Panglabing-isang Kabanata

819 Words
Panglabing-isang Kabanata             Sa paghakbang ni Rey papalapit kay Andoy may limang lalaking lalaking biglang nagsipasok sa resort at dalawa dito ay kasama sa mga pumatay at nagsamantala kay Linda kaya naman naudlot ang pagtatangka ni Rey na kausapin si Andoy.             "Nandito na sila,"tugon ni Andoy na may galit sa mga mat at naramdaman ni Rey ang napakalamig na hanging dumampi sa balat niya na naging dahilan ng pagtayo ng kanyang balahibo kaya nalaman niya kaagad na may paparating na panganib sa mga dumating na bisita.             "Pare, sino ang isusunod niya?kung sino man yun pakiusap lang huwag na niyang ituloy"sambit ni Rey ngunit di siya pinansin ni Andoy at naglabas ito ng mga alak at pulutan para ipamahagi sa mga bisita.             Sa pagdating ng limang kalalakihan kasama ang dalawang lalaking pumatay kay Linda,tila di mapakali ang isang lalaki dahil sa mga nakaraan."Bro, sigurado ka bang dito tayo mag-a-outing ng barkada?hindi ba dito nangyari yun?,"tanong ng lalaking di mapakali sa kanyang kaibigan na pilit winawaglit sa isipan ang krimeng ginawa nila. "Pwede ba! Huwag mo na lang isipin yun. Tsaka ilang taon na rin ang nakaraan! Kaya manahimik ka na lang,"bulong ng lalaki sa kaibigan niya upang walang makarinig sa mga kasama nila"pero diba,dito namatay si Gino? 'di kaya may kinalaman yung babae sa--"muling pagtatanong ng lalaki ngunit di niya naituloy ng magsalita ang kaibigan niya"--aksidente lang yung nangyari kay Gino,kaya huwag kang mag-isip ng kung anu-ano okay?! Just relax!,"pagpigil ng lalaki sa kasama niya.             Dumaan ang gabi at halos lahat ay nagkakasiyahan na,sa pagdaan ng alas-dose ng gabi lahat ay parang walang pakealam sa mga nangyayari sa paligid,mula sa nakakapangilabot na hangin hanggang sa kabilugan ng buwan. "Pare, mag-C-CR lang ako,"paalam ng lalaki at sa pagpasok niya sa palikuran ang sa pagsara niya ng pinto nito,di niya namalayan ang babaeng nakaputi at duguan sa kanyang likuran,sa pagtungo niya ay gumuhit sa mukha ng babaeng nakaputi at duguan ang galit na parang gustong pumatay at sa pagtunghay ng lalaki hanggang sa paghakbang nito papalabas ng palikuran ay ganun na lamang ang panlalaki ng mata niya sa nakita,nakaharap sa kanya ang babae na nakalutang na halata sa mukha ang galit.             "AAAAAH!"sigaw ng lalaki na patakbong lumabas ng palikuran at dumiretso sa cottage ng kanyang mga kaibigan." Umuwi na tayo! A-ayaw ko na dito!,"takot na takot na tugon ng lalaki             "Pare! Ano bang nangyayari sa'yo?,"tanong ng isang lalaki at lingid sa kaalaman ng kasama niya tanging siya lamang ang nakakakita sa babaeng nakaputi at duguan na nakalutang na kasalukuyang lumalapit sa kanya kaya nagtatakbo siya papalabas ng resort kaya sumunod ang mga kasama niya sa kanya             "Pare! Saan ka pupunta? Ano bang nangyayari sa'yo?,"tanong ng mga kasama niya na nagtakaka ngunit wala siyang pakealam at ang tanging nais lamang niya ay makalayo sa lugar na yun.sa paglabas niya sa resort ay nakaabot na ito sa kalsada kaya di niya napansin ang isang napakalaking trak na mabilis ang pagtakbo kaya sa isang iglap ay nahagip siya nito at nakaladkad kaya nagkalasug-lasog ang katawan nito.             "Pa-patay na siya!"takot na sambit ng lalaking kasama sa gumawa ng krimen kay Linda.at laking gulat niya ng lumabas sa harap niya ang imahe ng isang babaeng duguan at namukhaan niya ang babaeng ito.             "I-ikaw?"panlalaki ng mata niya kaya napatras siya.             "Papatayin ko kayoo! Papatayin ko kayoo!!!"sinakal ng babaeng duguan ang lalaki kaya napahawak ito sa leeg at unti-unting napaatras na ipinagtaka ng mga kasama niya at sa tingin nila ay dala lamang ito ng kalasingan at sa pag-atras niya ay di namalayan ang batong nakabaon sa lupa sa likuran niya katapat ang isang pader na may nakausling bakal kaya sa pag-atras niya ay napatid ito sa bato at bumaon sa batok ang nakausling bakal sa pader,bumaon ang bakal hanggang sa noo niya at unti-unti itong nawalan ng buhay na nakadilat ang mata.ganun na lamang ang pagtataka ng mga kasama ng dalawang lalaking nawalan ng buhay sa mga nangyari.             "Tapos na siya,"ani Andoy na kasalukuyang kasama si Rey na inaayos ang nasirang bumbilya ng ilaw sa likuran ng resort kaya agad namang tiningnan ni Rey ang mga bisita dahil alam niya ang makahulugang sinabi ni Andoy at ganun na lamang ang pagkagulat niya sa nakita.isang lalaking nakahandusay na lasug-lasog ang katawan sa kalsada at lalaking may nakabaong bakal sa ulo nito.sa pagtawag nila sa kinauukulan ay hindi makausap ang tatlong lalaking kasama ng mga namatay at kahit sina Rey at Andoy ay wala ring masabi dahil wala sila sa pinangyarihan ng aksidente ngunit alam ni Rey na may nalalaman si Andoy sa mga nangyari ngunit di niya ito magawang kausapin dahil alam niyang wala itong isasagot sa kanya o kahit magkaganun pa man ang nangyari ay wala siyang pakealam. Ngunit isa sa tanong na namuo sa isipan ni Rey...             Ano nga ba ang hiwaga sa pagkatao ni Andoy at alam nito kapag may aksidenteng mangyayari sa resort?may alam kaya siya sa pagkamatay ni Linda? Mga tanong na gumugulo kay Rey.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD