Panglabindalawang Kabanata

833 Words
Panglabindalawang Kabanata             Ilang araw din ang lumipas mula nang mangyari ang pagkamatay ng dalawang binata ay wala kahit isang bisita ang resort.halos di malaman ang hiwaga ng mga nangyari at tila takot ang mga tao sa mga nangyayaring kababalaghan.             "Parang mga ilang linggo rin tayong walang bisita ah?"turan ni Rey habang nag-iisip kung anong gagawin dahil simula pa nung isang linggo ay wala kahit isang pinapaasikaso sa kanila ang may-ari ng resort.             "Kasalanan 'to ng mga taong pumatay sa kanya"tugon ni Andoy na walang ginawa kung di sisihin ang mga pumatay kay Linda,ano nga kaya ang koneksyon nilang dalawa at ganun na lamang ang paninisi sa mga taong nagsamantala kay Linda?             "Kailangan na natin siyang pigilan..."ani Rey.             "Pigilan? Bakit pa, ngayong unti-unti na siyang nagtatagumpay sa paghihiganti?"sabi naman ni Andoy na seryosong tumingin kay Rey.             "Kapag hindi natin siya pinigilan maraming tao ang mapapahamak." ani Rey.             "Hindi mo alam ang sinasabi mo!"ganun na lang ang pagkagulat ni Rey nang hawakan ni Andoy ang kanyang damit pataas at animo'y nanlilisik ang mga mata sa galit.             "Re-relax pare!hindi mo ako kaaway!"sabi ni Rey kaya binitawan na ito ni Andoy at pumasok sa loob ng stock room na parang walang nangyari.             Ano kayang nais ni Andoy at kahit siya ay parang pabor sa lahat ng ginagawa ni Linda?tanong na namuo sa isipan ni Rey habang tulala pa rin sa iniisip kaya lumapit siya sa balon at bigla na lamang siyang nanigas sa pagkakatayo nang maramdaman niyang may humawak sa kanya mula sa balon at mula doon ay nakita niya ang babaeng duguan na humihingi ng tulong at parang nahuhulog ito mula sa kalaliman ng balon.             "Tulungan mo ako...maawa ka..."tila nangilabot si Rey sa nakita kaya hindi niya makuha ang kamay niya mula sa pagkakahawak ng babaeng duguan.             "Tigilan mo na 'to,huwag mo nang gambalain pa ang mga taong bumibisita dito...pakiusap!,"ani Rey kaya nanlisik ang mga mata ng babae at lalong humigpit ang hawak nito sa kamay ni Rey.             "Papatayin ko sila at di mo ako kayang pigilan!" Boses ng isang demonyo ang narinig niya mula sa tinig ng babae kay lalong lumakas ang babae sa paghila kay Rey pailalim sa balon,hindi man kayang tiisin ang sakit ay pilit hinila ni Rey ang kamay niya paitaas upang makawala sa pagkakahawak ng babae na ngayon ay naging pula ang mata na may mga ugat sa mukha at nanlilisik ang mga mata sa galit.             "Bi-bitawan mo ako!"napapikit si Rey sa sakit at lalong lumakas ang hangin sa pagkakataong yun ay di na napigilan ni Rey ang sarili at tuluyan siyang nahulog sa balon.             "Isasama kita sa hukay.hahahahaha!"nanatili pa rin ang boses ng demonyo sa tinig ng babae kasabay ng pagtawa nito.             "AAAAAAh!"sigaw ni Rey habang hawak siya ng babaeng duguan na nakatiwarik at nahuhulog mula sa kailaliman.             "Rey! Gumising ka!Rey!" Mula sa pagmulat ni Rey ay nakita niya ang mukha ng kanyang manager kaya napatayo siya mula sa pagkakahiga. "Nanaginip ka..."pag-aalalang tugon ng may-ari ng resort.             "Panaginip lang pala,"sabi ni Rey na tagaktak ng malamig na pawis mula sa kanyang pagkakaidlip mula pa kanina.             "Ano bang napanaginipan mo?"pagtatanong ng manager niya sa kanya.             "Babae...isinasama niya ako sa pagkakahulog mula sa balon"tugon ni Rey na hindi pa rin makapaniwala sa mga nakita niya sa kanyang panaginip.             "Panaginip lang yan"hinaplos ng manager ni Rey ang balikat niya upang siya'y pakalmahin"sige na,umuwi ka na"sabi ng manager niya at tumayo na para magligpit ng mga dapat iligpit sa loob ng resort.ngunit sa pagtayo niya ay isang litrato ang bumungad sa kanya na parang nahulog ito mula sa kanyang litrato kaya pinulot niya ito upang tingnan at ganun na lamang ang pagkagulat ni Rey sa nakita...si Andoy katabi si Linda at masayang nakangiti sa kuha nila.kinutuban si Rey sa kanyang nakita.marahil ay nakita na niya ang taong matagal na niyang hinahanap na makakasagot sa kanyang katanungan at yun ay si Andoy.             Sa paglabas ni Andoy mula sa stock room ay agad niya itong nilapitan ngunit bago pa siya makalapit dito ay nakita na niya ang babaeng duguan at nakaputi sa tabi ng balon na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya kaya nagtatakbo siya papunta kay Andoy bago pa ito makalabas ng resort.             "ANDOY! PARE,HINTAY!" Patakbong lumapit si Rey kay Andoy at di na lamang pinansin ang babaeng nakatayo mula sa balon na nawala rin nung lapitan niya si Andoy.             "Bakit?",matipid na tugon ni Andoy kay Rey at tiningnan siya ng seryoso.             "May itatanong lang sana ako,"ani Rey at ipinakita niya ang litrato kay Andoy"iyo ba ito?,"tanong ni Rey at kinuha ni Andoy ang litrato tsaka tiningnan ito na may lungkot sa mga mata. "Anong koneksyon mo sa babaeng nasa litrato at kasama mo siya diyan?,"muling pagtatanong ni Rey at ganun na lamang ang pagtataka ni Rey nang makita niyang lumuluha ang mga mata ni Andoy ng tumingin ito sa kanya.dahil sa nakita niyang reaksyon ni Andoy ay natagalan ito mula sa pagsagot mula sa tanong ni Rey.             Ano nga kaya ni Andoy si Linda at magkasama sila sa litratong nakita ni Rey?               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD