Eugene Pov
Sobrang nakakapagod ang araw na ‘to kaya pagkatapos kong pirmahan ang mga papeles para bukas ay sumandal muna ako sa aking swivel chair.Pilit kong iniisip na kung meron nga bang nangyari sa aming dalawa ni Laurenz.Pinikit ko ang aking mga mata hanggang sa bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang gabing kasama ko si Laurenz sa bar kung saan kami nag-iinuman.
Nakayuko ang ulo ko dahil ramdam ko na ang pagkahilo.Muli kong tiningnan si Laurenz na mahimbing pa rin na natutulog.Dumako ulit ang tingin ko sa labi niya at ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang halikan.Naipilig ko ang aking ulo at akma na akong tatayo ng may isang waiter ang lumapit sa aming kinaroroonan.
“Good evening ,Sir Eugene. Ipinabibigay po ni Mr.Kent itong regalong alak para sa inyo.Hindi na raw niya kayo masasamahan dahil may kailangan pa siyang aasikasuhin.” Wika ng isang waiter matapos nitong ilapag sa mesa ang isang mamahaling alak.Nagpasalamat na lamang ako at pagkatapos ay bumalik na ito sa kanyang pwesto.May usapan na kami ni Mr.Kent na makikipag-inuman siya sa akin dahil kaarawan ko ngayon pero dahil busy ito ay ako na lang ang uubos nito.Ang mga kapatid ko naman ay laging busy 'yun sa mga buhay nila kaya naman ay magpapakalasing ako na may kasamang tomboy na napakahina sa inuman.Nakatitig lang ako sa alak at naisip ko na naman ang arranged marriage na sinasabi ng mga magulang ko.How can I escape the problem I am facing now? After all, I can run away if I want to, but why's there something stopping me from disobeying my parents? Is it okay for me to obey my parents, even if there is no affection between us?
I shook my head and took the wine.I don't want to think about things that make my head hurt and I just want to enjoy this night without thinking anymore.
Kahit na nahihilo na ako ay binuksan ko pa rin `yung alak na ibinigay ng may-ari ng bar pagkatapos ay tinungga ko na ito.Hindi ko na malasahan ang tapang ng alak dahil sa kakaiba nitong sarap at hindi ko alam na nangangalahati na pala ako.
Nahihilo na ako pero nakaya ko pa ring tumayo at puwersahan kong pinasan sa likod ko si Laurenz at lumabas na ng bar.Pabagsak ko pang inihiga si Laurenz sa aking sasakyan at umikot na ako patungo sa driver seat.Kahit na lasing na ako ay kabisado ko pa naman ang daan pauwi sa condo ko.
Nang makarating na ako sa condo ko ay binuhat ko na naman si Laurenz hanggang sa makapasok na kami sa loob ng aking unit.Nang maihiga ko siya ay tulog pa rin ito pero ewan ko ba kung bakit nag-iinit ang katawan ko habang nakatitig ako sa kanya hanggang sa dumako ang tingin ko sa dibdib niya.Napalunok pa ako dahil kahit may suot itong compression bra ay hindi mapagkakailang malaki ang hinaharap nito.Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero namalayan ko na lang na nasa tabi na niya ako.Nakahawak ang isang kamay ko sa pisngi niya.Gusto ko na lamang tumayo pero parang nahihipnotismo ako at gusto ko na lamang siyang halikan.At natagpuan ko na lamang ang aking sarili na ninanamnam ang tamis ng kanyang labi.Gusto kong umatras pero parang huli na dahil bigla itong tumugon sa mga halik ko.
Dala ng kalasingan ay kapwa kami nagpaubaya sa isa't isa kung ano man ang hinahanap ng aming katawan.Wala akong makitang pagtutol sa kanya at hinayaan niya akong angkinin siya kahit na nagdadalawang isip ako pero huli na hanggang sa mawalan na ito ng ulirat pero sige pa rin ako sa pag-angkin sa kanya. . .
Napadilat ang mga mata ko at gulat na gulat ako sa mga nangyari.Napahawak na lang ako sa aking ulo habang iniisip ko ang mga ginawa ko kagabi.
“So ginalaw ko nga siya?” Tanong ko sa aking sarili dahil hindi ako makapaniwalang magagawa ko iyon at sa isang tibo pa.Hindi ko maexpress sa sarili ko ang mga ginawa ko dahil lasing ako.Ganoon na ba ako kalasing para patulan ko ang isang tibo? Ang lakas ng loob ko na magsalita sa harap ni Laurenz na hindi ko magagawa ang ibinibintang niya pero what have I done? Ako pala ang may ginawang mali.I was so stupid for what I did and I didn't know if I would admit it to Laurenz.
Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa at naisipan kong tawagan si Laurenz.Nakailang tawag na ako pero hindi niya ito sinasagot.Ano na naman kaya ang ginawa ng tomboy na ‘yon at hindi sinasagot ang tawag ko? 'Wag siyang magkamaling tumakas ng mansiyon dahil hindi pwede.
Nagmadali na akong ayusin ang mga nagkalat na mga papeles sa table ko at nilagay ko na ito sa isang folder.Sinuot ko na ang coat ko at lumabas na ako ng opisina ko para makauwi na.Nang makarating na ako sa mansiyon ay pinuntahan ko na agad ang silid ni Laurenz.Pagbukas ko ng pintuan ay wala ito kaya umusok na ang ilong ko sa inis.Bumaba ako at tumungo sa garden dahil minsan doon ito naglalagi pero nilibot ko na ang kabuuan ng garden ay wala pa rin ito.Kung ako lang ang masusunod ay pwede siyang umalis kahit anumang oras pero hindi pwede dahil magagalit na naman sa akin sila mom at dad.
Pumasok na ako sa loob ng mansiyon at tinawag ko na lamang si Aling Rita.
“Aling Rita, kuhanan mo nga ako ng alak.” utos ko sa aking katulong.Pabagsak akong naupo sa sofa.Pagod na ako pero dumagdag pa sa iisipin ko si Laurenz.Damn!
“Sige po, Sir Eugene.Oo nga po pala.Umalis po ang asawa n’yo kanina.Gustuhin ko mang pigilan siya pero sinungitan lang ako.” Wika nito at umalis na ito sa harapan ko.Napapailing na lamang ako dahil talaga namang matigas ang ulo ng tomboy na ‘yon.Hindi nagtagal ay dumating na rin si Aling Rita na may dala-dalang alak.Hindi naman ako maglalasing ,gusto ko lamang ilabas itong inis na nararamdaman ko.
Nakatatlo pa lamang akong shot at narinig ko na ang sasakyan ng asawa kong pasaway.Daig ko pang may alagang paslit sa tigas ng ulo nito.
Pagkapasok nito ay marami itong bitbit.Nilampasan niya lang ako kaya hindi na ako nakapagtimpi pa.
“Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na aalis ka?”
“Kapag ba nagpaalam ako ay papayagan mo ako?” Nakatalikod ito sa akin kaya nilapitan ko siya.
“Hindi ba may kasunduan tayo na tsaka ka pa lang aalis kapag pinayagan kita. Alam mo kung bakit kita pinagbabawalan at sana itatak mo 'yan sa isip mo!” Pasigaw kong saad at nilingon niya lang ako na masamang nakatitig sa akin.
“Puro ka bawal.Huwag kang mag-alala dahil naging maingat ako sa paglabas at pagpasok ng mansiyon mo.At hindi ko sisirain `yang image mo ng dahil lang sa isang katulad ko!” Sigaw nito at iniwan na niya ako.Damn! Sana hindi na lang ako pumayag na pakasalan siya dahil ngayon pa lang inuubos na niya ang pasensiya ko.Tumungo na ako sa silid ko at naligo.Kaagad din akong nagbihis at muli na akong bumaba sa unang palapag.
“Manong Rustom, pakibantayan si Laurene at huwag niyong hahayaang makakaalis ulit ng mansiyon.Aalis na ako at baka umaga na ako makakauwi.” Wika ko sa aking pinagkakatiwalaang guard.
“Masusunod po, Sir Eugene pero saan po kayo pupunta?”
“Dating gawi.Sige na at aalis na ako.” Pinaharurot ko na agad ang dala kong sasakyan.Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko na lamang magpahinga pero hindi maaari dahil kailangan ako ngayon lalo na’t kailangan ng matapos ang matagal na naming inaasam na tagumpay at this time ay sisiguraduhin kong magwawagi kami.