Part 2

1236 Words
“IVY, ALAS nueve na. Nasaan ka na?” tanong sa kanya ni Rachel.             “Nasa pad ko. Maliligo ako, bakit?”             “Ngayon ka pa lang maliligo? Nandito na ako sa motor pool ng Meralco kanina pa. Dapat paalis na tayo this time.”             “What do you mean tayo?”             “Last minute, nag-decide si Boss na dalawa tayong mag-monitor sa district. Okay lang naman sa akin dahil stable na ang system ng bangko. Hurry up, girl! I’m sure kanina pa tayo hinihintay ng mga taga-district.”             “O, sige, mauna ka na,” stubborn na sabi niya.             “Ano ka ba? Saka nakakahiya naman sa driver dito.”             “I’ll drive my own car, Rachel.”             “Oo, alam ko, mayaman ka,” indulgent na wika nito. “Pero bakit ka magpapakapagod na magmaneho kung may magmamaneho sa atin? Kasali ito sa binabayaran ng Meralco sa CyberPacific.”             “Eh, bakit naman ako magmamadali ng kilos kung puwede naman akong kumilos ayon sa gusto ko? Gabi naman. Walang traffic. Sandali lang nasa Plaridel district na ako. Saka huwag mong isipin iyong gas. Marami naman akong pambili.” At tumawa siya.             Napahinga si Rachel. “Paano, ako na lang ang sasakay sa service? Magkita na lang tayo doon?”             “Exactly. Don’t worry, kausap ko pa lang ang naka-monitor sa mainframe. The system is doing well.”             “Dahil wala pang alas dose. Kapag na-feed ang lahat ng incoming calls sa bagong system, tingnan natin kung makakatulog pa tayo. We are expecting the worst, Ivy.”             “Hindi ako kasali doon,” tiwalang wika niya. “We developed the system. May pressure lang siguro sa simula dahil maninibago sila sa actual operation. Look at your bank, hindi ba wala namang naging aberya? It’s just a matter of adjustment.”             “Oo na nga. Mauna na ako sa iyo, ha? Nakakahiya din kina Engineer Asuncion kung wala isa man sa atin doon. Ako na ang bahalang mag-explain kung bakit hindi pa dumarating iyong pinakamayamang empleyado ng CyberPacific.”             “Don’t emphasize the obvious, Rachel,” tatawa-tawa lang na sabi niya at ibinaba na ang telepono.             Ito ang pinaka-ayaw niya kaya hindi siya sana papayag sa gustong mangyari ng boss nila. Hatinggabi ang simula ng system transition. Ang pagpapalit ng unang segundo para sa bagong araw ang hudyat niyon. Pero bago iyon ay marami nang meeting ang ginawa. Hindi lang din isa o dalawa ang contingency plans kung sakaling mag-down ang system.             But she was confident. Ang totoo ay hindi naman ganoon kabago sa kanya ang ganoong system transition. Ang mga case study niya sa America ay hindi nalalayo doon. Nagkataon lang na malaking kumpanya ang ina-apply-an nila ngayon ng complicated programs.             Ilang sandali ba at bumaba na siya. Nang mamatay ang lola niya ay pinaupahan niya ang six-bedroom house nila sa Marikina. Hindi niya kailangan ng ganoon kalaking bahay kung nag-iisa lang siya. She was too busy with her career para intindihin ang everyday maintenance niyon. Isa pa, pabor din sa kanya ang lokasyon ng condo niya. Kapag tinatamad siyang magmaneho ay puwede niyang lakarin na lang ang maigsing distansya ng condo at opisina ng Cyber Pacific. Kung hindi nga lang sa sentimental value, baka ibinenta na niya iyon. Pero doon din sa bahay na iyon siya nagkaisip at lumaki. Isa pa, malamang na bumiling sa kabaong nito ang kanyang lola kapag ginawa nga niya iyon. Nang marating ng elevator ang basement ay kaagad na niyang tinungo ang reserved space ng kotse niya doon. It was the latest Honda Accord. Iyon ang dahilan kaya tinutudyo siyang pinakamayaman ni Rachel. Well, may bahid naman ng katotohanan iyon.  WALA PANG isang oras buhat sa flat niya sa Ortigas ay nasa Plaridel District na siya. Dinatnan niya si Rachel sa lobby. Hawak nito ang cell phone at tila may tatawagan. Nang makita siya nito, bumadha ang relief sa mukha nito at ibinalik na rin sa bag ang aparato.             “Mabuti naman at dumating ka na,” wika nito sa kanya.             “Oh, yes! I’m here na kaya huwag ka nang sumimangot diyan—”             “Excuse me! Excuse me!” wika ng isang lalaking nagmamadali. At bago pa nila nakuhang lumihis sa daanan ay nabunggo na siya nito.             “Ano ba?” masungit na sabi niya nang bumuway ang tayo dahil sa paghampas ng sukbit nitong backpack sa kanya. “Sorry!” mabilis na sabi nito. Ni hindi nagawang lingunin siya.             Her eyes narrowed. Ang balak niya ay tarayan ang lalaki kaya naman nakasunod ang tingin niya sa kilos nito. Then she found out kung bakit ito nagmamadali. Eksaktong alas dies na.             Matapos nitong i-swipe ang ID sa bundy clock ay kinuyom pa nito ang kamao saka binayo sa hangin. “Yes!” ngisi nito.             “Hoy, Gatas! Muntik ka na namang ma-late!” kantiyaw dito ng isang lalaking naka-T-shirt ng asul. Uniform iyon ng linemen ng Meralco. “Hinahanap ka na ni GF.”             “O, bakit, Kalabaw? Umabot naman ako sa oras, ah?” nakangising sagot naman nito. “Diyan ka na nga!” Magaan nitong sinuntok sa balikat ang lalaki saka bumalik ng hakbang sa direksyon nila. “Miss, sorry, ha?”             Nakatingin pa rin siya dito. Ang mga mata ay naniningkit pa rin pero tila wala na sa loob niya nag pagtataray. Ang buong atensyon niya ay nasa pagsuri sa kabuuan ng lalaki.             He had fair skin. Ang kulay ay hindi nalalayo sa mestizang kutis niya. Maigsing-maigsi ang kulot na buhok. Hindi niya alam kung shampoo nito o gel ang naamoy niya. Malinis at plantsado ang puting T-shirt.  Nakaparagan iyon sa pantalong maong—maong na sa tingin niya ay kagaya rin ng uri ng mga isinusuot niya. Branded. At isa sa pinakamamahalin kung hindi man ang siyang mismong pinakamahal.             And he was well built. Tila walang labis na taba sa alinmang bahagi ng katawan nito. Puwede siguro itong kandidato sa fitness competition lalo at matangkad din at halata ang taglay na tiwala sa sarili sa paraan ng pagkakatindig. Pero walang sinabi ang katangian nitong iyon sa mga matang nakatunghay sa kanya.             His eyes were striking. It was a lovely pair of gray. Sanay siyang makakita ng iba’t ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mga mata ng tao sa bansa.             Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were… pink!             Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. Was it really pink?             Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Wala iyong bahid ng anumang kosmetiko. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. Waring hindi pa nasayaran ng sigarilyo ang mga labing iyon.             And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi?             At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing.             French kissing, she emphasized to herself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD