Kabanata 3

2041 Words
LAURENZ POV “You may now kiss the bride,” wika ni Father habang nakangiti ito sa amin.Nakatitig lamang ako sa mukha ng lalaking asawa ko na ngayon simula sa araw na ito.Walang bakas sa mukha nito ang pagiging masaya dahil kahit ako ay tutol sa kasalang ito.Smack kiss lang ang iginawad niya sa akin pero nandidiri pa rin ako.Hindi ko tuloy alam kung ano ang puwedeng maging reaksyon ko samantala ang mga magulang namin ay sobrang saya para sa aming dalawa.May utang ba talaga ang mga magulang ko sa mga magulang niya dahil sa nakikita ko ngayon ay parang wala.Ay, ewan! Yung tahimik na buhay ko ay biglang nagbago dahil sa arrange marriage na ito.Kailangan ba talagang kasal ang kasagutan para wala ng kawala ang mga magulang ko kung hindi man ako makakahanap ng pambayad? Ano'ng mangyayari sa aming dalawa kung sa simula pa lamang ay parehas kaming may pusong lalaki? Paano ko siya pagsisilbilhan kong ganito ako? Paano ako magiging wife material kung isa akong tomboy? Nahihirapan ako sa mga nangyari ngayon pa lang pero dahil sa utang ng mga magulang ko ay titiisin ko ito hanggang sa makahanap ako ng paraan para mabayaran ang utang ng mga magulang ko at para makapaghiwalay na rin kay Eugene para tuluyan na akong maging malaya.Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa aking namuong plano sa kabila ng lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Eugene. Magmula ng may nangyari sa aming dalawa ay sa loob ng mga nagdaang araw ay humingi ako kay Eugene ng palugit para makahanap ng paraan para sa pambayad ng utang pero laglag ang mga balikat ko dahil wala akong mahingian ng tulong kahit sa mga kaibigan ko.Kahit na ibenta ko ang nagawa kong mga ubra ay kukulangin pa rin.Sa napakalaking halaga ay imposibleng makahanap ako ng ganoong kalaking pera kaya no choice ako kundi ang pakasalan si Eugene na siya namang ikinatuwa ng mga magulang ko. Matapos ang kasal namin ay doon na ako nakahinga ng maluwag.Sa ilang oras ng pagsusuot ng wedding gown ay puro bulongan ng mga bisita ang nasaksihan ko.Sino ba naman ang hindi pagpipiyestahan ng mga chismosa sa isang katulad kong tomboy na naikasal sa isang napakaguwapong mayaman.Well, hindi ko naman sila masisisi at nilunok ko na lamang ang kahihiyan na sinapit ko. Hinatid kaagad kami ng driver ni Eugene patungo dito sa mansiyon niya.Sobrang lawak at nakakalaglag panga sa sobrang ganda pero ganoon pa man ay hindi iyon nakadagdag saya sa akin dahil hindi nakakatuwa ang nangyari sa araw na ito. Sinamahan ako ng isa sa mga katulong niya para ituro sa akin ang magiging silid ko matapos akong iwan ni Eugene sa napakalawak niyang sala ng kanyang mansiyon.Napakalawak ng magiging silid ko pagkapasok ko pa lamang.Wala pa yata sa kalahati ang bahay namin sa magiging silid ko kaya napapailing na lamang ako.Nang maisara ko ang pinto ay hinubad ko kaagad ang suot kong wedding gown at inihagis ko ito sa sahig.Naligo agad ako at hinayaan ko ang aking katawan na nakakabad lang sa bath tub kahit sa ganitong paraan ay lumamig ang ulo ko. Hindi nagtagal ay tapos na rin akong maligo at nandito ako sa terrace.Naulinginan ko ang sasakyan ni Eugene na palabas ng mansiyon at hindi ko alam kung saan siya pupunta.Pumasok na lamang ako sa loob ng aking silid at natulog na. Kinabukasan,may ibinigay si Eugene sa akin na isang agreement form.Mga bawal na hindi dapat gawin habang nasa loob at labas ng mansiyon.Rule #1, bawal akong magtanong ng kahit ano.Rule #2, bawal akong mag-ingay dahil ayaw ni Eugene ng maingay.Rule #3, bawal akong umalis ng late at umuwi ng late kapag lalabas ako ng mansiyon.Rule #4, bawal akong magkagusto o mainlove Kay Eugene kaya natatawa na lamang ako sa mga nakasaad sa agreement form nito.Rule #5, bawal akong mangialam sa gusto nitong gawin ni Eugene kaya napairap na lamang ako dahil napakaunfair nito dahil ako lang ang pinagbabawalan.Rule #6, bawal akong lumabas kapag hindi niya ako pinayagan.Rule #7, bawal akong magsuot ng maiksi kaya umuusok na ang ilong ko sa galit.As if naman magsusuot ako ng ganoon.Nasisiraan na ba siya ng ulo? Rule #8, bawal akong magreklamo ng kung ano man ang gusto nitong gawin sa akin dahil mag-asawa naman kaming dalawa.Wow! So may pagnanasa nga siya sa akin? Manyakis na indenial! Rule #9, bawal akong magyaya ng mga kaibigan ko sa loob ng mansiyon.Rule #10, bawal akong umayaw sa mga nakasaad sa agreement form dahil magbabayad ako ng 20 million sa oras na sumuway ako sa nakasaad sa pa-agreement form niya. Sa inis ko ay nilamukos ko sa harapan niya ang agreement form na ibinigay niya at binato ko ito sa mukha niya. “May pa-agreement form ka pang nalalaman. Sana ikulong mo na lang ako dahil ako ang nahihiya sa mga sampung bawal mo!” Kaaga-aga ay ito kaagad ang ibinungad niya sa akin.Jusko! Sarap niyang sapakin! “Bakit ka ba nagrereklamo? Tsaka ka na magreklamo kapag may pambayad ka na.Madali lang naman akong kausap.Magbabayad ka ng utang at maging malaya ka na pero dahil walang kang pambayad ay wala kang karapatang magreklamo.” Pang-iinis na wika nito.Sige lang, magpakasaya ka lang Eugene.Sa oras na mabayaran ko ang utang ng mga magulang ko ay matitikman mo ang paghihiganti ko. Tinalikuran ko siya at dumiretso ako sa kusina.Naghanap ako ng makakain dahil kagabi pa ako walang kain.Kahit na sobrang sarap ng mga putahe kagabi ay wala akong ganang kumain. Kumuha lang ako ng isang itlog dahil sapat na ito para sa akin.Habang nagluluto ako ay narinig ko ang boses ni Eugene. “Hinaan mo `yung apoy! Gusto mo pa yatang sunugin ang mansiyon ko.” Matalim niya akong tinitigan nang makapasok na siya sa loob ng kusina. “Ang arte mo! Kaunting usok lang naman pero kung makareklamo ka diyan, sagad.Pwede ka ng maging artista.” Wika ko kaya bigla niya akong nilapitan at inagaw niya sa akin ang hawak kong sandok. “Ang tanda mo na pero hindi ka pa marunong magluto.” Inis na wika nito pero hindi ko na lang siya pinansin.Nagsandok na lamang ako ng kanin tsaka ako umupo.Ayoko na makipagbangayan pa dahil wala din na naman akong magagawa dahil pag-aari niya ang lahat ng ito.Pagkatapos niyang magluto ay kumain na kaagad ako.Wala akong pakialam kung hindi pa siya nakain basta kakain na ako.May katulong naman siya kaya hindi siya magugutom.Nilingon ko siya ng palihim habang abala ito sa pagtitimpla ng kape niya.Nasaan ba ang mga katiwala niya at siya ang kusang nagtitimpla ng kape niya? Ayaw ba niyang malagyan ng lason ang kape niya para mas mapabilis ang buhay niya? Napangiti tuloy ako sa aking naisip na kalokohan. Nilingon ko siya ulit ng palihim at kitang-kita ng mga mata ko kung gaano siya katikas.Masuwerte ang babaeng makakatuluyan niya pero sa akin ekis siya dahil hindi kami talo.Oo, may nangyari sa amin pero wala akong maalala at ayokong maalala dahil baka hindi kayanin ng sikmura ko. Fast forward... Isang linggo na kaming mag-asawa.Abala si Eugene sa mga ganap niya sa buhay habang ako ay nandito lang sa loob ng mansiyon.Nababagot na nga ako dahil hindi niya ako pinapayagang umalis.Para akong nakakulong pero this time hindi na ako makakapayag na hindi ako makaalis.Eugene is a kind of person na masasabi kong boring.Wala nga akong makitang mga kaibigan niya na bumibisita dito sa mansiyon niya.Sa tuwing umuuwi siya galing sa trabaho niya ay nakakulong na lamang ito sa silid niya.Sa loob ng isang linggo ay palaging ganoon ang scenario ng buhay niya.Ang lungkot ng buhay niya. Malapit ng magtanghalian kaya nakahanda na akong gumayak.Gustuhin ko mang umuwi sa amin pero naiinis pa rin ako kila mama kaya pupuntahan ko na lang ang mga kaibigan ko.Gamit ko ang aking sasakyan at patungo ako sa kaibigan kong si Erwin at Ralph.Mga lesbian din sila na katulad ko. Nang makarating ako sa apartment nila ay isang chikababe ang nakita kong nakapulupot sa kandungan ni Erwin. “Kaaga mo naman Erwin nakipagharutan.Parang bago na naman `yang chikababe mo.” Nakangisi kong ani kaya pinanlakihan ako ng mga mata ni Erwin. “Ano’ng bago ka diyan, matagal na akong single.Ikaw talaga Laurenz masyadong matabil 'yang bibig mo.Sarap ipalapa sa buwaya.” Wika nitong napapailing pa pero palabas lang niya iyon para hindi siya mabuking. “Dami mong excuse. Oo nga pala, nasaan si Ralph?” “Nasa mall siya. May date sila ng jowa niya.” Tugon nito kaya napapailing na lamang ako.Kung saan gusto ko silang makabonding ay abala naman sila sa mga babae nila.Umupo na lamang ako sa katapat na upuan nila Erwin.Tumingin sa akin si Erwin habang nginingitian ako ng nakakaloko kaya naman napataas ang isang kilay ko. “Ikaw ha, ilang araw kang nawala kaya naman pinuntahan ka namin sa inyo. Ang sabi ni tita ay nagpakasal ka na raw sa isang mas guwapo pa sa iyo at isang businessman pa.Totoo ba 'yon?’’ Napalunok ako ng wala sa oras at hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.Napakachismosa talaga ng mama ko.Kainis! “Hoy lalaking walang bayag! Sagutin mo ang tanong ko.Totoo ba ang sinabi sa amin ni tita.Huwag kang magtangkang magsinungaling dahil may ebidensya ako.” Wala na akong kawala pero gusto ko siyang hamunin sa sinasabi niyang ebidensya daw. “Patingin muna ng ebidensyang sinasabi mo at sasagutin ko ang tanong mo.” Nagpakawala siya ng malalim na paghinga kaya alam kung niloloko niya lang ako.Mautak si Eugene dahil bago pa kami ikasal ay napagkasunduan na namin na walang lalabas sa publiko na kasal kami,tanging mga tao lang na nakakakilala sa kanya ang tanging may alam at sa oras na ilabas nila sa media ang tungkol sa pagpapakasal niya sa isang tibo ay maaaring masira ang image niya kaya kinausap na niya ang mga ito dahil malalagot sila kapag nagkataon lalo na ako. “Oo na. Wala akong ebidensya pero sagutin mo na lang kasi `yung tanong ko.Magtropa tayo dito simula mga bata pa tayo pero may mga bagay ka ng nililihim sa amin.” Nakangusong wika ni Erwin kaya tinawanan ko na lamang siya.Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang totoo pero malalagot ako kay Eugene kaya no choice ako at isa pa ayokong malaman nila ang totoong rason kung bakit naikasal ako sa isang lalaking sa pangalan ko lang nakilala.Isang malaking kahihiyan din `yon para sa akin dahil isa akong lesbian. “Hindi ako kinasal.Huwag Kang maniwala kay mama dahil hindi 'yun totoo.Sa tingin mo talaga, magpapakasal ako sa isang lalaki? Nahihibang ka na ba?” “Malay ko ba kung naisip mo talaga na isa kang tunay na binibini pero alam ko naman na lesbian ka dahil hindi ko na mabilang ang mga babae na dumaan sa buhay mo.Ngayon ka lang naging single.” Wika nito kaya napangiti ako dahil walang dahilan para paniwalaan niya si mama. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako kina Erwin at tumungo na lamang ako sa shop ko.Kinuha ko ang iilan kung mga gamit sa pagpipipaint at umuwi na rin ako sa mansiyon ni Eugene. Nadaanan ko siya sa malawak na sala habang umiinom ng alak pero nilagpasan ko lamang siya dahil marami-rami itong mga dala ko at isa pa ay magagalit na naman ito sa akin dahil umalis ako ng walang paalam. “Saan ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin na aalis ka?” Wika nitong may diin sa tono ng boses niya kaya naman napahinto ako sa paglalakad. “Kapag ba nagpaalam ako ay papayagan mo ako?” Nakatalikod pa rin ako sa kanya pero ramdam ko ang iilang hakbang niya na papalapit sa likuran ko. “Hindi ba may kasunduan tayo na tsaka ka pa lang aalis kapag pinayagan kita. Alam mo kung bakit kita pinagbabawalan at sana itatak mo 'yan sa isip mo!” Pasigaw niyang saad pero dahil ako si Laurenz ay hindi ako natatakot sa kanya.Nilingon ko siya at matalim ko siyang tinitigan. “Puro ka bawal.Huwag kang mag-alala dahil naging maingat ako sa paglabas at pagpasok ng mansiyon mo.At hindi ko sisirain `yang image mo ng dahil lang sa isang katulad ko!” Tinalikuran ko na siya tsaka ako mabilis tumungo sa aking silid.Bwesit! Akala mo kung sino siyang pogi na mayaman pero ang pangit naman ng ugali niya! Mas pogi ako sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD