Masakit na simula
*Joiner's*
Part1
Lesley*
POV
Nagtatago kame ng Bestfriend kong Lalaki na si Sebastian.
Nandito kame sa Kwarto ko at kumakalabog sa pinto nitong Kwarto ko ang Boyfriend kong si Andrew.
"Lesley! Buksan mo to! Yari kayo saken nyang lalaki mo!" Sigaw ni Andrew.
Natataranta tuloy kame ni Sebastian.
Wala na naman kameng ginagawang Masama.
Nagpapalagay lang si Sebastian ng Movies sa USB nya.
"Andrew ano ka ba! Sobra ka naman! Wala kameng ginagawa dito!" Sigaw ko.
"Wala?! E bakit naka lock pa tong pinto kung wala! Nagtatawanan pa kayo ang lalandi nyo!" Galit na sabi nya.
Binuksan ko nalang itong bintana.
"Seb. Please. Kung ayaw mong mabugbog." Bulong ko.
Gulat ang reaksyon nito.
"Bes? Seryoso? Papatayin mo ko ang taas nyan." Sabi nito.
"Atlis ito ang papatay sayo. Hindi si Andrew. Mahihirapan ka lang." Bulong ko.
?reaksyon nya.
"F*ck. Wala naman kase tayong ginagawa e." Iyak nito.
Ipinuwesto na nya ang sarili nya at itinulak ko ito.
Napamura sya ng magpa Gulong sya dito sa Bubong.
"I'm so sorry Bes." Sabi ko.
"Hay nako. Osha. Tatakbo na ko." Sigaw ni Sebastian.
Dali-dali syang tumakbo at sumampa sa Bakod nitong Lupain ko.
"Lesley!" Sigaw ni Andrew.
Lumapit ako sa pinto saka ito binuksan.
Galit na galit ito at sinakal ako pabuhat at hinagis sa Kama ko.
"Nasan yung lalaki mo!" Sigaw nito.
Umiiyak ako.
"Wala naman kase kong ginagawa na masama e. Nagpalagay lang yun ng Movies sa USB nya. Nataon lang na lock yung pinto." Iyak ko.
Lumapit si Andrew saken at sinampal ako ng napakalakas.
Sa sobrang lakas ay napabulagta ako sa Sahig nitong Kwarto ko.
Lumapit agad ang Ate Leane ko para awatin si Andrew sa p*******t saken.
"Mahal kita Lesley! Tang*na! Nagpapalusot ka pa! Nakuha mo pa kong gaguhin malapit na yung Kasal naten!" Iyak nito.
"A'Andrew. Wala naman talagang nangyayare samen ni Sebastian. Nataon nga lang. Maniwala ka saken!?" Iyak ko.
Umiling iling ito at namumula sa Galit.
Pilit kong ipinapaliwanag kay Andrew na wala ngang nangyare samen ng Bestfriend kong si Sebastian.
Patuloy naman ang Ate ko sa pag awat dito dahil dumudugo na itong Labi ko at ayaw parin nya kong tigilan sa kakasampal.
Gumapang ako at hinawakan ito sa mga Paa nya.
Umatras sya at sinisigawan lang ako.
Malandi. Manloloko at walang Kakuntentuhan.
"Andrew!? Maniwala ka saken! Bakla naman yung pinagseselosan mo e!." Iyak ko.
Dali-dali bumitaw si Andrew sa pagkakahawak sa kanya ng Ate ko at lumabas sya dito sa Kwarto.
Inalalayan ako ni Ate na makatayo.
Pagtayo ko tumakbo ako agad at hinabol si Andrew na papalabas na dito sa Bahay.
Dire-diretso lang ako ng Takbo at nasa Gate na sya.
"Andrew!?" Iyak ko.
Niyakap ko ito pero itinulak lang nya ko.
Napaupo ako dito sa Lupa at dali-dali syang sumakay sa Kotse nya.
***
Makalipas ang ilang Araw
Sinusuyo ko si Andrew.
Dinadalhan ko ng Bulaklak at pinagluluto ko sya ng mga Paborito nyang Pagkain gaya ng Adobo at Cupcakes.
Kinakain naman nya.
"Thank you.?" Sabi nya.
Masaya ako kase unti-unti na kameng nagkakaayos at isang Linggo nalang ay Kasal na namin.
"Mamaya may lakad ka ba?" Bulong nito.
Hinawakan ako nito sa Kamay.
"Uhm. Wala naman. Bakit?" Sabi ko.
"Hmm. Pwede ba? Mamaya? Namimiss na kase kita." Maakit na sabi nito.
Tumango ako at ngumiti.
Tumayo ito sa kinauupuan nya at sinalubong ako ng Halik sa Labi.
Niyakap ko ito.
Wala kameng pakialam kahit nandito kame sa Opisina nya at may taong nakapaligid samen.
Matamis kameng naghahalikan ni Andrew at pareho kameng nakangiti.
Pagkabitaw namen sa isat isa ay humalik ito sa Noo ko saka ako nagpaalam na uuwi na.
*
Pagdating sa Bahay nag-aayos ako dito sa Kwarto ko at excited na ko na makasama si Andrew.
Nilagyan ko ito ng Petals ng Rosas at nag spray ako ng ma Aromang pabango.
"Ang bango bango grabe." Bulong ko.
Hanggang sa dumating na si Andrew.
Niyakap ako nito agad at hinalikan sa Leeg ko.
"Hmmmmmm. Ang bango Baby. Nakakagigil ka." Maakit na sabi nito.
"Nagustuhan mo??" Sabi ko.
"Mmhmm.?" Huni nito.
Humarap ako sa kanya at nagsimula na kameng maghalikan.
Nagpatuloy kame ni Andrew.
Walang Saplot at nagsasalo dito sa Kama ko.
"I love you." Bulong ko.
"I love you." Bulong nito.
Naghalikan kame ulit habang nakapatong ito sa ibabaw ko.
**
Makalipas ang isang Linggo
Eto na ang pinakahihintay kong Araw.
Ang pinakahihintay namin ng pinakamamahal kong Boyfriend na si Andrew.
Ang Kasal namin.
Nandito ako sa Kwarto ko at inaayusan ako ng Make-up Artist.
Nakaalalay naman ang Ate ko sa Gown ko at inaayos din ito.
Masayang masaya ako at nae-excite na maging Mrs. Gray.
"Nako. Hihi. Baby agad ah. Excited nakong magka pamangkin haha.?" Sabi ni Ate Leane.
"Oo Ate.? Excited na ko. Hihi. Nag kausap na kame ni Andrew tungkol dian. Ayun. Sabi ko mag Baby agad kame." Sabi ko.
Nakakatuwa.
Masayang masaya kame ng Ate ko na pinag-uusapan ang nakasunod na mangyayare sa Buhay namin ni Andrew.
Medyo may Kirot nga lang dito sa Puso ko.
Wala na kase yung mga Magulang namin ni Ate.
Magkasunod na Araw nawala sila Mommy at Daddy dahil sa Aksidenteng nangyare kay Dad na nasundan naman ng pag-atake ng Puso ni Mommy.
"Sayang lang. Hindi manlang makikita nila Mom and Dad ang bunso nila na ikakasal." Sabi ni Ate.
"Oo nga e. Hmm. Pero siguro naman. Nasa paligid lang sila." Sabi ko.
Nagsimula na kameng mag si pag ayos at lumabas na dito sa Kwarto ko.
Dire-diretso pababa at naglakad pa haggang sa makalabas kame dito sa Bahay.
Sumakay ako sa Puting Sasakyan.
Mala Prinsesa ang Datingan ko nito at nasa likuran sa mga Nakasunod na Kotse nakasakay sila Ate at ang mga Nakaalalay saken pag bababa na ko dito.
"Hmmm." Huni ko.
Kinakabahan ako. Sobra.
Makalipas ang ilang minuto
Nagkakagulo ang mga Tao.
Dali-dali akong lumabas dito sa Kotse at nakasalubong ko ang Mommy ni Andrew na si Tita Andrada.
"Hija. I'm so sorry." Iyak nito.
Hindi ako makapagsalita.
Naglakad ako papasok agad sa Simbahan at nagkakagulo ang mga Bisita.
Wala si Andrew.
Lumingon lingon ako at naglakad lakad.
Wala talaga si Andrew dito at hindi ko na mapigilan pa.
Umiiyak na ko at sinisigaw ang Pangalan ni Andrew.
May Lumapit na Babae saken.
Hindi ko ito kilala at bago lang ang mukha nito sa paningin ko.
Inabot nito ang Cellphone na Touchscreen at dali-dali syang naglakad palayo saken.
Agad kong tinignan ang cellphone na hawak ko at naka direkta ito sa isang Video.
Pinindot ko ang Play.
Ang sakit.?
Nandito sa Video na nakikipagsex si Andrew sa Bestfriend nyang Babae na si Anika.
Umuungol sila ng Malakas at sinasabi ni Andrew kung gaano kasarap si Anika at gaano ako kaboring.
'Oh Andrew! Sige pa!' Ungol ni Anika.
Napatakip ako sa bibig ko gamit ang Kanang kamay ko at umiiyak ako habang pinapanood ito.
Hinahalikan pa ni Andrew si Anika sa Labi.
Pinindot ko agad buton at tumingin pa sa iba pang laman nitong Cellphone.
Mga Litrato ito nila Andrew at Anika na iba iba ang suot at parang nagde Date.
Nilipat lipat ko pa at may naka Kiss pa dito.
May Video ulit at pinanood ko.
Naghahalikan naman sila at nakayakap si Anika kay Andrew.
Hinagis ko itong cellphone sa inis at galit ko.
Naiintindihan ko na ngayon.
Ginagantihan ako ni Andrew dahil sa akala nyang may ginagawa kame ng Boy Bestfriend kong si Sebastian e Bakla naman yun.
"Ang kapal ng mukha mo Andrew.... Ang kapal kapal." Iyak ko.
Ayoko na.
Siguro.
Uuwi nalang ako at itutulog ko ito ng Matagal na matagal....