagsak sa ibabaw niya and when I open my eyes halos hindi ako makagalaw after realizing our postion...
Her lips is kissing mine...fuck!