Sorry not sorry

1031 Words
*Joiner's* Part6 Andrew* POV Hinihilot ko tong Puson ni Lesley at naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko nagawa ito sa babaeng Mahal ko. Nakapikit itong umiiyak at nagmamakaawa na tigilan ko na sya. Napakasakit makita syang ganito dahil sa kagagawan ko. Ako ang may kasalanan nito. "Ayoko na. Jusko. Napakasakit.?" Iyak nito. Dinidiinan ko pa para mawala ng kaunti yung sakit na nararamdaman nya. Ginawa ko na to dati sa kanya. Nakakainis lang at nagawa ko nanaman ulit dahil sa pagkaseloso ko. "Sshhh." Huni ko. Pinapatahan ko ito hanggang sa unti-unti itong nawawalan ng malay. Hindi ko na mapigilan pa at naiyak na ko. Sobra akong nagsisisi na iniwan ko tong Babae na to sa Araw ng Kasal namen dahil lang sa pagseselos ko sa Bestfriend nya. Sobrang naiinis ako sa sarili ko dahil nakuha ko pang makipagsex sa Kaibigan ko para lang makaganti ako sa sakit na naramdaman ko noon. "Lesley. I'm sorry.?" Iyak ko. Hinahalikan ko ito sa Noo. Nakapikit na ito at natutulog. Patuloy parin ako sa paghilot sa Puson nito na nabugbog ko. "Nakakainis." Iyak ko. Sa totoo lang ay hindi ako masisisi ng kahit na sino kung bakit ako naging sobrang Seloso. Bakit? Ilang beses ko na silang nahuhuli na nagkukulong ni Sebastian sa Kwarto nya. Minsan sya ang pumupunta dun sa Bahay ng Sebastian na yon at nasisilip ko sila na magkayakap sa Kama. Sinong Boyfriend o Fiance ang matutuwa na makikita mong ganoon ang mapapangasawa mo. Yung itsura pa naman ni Sebastian e mukhang matinik sa Babae. Gwapo si Sebastian kaya talagang magseselos ako. Ilang beses na yun. Tahimik lang ako at pinapabayaan sila sa ginagawa nila pero hindi nila ko naiisip na masasaktan ako. "F*ck.?" Iyak ko. Hirap din akong paniwalaan si Lesley sa sinasabi nyang walang nangyayare sa kanila e mga Sampung Beses ko na nahuhuli silang nakatapis lang ni Sebastian tapos sasabihin lang nila saken na nagpamasahe lang sila. Sinong Nobyo ang matutuwa na makikita nilang ganon ang Girlfriend nila. Kahit na sabihin pang Bakla si Sebastian. Lalaki parin yon. May Talong parin yon. "Mahal ko. I'm sorry.?" Iyak ko. Tumayo na ko at nagkalkal agad dito sa kabinet nya. Naghanap ako ng Panty, Pajama at pang Taas nya. Nang may makita ako dali-dali akong kumuha ng Maliit na Twalya saka binanlawan. Pinunasan ko muna si Lesley saka ko ito binihisan. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon. Oo mali ako. Hindi ko na napigilan pa yung galit ko na baka may mangyare sa kanila ng tauhan kong si Dereck. "Pahinga ka lang Mahal ko. Bukas. Lalambingin kita." Bulong ko. Hinalikan ko ito sa Noo at sa Labi. Kinumutan ko ito saka ko kinuha ang Susi nya para makapasok ako bukas. ** Kinabukasan Nagpadala ako ng pagkain sa Kwarto ni Lesley. Sinilip ko si Lesley na mahimbing pang natutulog sa Kama nya. "Sige. Ipatong mo dun sa Lamesa." Utos ko sa Babae. Pagkapatong nya dun bumalik sya dito at isinara ko na ulit itong pinto. Makalipas ang ilang minuto Bumalik ako dito sa Kwarto ni Lesley. Kumatok ako at nagtanong kung gising na ba sya pero hindi sya sumasagot. "Hmm." Huni ko. **** Lesley* POV Pinagmamasdan ko yung pinto. Umikot yung doorknob at bumilis ang pagtibok nitong Puso ko. Sa Takot. Takot na saktan akong ulit ni Andrew. Inalis ko agad ang tingin ko ng pumasok sya. "Good morning." Seryosong sabi nya. Hindi ako sumagot. Nakayuko lang ako at nakatingin dito sa mga Kamay kong nanginginig. Lumapit si Andrew saken at naglapag ng Bouquet ng Rosas sa gilid ko. Naupo ito sa Tabi ko at hinalikan ako sa Noo. "Masakit pa ba yan?" Iyak nito. Iniisip kong mabuti kung bakit ito umiiyak. Hindi ako sumagot sa tanong nya. Nakakabigla at hinawakan ni Andrew itong Puson ko. Hinihilot nya ito. "A'Andrew. Tigilan mo yan." Bulong ko. Umiling iling lang ito at panay halik sa Noo ko. Nagugustuhan ko naman itong paghihilot nya saken kaya napapaliyad ako at napapasandal sa Balikat nya. "Ayoko na. Itigil mo yan." Bulong ko. "I'm so sorry Baby. Sorry kung nasaktan kita." Iyak nito. "Nagawa mo na. Ayoko na sayo. Simula ngayon. Tigilan mo na ko. Hahayaan kita sa buhay mo pero hahayaan mo din ako sa Buhay ko." Sabi ko. Huminto ito sa paghihilot at hinalikan ako sa Noo. "Ayaw mo na saken?" Iyak nito. "Ayoko na Andrew. Pakiusap. Tigilan na natin to. Mag kanya-kanya na tayo. Wala na e. Niloko mo ko. Nakipag ano ka sa kaibigan mo tapos iniwan mo ko sa Araw ng Kasal naten? Ano yon. Ganun ganon nalang ba yun ah. Hindi kita mapapatawad sa Panloloko at pag-iwan mo saken. Simula ngayon tigilan na natin to. Tamana yung parinig. Tamana tong pagdikit dikit mo saken. Tamana. Wala na Andrew. Lalo yung ginawa mo kagabe. Binaboy mo ko.?" Iyak ko. "Lesley hindi kita binaboy.? Mahal kita kaya nagawa ko yun. Patawarin mo ko kung nasaktan kita. Magbabago na ko. Gusto kong pakasalan ka." Iyak nito. Umiling iling ako. "Hindi na Andrew. Si Anika nalang yung pakasalan mo. Magsama kayo." Iyak ko. Tumayo ito sa tabi ko at biglang Lumuhod dito sa Sahig nitong Kwarto. Pinapatayo ko sya pero lumuhod lang sya dito. "Lesley.? Magbabago na ko. Wala nang magseselos. Pangako ko." Iyak nito. "Wala na Andrew. Kahit na anong gawin mo. Hinding hindi na ko makikipagbalikan sayo. Tumayo kana. Pabayaan mo na ko." Sabi ko. Umabot kame ng ilang oras dito. 3 oras mahigit nakaluhod si Andrew. Dumating sila Anne at Sebastian saka sya inalalayan na makatayo at makalabas dito sa Kwarto. Umiyak na ko paglabas nila. Ayoko na. Sobra lang kameng nasasaktan pareho kaya mas maganda kung puputulin na namin itong Relasyon namen na hindi na maayos ang pinatutunguhan. *** Kinain ko yung Pagkain na bigay ni Andrew. Pagkatapos ay inamoy ko itong mga Rosas na bigay nya. Nagpunas ako ng Luha saka ito nilapag dito sa Kama. Lumabas ako dito sa Kwarto ko at sinalubong ako ng Yakap ni Sebastian. Inalalayan ako nito na maglakad. "Nandun sila sa Kubo. Tamana Bes. Wag ka nang umiyak." Sabi nito. Tumango ako. Pagdating sa Kubo. Hindi ko inaasahan na makikita ang pagmumukha ng Empaktang mala Kabet. Si Anika. Hinahanap nya si Andrew...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD