Kabanata 2

1870 Words
Laurene Pov Nagising ako ng maramdaman ko na may kumurot sa singit ko.Bumungad kaagad sa akin ang mukha ng aking ina.Naningkit ang mga mata ko dahil nakita ko ang mukha ni mama.Sa pagkakaalam ko ay hindi ako umuwi dito sa amin dahil tinakasan ko sila.Ayokong maikasal sa lalaking tulad ko.Well, hindi pa naman ako lalaki sa ngayon pero malapit na. “Mabuti naman at nagising na rin ang aking prinsesa,” wika ng aking ina na abot ang ngiti hanggang tainga. “Prinsipe kamo.Paano ba ako nakauwi dito sa atin, Ma?” Tanong ko at muli akong pumikit dahil biglang sumakit `yung ulo ko.Naparami yata ang inom namin ni Eugene kagabi. “Wala tayo sa bahay natin.Nandito tayo sa condo ng iyong mapapangasawa.” Wika ng aking ina habang ngiting-ngiti ito nang muli kong imulat ang aking mga mata.Napatango-tango pa ako sa isinagot niya sa akin pero bigla akong natigilan.Napalikwas ako ng bangon at inikot ko ang mga mata ko sa loob ng silid. “Anak ng tipaklong na cute! Bakit ako nandito? Bakit ganito ang suot ko?” Sunod-sunod kong tanong.Hinila ko ang kumot sa higaan at may nakita akong bahid ng mantsa ng dugo.Lalong lumaki ang mga mata ko at dagli kong kinapa ang aking sarili lalo na sa aking private area.Para akong tanga sa ginagawa ko habang nakangiti lang ang aking ina.Bwesit talaga! Sa lahat yata ng nanay ay itong ina ko lang ang masaya dahil ang anak niya ay hindi na birhen.Napamura ako ng malakas. “Easy ka lang, anak. Ikaw naman kasi kung hindi ka sana umalis sa bahay ,eh di sana may choice ka pa na hindi maikasal kaso ikaw na ang gumawa ng way para matuloy ang kasal n’yo.” Nakasimangot na ako at parang gusto ko ng umiyak sa nangyari. Nagbihis ako at isinuot ko ang aking damit at pantalon.Pati na ang aking sapatos at inayos ko ang aking buhok pagkatapos ay nilingon ko ang aking ina. “Nasaan ang lalaking mapapangasawa ko.Gusto ko siyang makausap.” Ngumiti lang aking ina at binuksan na nito ang pintuan ng silid.Nauna akong lumabas sabay hawi ng aking buhok.Napadako ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa isang couch.Nakayuko ito kaya tumikhim ako.Hindi ko pinansin ang mga taong na nasa sala dahil nakatuon ang atensiyon ko sa lalaking nakayuko. “Ikaw ba ang lalaking mapapangasawa ko?” Magalang na tanong ko kahit pakiramdam ko gusto ko na siyang sikmuraan.Natigilan ako ng iangat niya ang kanyang mukha.Doon ko lang inikot ang paningin ko sa mga taong nasa sala at nakita ko si papa katabi ni mama at ang dalawang taong nasa early 50’s na. “Ikaw?! Seryoso? Ang kapal ng bunbunan mo ,Eugene, para galawin ako.Hindi tayo talo pre at alam mo yan! Kaya siguro inaya mo akong mag-inom dahil may pagnanasa ka sa akin.Tingnan mo naman ako pre, hindi ako babae.Lalaki ako! Pusong lalaki!” Nanggigigil na saad ko sa taong kaharap ko.Hindi ako makapaniwala at bigla akong natawa ng mapakla dahil sa mga nangyayari ngayon at hindi ko alam kung paano ba ako makakatakas dito. “Wow naman! Nagsalita ang taong akala mo kung sinong walang alam sa nangyari.Wala akong matandaan na may nangyari sa ating dalawa dahil unang-una, hindi ako napatol sa isang tibo.Kaya huwag kang feeling victim dito dahil kasabwat mo sila!” Lalo lamang akong nainis sa sinabi nito.Higit sa lahat, yung sabihin niya na wala siyang maalala sa nangyari.Kapal din talaga ng mukha ng isang to. “Talaga ba? May ebidensya ako na ginalaw mo ako.May bahid ng dugo sa higaan ng kama mo.Ngayon, sabihin mo nga sa akin na hindi mo ako ginalaw?” Napaiyak na ako dahil kahit isa akong tibo ay babae pa rin ako at wala siyang karapatang galawin ako. Nilapitan ako ng mama ko at pinakalma niya ako pero iwinaksi ko ang kamay niya dahil sa inis.Naiinis ako sa sarili ko dahil ang tanga ko.Bakit kasi agad akong naniwala sa isang estrangherong basta na lamang magyaya sa akin para mag- inom.Bwesit talaga! Nakatitig lang si Eugene sa mukha ko na hilam sa luha. “Okay.Payag na akong magpakasal tayo dahil sa sinabi mong GINALAW KITA. Masaya ka na ba?” Sarkastikong sabi nito kaya mas lalong umusok na `yung ilong ko sa galit at gusto ko na siyang sapakin sa mukha. “Hindi ako papayag na maikasal sa`yo dahil hindi rin ako napatol sa isang lalaki.Babae ang gusto ko! Isaksak mo `yan sa baga mo!” Nginitian lang ako ni Eugene sabay lingon niya sa aking mga magulang. “Paano ba `yan, ayaw ng anak ninyo na maikasal sa akin.So, maaari na kayong umalis dahil marami pa akong gagawin.” Umiling naman ang aking mga magulang dahil sa sinabi nito. "Hindi ako makakapayag.Balae, gawan mo ito ng paraan dahil ang anak ko ang dehado dito!” Wika ng aking ina na animo ay galit na. “Ma, ayos lang po ako pero hindi ko hahayaang hindi ako makaganti sa kanya,” ani ko sabay mabilis kong nilapitan si Eugene at sinuntok ko siya sa mukha.Lahat sila ay nagulat sa ginawa ko lalo na si Eugene pero bago pa niya ako masuntok ay mabilis akong kumaripas ng takbo.Tama lang `yun sa kanya dahil manyakis siya. Mabuti na lang at hindi ako sinundan nila mama dahil alam kung ngayon pa lang ay worried na sila na hindi matuloy ang kasal na gusto nilang mangyari. Hindi naman sila bulag para hindi nila makita kung ano ba talaga ako.Ako lang naman ang nag-iisang anak na barako sa pamilya namin.Ako si Laurene aka "Laurenz" Viñal.25 years old, isa akong acrylic painter. May sarili akong shop kung saan doon ako nagpipaint ng mga obra ko.Almost 3 years na rin akong abala sa ganitong gawain nang dumating `yung araw na sabihin sa akin nila mama na ipapakasal ako sa anak ng matalik nilang kaibigan pero bakit? Hindi pa ba obvious na iisa lang ang gusto ko.Isang babae at hindi isang lalaki.Ang hirap nilang paliwanagan pero desidido pa rin silang ipakasal ako. Paano naman `yung gusto ko? Ang unfair nila sa totoo lang.Ang hirap magkaroon ng ganitong magulang `yung tipong ako na lang ang laging nag-aadjust.Ako na lang lagi ang magpaparaya.Ramdam ko naman ang pagmamahal nila pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa puntong pati sa ganitong usapin ay sila pa rin ang masusunod. Nagtapuan ko na lamang ang sarili ko na naglalakad sa gilid ng kalsada.Tirik ang araw pero hindi ko na naramdaman ang init ng araw.Sadyang naging manhid na yata ang pakiramdam ko ngayon dahil sa mga nangyari.Tunog ng busina ng sasakyan ang nagpagising sa malalim kong pag-iisip.Nilingon ko ito at nakita ko ang mukha ni Eugene ng maiiba nito ang salamin ng sasakyan.Galit ito at matalim niya akong tinitigan pero nilakihan ko lamang siya ng aking mga mata at akma na sana akong aalis pero sinigawan niya ako ng pagkalakas. “Get in o ipaparanas ko sa'yo ang ginawa mo sa akin kanina!” Huminga muna ako ng malalim tsaka ako lumipat sa kabilang side at kumatok sa salamin ng kanyang sasakyan.Pagkababa niya ay inundayan ko kaagad siya ng suntok sa mukha sa ikalawang pagkakataon. “Huwag mo akong takutin dahil hindi ako natatakot sa'yo!” Nanggigil kong ani habang sapo nito ang kanyang mukha pero napawi ang mga ito nang maglabas siya ng baril.Nanlaki ang mga mata ko dahil akma niya akong tututukan na sana pero nagulat ako ng ibinaba niya ito. “Huwag mo akong subukan dahil napakaiksi lang 'yong pasensiya ko.Sakay na!” Nakatunganga lang ako dahil sa ipinakita niya sa akin.Pangit ang ugali ko pero hindi ako masamang tao at higit sa lahat hindi ako mamamatay tao.Sa takot ko ay binuksan ko ang pintuan ng kanyang sasakyan at sumakay na ako. Pinaandar niya na kaagad ang kanyang sasakyan at kapwa kami tahimik sa isa't isa.Ilang minuto pa ang nakalipas ay inihinto niya ang kanyang sasakyan malapit sa sea wall.Bumaba kaagad siya at sumunod na lamang ako.Umupo ito sa upuang semento at tahimik na nakatitig lamang sa malayo.Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin siya nagsasalita kaya tumikhim na ako.Nilingon niya ako at ewan ko ba kung bakit bigla akong natawa.Sino ba naman ang hindi matatawa? Nagkaroon kaagad ng dalawang black eye ang magkabilaang mata nito. “Ano’ng nakakatawa?” Seryosong tanong ni Eugene. “Mukha kang panda.” “And so?” Walang kagana-ganang tugon niya sa akin. “Wala naman. Mukhang bagay sa’yo.” Napatikwas ang isang kilay nito sa sinagot ko. Niyaya niya akong umupo sa tabi niya.Hindi ko alam kung anong nararamdaman niya kasi biglang nag-iba `yung mood niya.Kanina galit siya tapos heto siya ngayon kalmado lang. “Ano ba ang pag-uusapan natin ,PRE?” Diniinan ko ang pagbigkas ko ng pre dahil gusto kong iparating sa kanya na wala akong pagnanasa sa kanya sa sinabi niyang pinagkaisahan raw namin siya. “Let's get married,” tipid nitong sagot na nagpagulat sa akin.Parang may nakabiking sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya. “Huwag ka ng choosy dahil ito lang ang paraan para maging maayos na ang lahat,” wika ni Eugene habang nakatingin pa rin ito sa malayo.Sira ba siya? No! Ayoko! “Paano kung ayokong pumayag?” Nilingon niya ako at tumawa siya ng mapakla. “Eh, di tuluyan ng malulubog sa utang ang mga magulang mo.Akala mo hindi ko malalaman ang dahilan.Hindi mo pa ako kilala pero ako kilala na kita.” Nginisihan niya ako kasabay ang sunod-sunod na pag-iling nito. Nagulat ako sa sinabi niya.Ano’ng sinabi niyang lubog sa utang ang mga magulang ko? Wala akong alam sa sinasabi niya. “Wala akong alam sa sinasabi mo.At kung utang lang ang pinoproblema ng mga magulang ko ay kaya kong sulosyunan ang problema nila.” May diin ang bawat salitang binitawan ko.Naiinis ako dahil pakiramdam ko ang liit ng tingin niya sa akin.Kulang na lang na sabihin niya sa akin na parang ginawang pambayad utang ako ng mga magulang ko kaya gusto nila akong ipakasal. “50 million? Kaya mo bang bayaran `yan sa loob ng isang linggo?” Napanganga na lamang ako sa isinagot niya at halos hindi na ako makahinga.Bakit parang sobrang laki naman yata ng utang ng mga magulang ko.Bakit hindi ko ito alam? “Natahimik ka na yata.Nagulat ka ba sa utang ng mga magulang mo? Style mo, bulok.” Wika ni Eugene na nagpainit ng ulo ko. “Alam mo, hindi ka lang manyakis kundi makapal din ang mukha mo at mayabang pa.Wala akong alam sa mga UTANG ng mga magulang ko na sinasabi mo.Hahanap ako ng paraan para mabayaran `yang utang na sinasabi mo! Ako itong dehado dito pero kami pa yata ang mas may malaking atraso sa inyo.Diyan ka na!” Pasigaw kong wika at mabilis akong naglakad papalayo. Sobra akong naiinis sa mga magulang ko dahil sa sinabi sa akin ni Eugene.Hindi na talaga nila inisip kung ano ang mararamdaman ko kapag nalaman ko ang totoo.Saan ako hahanap ng pambayad ngayon? Kasal ang pinoproblema ko dati pero may dumagdag pang utang.Bwesit na buhay ’to! Nilingon ko ang kinaroroonan ni Eugene pero wala na ito.Kaya pala ang lakas ng loob niyang yayain akong magpakasal dahil pala may utang ang mga magulang ko.Hindi ako makakapayag na maikasal sa mayabang na `yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD