*Joiner's*
Part8
Andrew*
POV
Paggising ko pumunta ko sa Restaurant para makakain ng Hapunan.
Pag ka order ko iniisip ko si Lesley.
Nag-iisip ako ng bagong ibibigay sa kanya para lumambot ang Puso nya saken.
"Hmm." Huni ko.
"Excuse me po Sir Drew."
Tumingin ako sa Waitress na nandito sa Harap ko.
"Yes." Sabi ko.
"Uhm. Kanina po kase may naghahanap sa inyo. Babae. Nagwawala na nga po sya kanina dito e?" Sabi nito.
Iniisip ko.
Si Lesley ba yon.
Ang alam ko hindi naman Eskandalosa si Lesley.
"Isa ba sa Joiner's?" Sabi ko.
"Hindi po Sir e. Kakadating lang kaninang Tanghali po." Sabi nito.
Tumango tango ako.
"Okay. Alam ko na kung sino yun." Sabi ko.
Ngumiti ito at bumalik na sa Trabaho.
Mukhang nandito si Anika.
Pero bakit at nag kausap na kame na wag na wag na syang magpapakita saken dahil tapos na yung Deal namin noon.
Yung Deal na pagseselosin si Lesley.
Nabayaran ko na sya bakit sya nandito.
"Hmm." Huni ko.
Dumating na ang order ko at nagsimula na kong kumain.
Makalipas ang ilang minuto
Pagkatapos kong kumain.
Tumayo na ko dito sa kinauupuan ko at naglakad palabas dito sa Restaurant.
Naglakad lakad ako at nakatingin kila Anne.
Nakakatuwa silang tignan.
Para silang nag ka Camping at nagluluto pa ng Marshmallow.
"Hmmm." Huni ko.
Pinagmamasdan ko si Lesley.
Napakaganda talaga ng Mahal ko.
Nakikinig sya sa mga Kasamahan nya na nagkukuwento.
Nakakatuwa yung reaksyon nya.
Iniisip ko tuloy kung lalapit ba ko.
"Drew!"
Ang boses na yon.
Nako po. Eto na sya.
"Anika. What the f*ck are you doing here. Nag kausap na tayo ah." Sabi ko.
Lumapit sya saken at yumakap.
"Namiss kita Andrew. Please. Ako nalang. Bakit ba kase gumagawa ka ng paraan para magkabalikan kayo?! Nasayang lang yung Effort naten? Ano?" Sabi nito.
"Anong nasayang. Binayaran kita. Walang nasayang." Sabi ko.
Inalis ko ang pagkakayakap nito saken.
"Drew naman. Nandito naman ako oh! Bakit si Lesley pa. Ako yung nandito Drew." Sabi nito.
"Oo nandito ka. Pumunta ka dito e." Sabi ko.
Napapakamot ulo ito.
Totoo naman na nandito sya.
"Andrew. Ang ibig kong sabihin ako yung nandito na pwede mong mahalin." Sabi nito.
"E hindi kita mahal. Anong magagawa ko." Sabi ko.
"Please Andrew. Ako nalang Mahalin mo. Ako. Mahal kita. Sobra. Mahal kita higit pa sa Buhay ko." Sabi nito.
"Weeh? Panay nga pakikipagsex mo sa iba't ibang Lalaki tapos sasabihin mong Mahal mo ko. Pinaglololoko mo sarili mo Anika. Umuwi kana. Baka makita ka ni Lesley." Sabi ko.
"Nakita na nya ko. Nag kausap pa nga kame at sinabi nyang may nangyare sa inyo kagabe. What the hell Drew. Ako nalang kung gusto mong maglabas ng init." Sabi nito.
"F*ck Anika. Wag kang desperada. Isang beses lang yung nangyare saten. Last year yun. Binayaran kita kaya may nangyare saten. Just leave me alone. Marami kang lalaki sa paligid mo. Ako. Gusto kong bumalik yung Future Wife ko." Sabi ko.
Umiiyak na to.
"Pambihira Anika. Sinasaktan mo lang sarili mo. Sinabi ko sayo na hindi kita seseryosohin. Nag kausap na tayo. It's just a f*cking deal." Sabi ko.
Humahagulgol ito ng iyak.
"Anika. Please. Just. Go. Masaya na ko e. Masaya ka rin naman dahil nakakasama ka sa mga Travel. Tinutulungan kita diba?" Sabi ko.
"Ako nalang Andrew. Please.? Matagal na kitang Mahal hindi mo lang ako pinapansin kase puro ka Lesley lesley. Nandito naman ako e." Iyak nito.
"Talagang hindi kita papansinin e may Girlfriend ako non. Tyaka Deal lang yung saten. Just. Stop. Go. Hindi naman pwedeng pilitin mo ko na magkagusto sayo?" Sabi ko.
Bigla itong yumakap saken at inabot ang Labi ko gamit ang Labi nya.
***
Lesley*
POV
Pinagmamasdan ko sila Andrew at Anika.
Dali-dali inalis ni Andrew ang pagkakadikit ng Labi ni Anika sa Labi nya.
Sa nakikita ko e nagtatalo sila at pinagtatabuyan ni Andrew si Anika.
Humahagulgol ng iyak si Anika.
"Hmmm." Huni ko.
"Uhm. Bes? Tara na kaya? Inaantok na ko e." Sabi ni Seb.
"Wait lang Bes. Gusto ko lang panoorin sila Andrew." Sabi ko.
"Pambihira. Iiwan kita." Bulong nito.
Tumingin ako kay Sebastian at...
"Mmmm.☺Kaya gusto mo silang panoorin nagseselos ka.☺" Sabi nito.
?
"Ako?! Magseselos. Hindi ah." Sabi ko.
"Oooh. Bakit tayo nandito haha." Sabi nito.
"Gusto ko lang makita kung nagsasabi ng totoo si Andrew na Mahal nya ko. Pag nakipag landian sya sa Anikang yon ibig sabihin nag da Drama lang sya kanina." Sabi ko.
Lumingon ako kila Andrew at Anika.
Umiiyak na si Anika pero seryoso lang ang reaksyon ni Andrew.
Gusto ko tuloy makalapit para marinig ko yung pinag-uusapan nila.
"Bes? Lapit tayo. Tago tayo sa halaman." Sabi ko.
Lumingon ako at wala na si Sebastian sa tabi ko.
"Nasan na yung Baklang yon." Sabi ko.
?
Nakikipaghalikan sya kay Nick.
Nangingiwi ako sa nakikita ko.
"Yay." Sabi ko.
Sinimulan ko na ang Plano ko kila Andrew at Anika.
Naglakad ako at kunwari e hindi ko sila kilala.
Hindi nila ko napansin na dumaan kaya dali-dali akong nagtago dito sa Halaman.
Naupo ako at nakasilip kila Andrew at Anika.
Nakatalikod si Andrew dito at kita ko ang paghagulgol ni Anika.
"Umuwi kana. Please lang. Nananahimik na ko Anika. Dami daming Lalaki dian e." Sabi ni Andrew.
"Andrew.? Please. Wag mo naman akong pagtabuyan. Wala ka manlang bang nararamdaman para saken." Iyak ni Anika.
"Hmmm. Wala?" Sabi ni Andrew.
?
Kawawa naman si Anika kung ganun.
Mukhang ginawa lang syang parausan ni Andrew pero ang pagkakaalam ko e ginantihan ako ni Andrew.
Ibig sabihin lang siguro e pinagseselos nila ko.
Nagselos naman ako noon nung hindi sumulpot si Andrew sa Kasal namen tapos napanood ko yung ano nila.
Masakit yun e.
"Hmmm." Huni ko.
"Andrew please.? Hindi mo ba namimiss yung ginawa naten non." Iyak ni Anika.
"Well. Hindi." Sabi ni Andrew.
?
Grabe talaga sya kay Anika.
Dapat pala nag Joiner's tong Empaktang Mala Kabet na to e.
"Hindi ako aalis dito Drew. I love you.?" Iyak ni Anika.
"Damn Anika. Bahala ka sa buhay mo. Basta nananahimik ako dito." Sabi ni Andrew.
Naglakad sya palayo kay Anika at humahabol ang Empakta.
Tumayo na ko dito.
"Napaka Desperada naman non." Sabi ko.
Naglakad lakad ako at nakitang nagyayakapan sila Nick at Sebastian.
Nag se Selfie sila.
Lumingon ako at balak kong sumunod kila Andrew at Anika.
Naglakad lakad pa ko.
Nakita ko si Andrew na papasok sa Mini Bar nitong Resort.
Naka Buntot ang Impaktita.
Lumapit ako at sumilip kung saan naupo si Andrew.
Maraming Tao dito at nag-iinuman.
Lumingon lingon ako at nakita si Anika papunta sa CR.
Pumasok na ko dito sa Bar.
May mga Babaeng sumasayaw sa Stage.
Gumigiling sila at nakakatuwa yung mga Galaw nila.
Mga Lasing na siguro ang mga to.
Tuwang tuwa naman yung mga Lalaki sa kanila.
"Oo nga pala." Sabi ko.
Nakalimutan ko kung bakit ako nandito.
Naglakad ako papunta sa CR.
Walang Anika dito.
Umatras ako.
Mali ako ng na atrasan at may nakabukol sa likuran ko.
Tumingin ako saka tumingala.
"Your following me?" Sabi ni Andrew...