*Joiner's*
Part11
Lesley*
POV
Wala na kong pakialam pa kahit na makagat ako nitong Ahas na nakapulupot sa Paa ni Andrew.
Hinawakan ko itong Ahas sa Leeg mismo saka hinatak para bumitaw sa pagkakapulupot nito sa Paa ni Andrew.
Pumulupot na ngayon itong Ahas sa Kamay ko pero Safe at hindi nya ko makakagat.
Tinignan ko itong Paa ni Andrew kung may Kagat.
"Wala. Hindi naman ako kinagat nyan." Sabi ni Andrew.
Tinignan ko itong Ahas at parang mabait naman ito.
"Hmm." Huni ko.
Dali-dali lumapit si Sebastian saken at nagkalkal sa cellphone nya.
Research kumbaga.
"Wala syang kamandag. Namamasyal lang yan.File Snake." Sabi ni Sebastian.
Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila dala-dala itong Ahas na kulay Dilaw.
Maganda ito at nakakapanghinayang naman kung papatayin e hindi naman pala nangangagat.
"Hmm. Papangalanan kitang Noodle kase yellow ka tapos naka pulupot." Sabi ko.
Hinawakan ko ito gamit ang dalawang Kamay saka inilalagay sa Sanga nitong Puno ng Papaya.
Pwede na siguro ito dito.
Bumitaw na sya saken saka pumulupot rito sa Puno at umatras na ko.
Naglakad ako pabalik kila Andrew at nakatayo na sya saka nakatingin saken.
Nakangiti sya saken at naiinis ako.
"Wag mo kong ngitian. Galit parin ako sayo.?" Sabi ko.
"Hmm. Galit? Bakit ka nagmamadali kanina na umahon ako para makita mo kung anong masakit saken? Yan ba yung galit??" Sabi ni Andrew.
"Oo galit ako. E sa ako yung malapit sayo kanina e. Natural kikilos ako agad." Sabi ko.
"I love you Lesley." Sabi nito.
Hindi ako sumagot at tinarayan ko lang ito saka sya tumawa ng Malakas.
Pinagtatawanan naman ako ng mga Kasama ko.
"Sasayaw na tayo. Mahirap na at lahat kayo puluputan ng Ahas hindi ko kayo tutulungan.?" Sabi ko.
"Yiie.☺" Sabi ni Sebastian.
"Hihi. Osha. Magsayaw nalang tayo. Zumba para masaya.?" Sabi ni Anne.
Naglakad si Dereck kasama si Nick at Sebastian.
Kukuha raw sila ng mga Speaker na gagamitin para sa maganda at malakas na Tugtog.
May mga gusto ring sumali.
Marami para mas Masaya.
"Ako ang mag li Lead.? Basta. Sunod lang kayo saken ah." Sabi ni Anne.
Nagtanguan kame at may mga Lola at Lolo na makikisali.
Bumalik na sila Dereck, Nick at Sebastian saka nagpatugtog sa malalaking Speaker na dala nila.
Nahihiya tuloy ako.
Wala pa naman akong hilig sa pagsasayaw.
Nagsimula mang gumalaw si Anne at hindi ko alam kung sasali pa ko dito o wag nalang.
Lumingon ako at nakangisi si Andrew saken.
Si Andrew magaling sumayaw to e.
"Ngisi ngisi ka dian.?" Sabi ko.
"Sumasayaw tayo dati diba? Hindi mo ba kayang igalaw yang balakang mo. Nagsisimula na si Anne." Sabi nito.
"Hindi ako marunong e." Sabi ko.
Nakakainis yung ngiti nito.
Nabibwiset tuloy ako.
"Ooh. Gumigiling ka nga pala. Kaso sa ibabaw ko.☺" Sabi nito.
?
Kinuha ko itong tsinelas ko at ibabato ko na sana sa kanya kaso tumakbo sya palayo saken.
"Bwisit ka!?" Sigaw ko.
Umupo si Andrew sa buhangin na parang nakapatong sa ano.
Gumigiling.
Ganon yung ginagawa ko pag nag-aano kame.
"Gago ka talaga!?" Sigaw ko.
Tumatawa sya at tumayo na saka sumasayaw.
Sinusunod nya yung galaw ni Anne na hindi ko naman makopya.
Nakakainis.
Nahihiya kase ko e.
Ang dami pa naman namin.
"Lesley. Go na.?" Sabi ni Anne.
Ginawa ko.
Para kong tanga.
"Ano ba to. Parang may bulate ko sa pwet." Naiinis na sabi ko.
Lumingon ako kay Andrew at nakukuha nya yung galaw ni Anne.
Nakakainis talaga.
Nahuhuli pa ko sa 12345678-87654321.
Nakakahiya.
Buti pa yung mga Lolo at Lola nagagaya nila si Anne.
Si Sebastian nakikipaglandian lang kay Nick e.
"Ayoko na.?" Sabi ko.
Huminto na ko sa pag-galaw at umatras.
Pinanood ko nalang itong ginagawa nilang lahat at ayoko nang makisali pa.
Hindi naman kase ko marunong talaga e.
Kahit dati pa.
Pag tinuturuan ako ni Andrew hindi ako makasabay.
"Hays." Sabi ko.
May mga Braso na pumulupot saken.
Tumingala ako at alam kong ang Manyak kong Ex to.
Si Andrew.
"Bakit.?" Sabi ko.
"Sasayaw tayo.☺" Sabi nito.
Gumagalaw ito habang nakayakap saken.
Gumegewang gewang kame at kasabay nitong galaw namin yung tugtog.
"Hmmmmmm." Huni ko.
"Basta galaw ka lang. Sunod ka sa beat." Bulong nito.
"Osige." Sabi ko.
Hinarap nya ko sa kanya at gumagalaw kameng dalawa.
Nakahawak ako sa dibdib nito at nakatingala.
Ewan ko ba.
Kinikilig ako. (Puta.)
"Yan. Ganyan nga. Sunod ka saken. Yang taas balikat ka saka mo ikembot ng konti yang balakang mo." Bulong nito.
Nakakaakit talaga ang Boses ni Andrew.
(Lesley. Control.)
"Hmm. Good girl. Sige lang." Bulong nito.
Nakahawak si Andrew sa magkabilang bewang ko at nakahawak naman ako sa Dibdib nya.
Tapos nakatingala ako at nakatingin ito saken pababa.
Nakatingin kame sa Mata ng isa't isa.
"Uhm. Andrew. Tigilan mo yan." Sabi ko.
"Ang alin? Hihi." Maakit na sabi nito.
Ngumingisi ito.
Pakiramdam ko inaakit ako nito.
"I love you Baby." Bulong nito.
"Tigilan mo yan. Galit parin ako sayo." Sabi ko.
Tumawa ito.
Nangiti na ko.
Inilapit ni Andrew ang Mukha nya saken at tumingkayad ako para maabot ng Labi ko ang Labi nya.
"Andrew!"
Sabay kameng lumingon.
"Nako. Here's the Kontrabida.?" Sabi ko...