*Joiner's*
Part2
Lesley*
POV
Dali-dali akong lumabas dito sa Simbahan.
Inaya ko ang Ate ko na umuwi nalang.
"Sige sige. Tamana. Wag kanang umiyak." Sabi ni Ate.
Tumango ako at kagat-labi na pinipigilan ang paghagulgol ko.
"I'm so sorry hija. Tinatawagan ko si Andrew pero hindi nya sinasagot yung cellphone nya. I'm so sorry.?" Sabi ni Tita Andrada.
"Okay lang po. Naiintindihan ko naman siguro si Andrew. Kasalanan ko rin naman po. Hindi ako umiwas sa Kaibigan kong lalaki. Okay lang po ako." Sabi ko.
Tumango lang itong Mommy ni Andrew.
Inakay na ko ng Ate ko saka kame naglakad palabas dito sa Simbahan.
Dire-diretso kame sa pagsakay sa Kotse at pinaandar na nya ito agad.
Ako.
Tulala at hindi makapaniwala sa nangyare ngayon.
Iniisip ko na siguro hindi kame ni Andrew para sa isat isa.
Mas bagay sila ni Anika.
"Hmm." Huni ko.
"Yan. Ganyan nga. Kumalma ka lang. Hays. Ano nga pala yung tinignan mo sa cellphone? Tapos hinagis mo. Pumutok yun ah." Sabi ni Ate.
"Wala yun." Sabi ko.
Hindi na ito nagsalita pa at nanahimik nalang hanggang sa maka uwi kame sa Bahay.
*
Pagdating dito sa Bahay ay dali-dali akong bumaba dito sa Kotse at naglakad agad dire-diretso hanggang sa makarating ako sa Kwarto ko.
Dumapa ako sa Kama at inilabas ko agad itong sama ng loob ko.
Humahagulgol ako ng iyak.
Sobrang sakit.
Hindi ko talaga inaasahan na mangyayare to kase akala ko nagkaayos na kame ni Andrew.
May nangyare pa samen nung nakaraang linggo tapos ngayon e hindi pala matutuloy kung Kasal namin.
"Kainis. Nakakainis.?" Iyak ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Ate na hinihimas ako sa likod ko at pinapakalma ako.
Patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Tamana Lesley. Marami namang lalaki dian e?" Sabi ni Ate.
"Ayun na nga e. Sa dami ng lalaki. Si Andrew yung Mahal ko. Alam mo namang si Andrew yung First Boyfriend ko e. Sya lahat. First Love. First Kiss tapos ganito. Iiwan nya ko dahil akala nya may nangyayare samen ni Seb at ipapagpalit sa Bestfriend nyang yun. Mahihirapan akong makalimot Ate.?" Iyak ko.
"Hay nako Lesley. Tamana. Hayaan mo na si Andrew kung ayaw na nya sayo. Hayaan mo silang magsama nung Malanding babae na yun. Bagay sila pareho silang Baboy. Basta magpatuloy lang tayo mabuhay. Marami kapang makikilala. Napakaraming Lalaki sa Mundo. Tamana Lesley." Sabi ni Ate.
**
Marami nga.
Makalipas ang ilang Buwan
May nanligaw saken na katrabaho ko at agad kong sinagot.
Nauwi kame sa Lokohan.
Nahuli ko yun na nakikipagsex sa Ibang Babae.
Makalipas ang isang Buwan
May nanligaw saken na nakilala ko sa Bar.
Sinagot ko agad.
Nauwi kame sa away at s*x lang pala ang habol nya saken.
Buti at hindi ako bumibigay.
Makalipas ang isa pang Buwan
May nanligaw saken na nakilala ko sa Bookstore.
Mukhang matino kase nakasalamin pa.
Nauwi kame sa maagang Hiwalayan.
Isang Araw lang naging kame at gusto raw nyang makuha ako at maparamdam saken na Mahal nya ko.
(Pwede ba yun? Sa s*x lang ba ang basehan para masabi mong Mahal mo ang Isang Tao?)
Hindi ako bumibigay.
Umabot ng isang Taon e nag-iingat na ko.
Maraming nanliligaw saken pero hindi na ko nagpapaligaw.
Mas maganda na magpaka Single nalang ako.
Wala na rin akong Balita kay Andrew.
"Wala na kong pakialam sa kanya." Bulong ko.
"Bes? Alam mo. Sumali kaya tayo sa Joiner's?" Sabi ni Sebastian.
Nandito kame sa Kwarto nya at nanonood ng Horror Movie.
Magkatabi kame dito sa Kama at nakatakip ang Blanket sameng Dalawa.
"Ano yun?" Sabi ko.
"Nakita ko lang sa internet e. Group sya. Tapos mga Single at naghahanap ng New Friends. Malay mo dun naten makilala ang mga para Saten. Hihi." Sabi nito.
"Saan naman yan?" Sabi ko.
"Hmm. Nag ta Travel yun. Share share tayo sa Pamasahe. Sa Food sa mga bayarin sa Hotel? Sabi sa internet dun sa Page ng Joiner's e pupunta tayo sa isla or Beach. Tapos ayun. Dun naten masisimulan makasilip sa mga Abs ng Boys diva??" Sabi nito.
"Abs pa pupuntahan naten don? Kala ko ba New Friends." Sabi ko.
Tumingin ito saken at kinurot ako sa tagiliran.
"Aw!" Sabi ko.
"Gaga! Kasama yun. Pero hanap ko mga Gwapong Papa. Hihi. Join tayo ah?" Sabi nito.
"Hmm. Osige sige. Kelan yan." Sabi ko.
"Lemme check." Sabi nito.
Kinuha nya yung cellphone nya sa lamesita na nandito sa gilid ng Kama nya.
Kinalkal nya ito at tinignan kung anong Oras ang dapat na magkita kita ang mga Joiner's.
"Ah! Bukas na Bes? Maaga!" Sigaw nito.
?
Dali-dali akong tumayo dito sa Kama nya at nakalagay raw na oras sa Page ay 4:30 am sa isang Hotel.
Tumakbo ako palabas dito sa Kwarto nya saka ako bumaba at tumakbo pa palabas dito sa Bahay nya.
Sumakay ako sa Kotse ko at pinaandar na agad ito para makauwi na at maasikaso ko ang Gamit ko.
Gabi na ngayon e. 11:58 pm.
Binilisan ko ang pagmamaneho.
*
Pagdating sa Bahay.
Lumabas ako agad sa Kotse at tumakbo papasok.
Nakasalubong ko pa ang Ate ko at ang Asawa nyang si Kuya Janno.
Nagulat sila at nagtatanong kung napapano na ko.
Hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang ako ng akyat at pumunta sa Kwarto ko.
Hinatak ko agad ang Maleta ko sa ilalim ng Kama ko at dali-dali na binuksan ito.
Kumuha ako ng mga Damit sa Kabinet at Drawer ko.
Tinutupi ko ito saka inilalagay sa Maleta ko.
Sinisiksik ko.
"Ano bang nangyayare?" Sabi ni Ate.
"Wag kang magulo! Nagmamadali ako e." Sabi ko.
"Bakit ba? Naluluka kana?" Sabi nito.
?
Tumingin ako sa Ate ko.
"Aalis kame ng maaga ni Seb.☺ Mag jo Joiner's kame." Sabi ko.
Nagpatuloy na ko ulit sa pag-aayos ng gamit ko.
*
"Wooh. Natapos din." Bulong ko.
Naghilamos at Toothbrush ako pagkatapos.
Diretso higa na sa Kama ko.
***
Nagising ako sa Alarm Clock ko.
Tinapik ko ito para tumigil sa pag iingay.
"Oh. Inaantok pa ko." Ungol ko.
Bumangon ako agad at hinahawi itong Buhok ko.
Nakakainis at tumulo pa laway ko.
"Hays." Sabi ko.
Tumayo ako at dali-dali pumasok sa CR.
Naligo ako.
"Hoy Gaga! Gogora na tayo!" Boses ni Sebastian yun.
"Naliligo ako e! Teka!" Sigaw ko.
Binilisan ko na ang pagligo ko.
Nagpunas ako at nagtapis saka lumabas dito sa CR.
Nasa Kama ko yung isusuot kong Damit na hinanda ko kagabe.
Nagbihis ako at kinakalabog na ni Sebastian ang Pinto nitong Kwarto ko.
"Sandali!" Sigaw ko.
"Bilisan mo Gaga! 4:25 na!" Sigaw ni Seb.
Ang malandi kong kaibigan nagmamadali.
Nagsuklay ako saglit saka binitbit itong Maleta ko.
Naglakad ako saka lumabas dito sa Kwarto ko.
Nagpaalam ako kila Ate at Kuya na aalis na ko.
Dali-dali kame naglakad ni Seb at sumakay sa Kotse nya.
Pinaandar nya agad ito.
Makalipas ang ilang Minuto
Nandito na kame sa isang Hotel.
Sabi ni Seb aantayin lang namen yung mga ka Joiner's namin dito.
Dito na rin nya iiwan ang Kotse nya.
Paguwi namen dito kame babalik.
"Hmm." Huni ko.
May Van na Puti ang huminto sa Parking Lot e nandito lang kame ni Seb.
Walang katao tao kundi kame lang dalawa.
?
Nagtinginan kame ni Seb at nagtakbuhan.
"Gago ka! Tinatakot mo ko!" Sabi ko kay Seb.
"Gaga. Nangunguha ng maliit Dede yun! Pareho tayong walang Dede!" Sabi nito.
?
"Sira ulo ka. May Dede ako! Ikaw wala." Sabi ko.
"Hoy! Wag kang Lier! Makapal lang Foam ng Bra mo!" Sabi nito.
Sira ulo talaga to e.
Nagtago kame sa gilid ng Puno na malaki.
May lumabas sa Van.
Marami sila.
6 na Babae at 6 na Lalaki.
"Joiner's po kame!" Sigaw ng isang Babae.
Lumapit agad kame ni Seb.
Inaway ko si Seb at kinukurot ito sa tagiliran nya.
"Nangunguha pala ng walang Dede ah.?" Sabi ko.
Tumawa lang ito.
Pinagpatong-patong nila ang mga Maleta namin sa ibabaw nitong Sasakyan.
Mga gamit namin lahat yun ng mga ka joiner's namen.
Sumakay kame ni Seb at sa dulo kame pumwesto.
Inaantok talaga ko kaya sumandal ako sa balikat ni Seb.
Hindi ko na tinitignan kung sino ang mga Kasamahan namen dito sa Van.
"Ehem!" Sabi ni Sebastian.
Inuubo yata itong Bestfriend ko.
"Hmm. Ehem! Putragis. Ang kati ng balikat ko." Sabi nito.
Tumingin ako kay Sebastian at kakaiba ang Reaksyon nito.
May sinesenyas ito pero hindi ko maintindihan.
"Katabi mo gagsti ka." Bulong nito.
Lumingon ako sa katabi ko at hindi inaasahan na makikita ang Bwisit na pagmumukha nito.
Si Andrew...