WAKAS

813 Words
WAKAS   "Kasintahan ko si Linda"kasabay ng pag-iyak ni Andoy ang pagsasabing siya ang kasintahan ni Linda na matagal nang hinahanap ni Rey.             "Pa-paanong nangyari yun?"gulat na tanong ni Rey at nagsimulang magkwento si Andoy sa nakaraan. ANG NAKARAAN...             Isang lalaki ang naghihintay sa kailaliman ng gabi na parang inip na inip sa taong hinihintay niya.habang siya'y naghihintay mula sa labas ng resort ay isang malamig na hangin ang dumampi sa kanyang balat na nagpatindig sa kanyang balahibo at kasabay noon ang paglabas ng sampung kalalakihan ang lumabas mula sa resort.             "Boss,may nakita ba kayong babae sa loob?"pagtatanong ng isang lalaki na nagngangalang Andoy.             "Wa-wala eh...sige alis na kami ha?" nagmadaling pumasok sa sasakyan ang lalaking pinagtanungan niya na parang may pinagtataguan at pagkatapos noo'y humarurot ng takbo ang sasakyan ng sampung kalalakihan.at sa pag-aalala ni Andoy ay pumasok siya sa loob ng resort.             Sa pagpasok niya sa resort ay nangingilid ang kanyang mga mata sa nakikita,dugo mula sa cottage ng resort papunta sa malalim na balon. Ganun na lamang ang kanyang pag-aalala na baka ang kanyang kasintahang si Linda ang nagmamay-ari ng dugong nagkalat.at ng sundan niya iyon hindi na niya napigilan ang sarili na mapahagulgol sa pag-iyak sa nakita,bangkay ni Linda ang nakita niyang lulutang-lutang sa balon at duguan.             "LINDAAA!MAHAL KO!" Kumuha siya ng lubid para mailigtas si Linda ngunit huli na ang lahat, tuluyan nang nilamon ng tubig ang katawan ni Linda at hindi na niya nakita pa dahil sa lampas taong tubig mula sa balon.hindi na siya nag-abala pang tumawag sa kinauukulan dahil alam niyang hindi siya paniniwalaan ng mga ito sapagkat may sapat na kapangyarihan ang mga lalaking gumawa nito kay Linda. Bago siya lumabas ng resort ay isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig.             "Mahal ko, tulungan mo ako,"wika ng isang babaeng naghihingalo at parang papalakas ang boses nito na nanggagaling sa balon.ngunit sa halip na tumugon si Andoy ay nagtatakbo ito papalabas ng resort. KASALUKUYAN...             "May paraan pa para mailigtas ang iba,pigilan natin si Linda na kuhanin ang buhay ng iba pa?,"sambit ni Rey.             "Huli na ang lahat, noong gabing pinatay si Linda at magtatanan sana kami yun din yung gabi na naaksidente at bumangga ang sinasakyang kotse ng mga lalaking yun at sa kasamaang palad tatlo lang ang nakaligtas,ngunit ang natira ay agad ding isinunod ni Linda sa hukay"sabi ni Andoy.             "Oo! At ikaw na ang isusunod ko!" Laking gulat niya nang sa paglingon niya ay galit na galit ang mukha ni Linda at tsaka siya sinakal na parang ayaw pakawalan.             "Ma-mahal ko! A-anong kasalanan ko?"hirap man huminga ay nagawa pa rin ni Andoy na magsalita sa kabila ng pagsakal sa kanya ni Linda.             "Humingi ako ng tulong sa'yo pero binalewala mo ako!!!"galit at parang sinasapian ng demonyo ang boses ni Linda na nakalutang.             "Tigilan mo na 'to Linda! Maawa ka sa taong mahal mo!"ani Rey.             "Tumahimik ka!hindi ako mahal ng lalaking 'to kaya dapat lang na mamatay na siya!"sigaw ni Linda habang sinasakal si Andoy.             "Pero Linda." Itutuloy pa sana ni Rey ang sasabihin niya ngunit naputol iyon.             "--isasama kita sa hukay...AHAHAHAHAHA!"hindi na napigilan pa ni Rey si Linda at inhulog niya ang katawan ni Andoy sa malalim na balon.             Kasabay ng pagkahulog ni Andoy sa balon ang pagkawala ng hindi matahimik na kaluluwa ni Linda.             Kasabay ng pagdating ng mga pulis ay nakita ang bangkay ni Andoy na wala nang buhay kasama ang naaagnas na bangkay ni Linda.             "Sir, ano pong nangyari?"tanong ng isang pulis kay Rey ngunit wala kahit isa silang narinig kay Rey at kahit anong ebidensya sa pagkamatay ni               Andoy ay wala silang nakita kay Rey kaya kahit sila ay naguluhan sa imbestigasyon.             Sa pag-uwi ni Rey sa bahay ay nanatili pa rin siyang tulala sa nangyari at tila natrauma.             "Rey,anong problema,bakit parang namumutla ka?"pagtatanong ng matandang si Martha sa kanya.             "Wala 'to tyang, sige po aakyat muna ako para makapagpahinga." Tumango na lang ang matandang si Martha at umakyat na si Rey sa kwarto niya.             Sa pag-upo niya sa kama ay napansin niyang naroroon pa rin ang litrato ni Andoy at Linda na masayang magkasama at may naaninag siya sa litrato nang itaas niya iyon mula sa araw ay napansin niyang may nakasulat sa likod kay agad niya itong binasa.at ganun na lang ang panghihilakbot niya nang mabasa niya ang nakasulat mula sa likurang bahagi ng litrato.             "MAGKASAMA TAYO HANGGANG KAMATAYAN!"             Hindi nga kaya yun ang HULING HILING ni Linda? Ang makasama si Andoy hanggang sa huling hantungan ngunit dahil sa karuwagan ng puso ni Andoy ay nagawa nitong kitilin ang buhay ng minamahal niya...maliwanag na ang lahat kay Rey.             Lumipas ang mga araw,buwan at taon na walang bumibisita sa resort dahil sa mga nakakatakot na bagay na nangyari dito at tuluyan na ngang nalugi ito at naabanduna at ayon pa sa mga kwento tuwing hatinggabi ay may nakikita ang mga nadaan dito na babae at lalaking magkahawak kamay at duguan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD