Kabanata 6

1538 Words
Laurenz Pov “Laurenz! Laurenz!” Sigaw sa akin ni Ralph habang nagkakarerahan kami sa daan.Kabibili ko lang ng aking sasakyan at hinamon ako ni Ralph na magkarera.Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ako ng maiigi sa kalsada.Kailangan kong manalo sa pagkakataon na ito hanggang sa may batang lalaki na nasa edad limang taong gulang na biglang tumawid kaya huli na para makapagpreno ako.Tumalsik yung bata sa di-kalayuan at doon pa lamang ako nakapagpreno.Nakatulala lamang ako kung saan nakatitig ako sa batang nasagasaan ko.Nanginginig ang mga kamay ko at doon na ako napaiyak.Natigil lamang ang pag-iyak ko ng may narinig akong mga katok sa salamin ng aking sasakyan.Nilingon ko ito at nakita ko si Ralph na bakas ang takot sa kanyang mga mata. Tinanggal ko ang seat belt ko at bumaba na ako ng aking sasakyan.Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman dahil habang papalapit ako sa batang lalaki na naliligo sa kanyang sariling dugo ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanginginig ako sa takot.Nakasunod lamang sa akin si Ralph sa aking likuran.Hindi ko alam ang gagawin ko at kinapa ko ang pulso ng batang lalaki na walang malay at doon ay wala akong makapang pulso.Kapwa kami napatingin sa isa't isa ni Ralph. “Tara na, Laurenz! Kailangan na nating umalis dahil malalagot tayo sa mga magulang ng batang 'yan!” sigaw nito habang panay ang tingin sa paligid.Wala kasing sasakyan at walang ibang tao ang naroroon kundi kami lamang.Umiling ako dahil ayokong iwan ang bata at dagli ko itong binuhat at mabilis kong isinakay ang batang lalaki.Mabilis kong pinaandar ang aking sasakyan at sumunod naman sa akin si Ralph.Kailangan ko siyang maisalba.Aksidente ang nangyari at hindi ko namang ginusto na masagasaan siya.Naiiyak pa rin ako habang nagmamaneho.Kailangan niyang mabuhay! Ayokong makulong. . . Nagising ako habang tagaktak ang pawis ko sa aking noo pati na sa aking leeg.Napabalikwas kaagad ako ng bangon.Sobra pa ring sariwa sa aking isipan ang nangyari sa akin noon.Akala ko unti-unti ko na itong nakakalimutan pero may mga gabi pa ring napapaginipan ko ang mga nangyari noon.Naging malikot ang mga mata ko na para bang may nakamasid sa akin.Pakiramdam ko ay minumulto ako ng batang nasagasaan ko.Sampung taon na ang nakalipas mula ng mangyari ang insidenteng 'yun.Nagtalakbong agad ako dahil pakiramdam ko sobra na niyang lapit sa akin.Tinakpan ko ang aking mga tainga dahil naririnig ko ang mga bulong niya. “Hindi! Tama na! H-hindi kita pinatay! Aksidente lamang ang lahat! Parang awa mo na.Tigilan mo na ako!” Naiiyak kong wika.Humahagulhol na ako ng iyak dahil sa sobrang takot ng aking nararamdaman. “Wala akong kasalanan!” Muli kong sigaw.Yung sigaw ko parang malalagutan na ako ng hininga dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang kamay niyang duguan na bumakat sa aking kumot. “Tulong!!!!!!!!!!!” Sigaw kong muli. Nagising ako sa yugyog sa aking balikat at bigla akong napadilat.Nakita ko si Eugene na salubong ang kanyang kilay. Yung mga mata ko ay nanginginig pa rin sa takot.Basang-basa na rin ang suot kong damit sa pawis. “Napano ka?” Tanong nito sa akin.Umiling lamang ako.Ayokong may nakakaalam sa sikreto ko.Tanging mga magulang ko lamang at mga kaibigan ko ang nakakaalam. “Ano’ng wala? Eh, kulang na lang ay maihi ka sa takot habang pinagmamasdan kita.” Wika nito na nakatitig pa rin sa akin. “Wala nga. Pwede ba, Eugene, iwan mo na lang ako.Hindi kita kailangan.” Seryoso kong ani dito.Bumuntong-hininga ito at maya-maya ay tumayo na ito at lumabas na ng aking silid.Pagkasara ng pintuan ay doon na bumagsak ang mga luha ko.Akala ko hindi ko na siya mapapaniginipan pero muli ko na naman siyang napapaniginipan.Wala akong kasalanan.Aksidente lamang ang lahat.Kasalanan ng kanyang mga magulang dahil hinayaan nila ang kanilang anak na mag-isa. Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko si Aling Rita na kumakatok sa pinto. “Ma'am Laurenz?” Tawag nito sabay pihit ng seradura at unti-unting itinulak ang pintuan.Nakita kong may dala itong tray ng pagkain at inilapag ito sa may bed side table. “Kumain na po kayo, Ma'am Laurene para makainom na kayo ng gamot.” Wika nito pero nainis ako bigla sa muling sambit sa pangalan ko. “Sa susunod Aling Rita ay huwag mo akong tawaging Ma'am Laurene dahil hindi ako komportable.Laurenz na lang.Okay po ba?” May bahid na inis habang kinausap ko siya.Umandar na naman ang ugali kong prangka pero pakialam ko ba.Ang sagwa ng tawag niya sa akin. “Masusunod po, Sir Laurenz.Maiwan ko na po kayo.” Tugon nito habang nakayuko at lumabas na ito ng aking silid. Sinundan ko lamang siya ng tingin at napalipat ang tingin ko sa dala-dala nitong tray na may lamang pagkain.Pagtayo ko ay nakita kong sopas ito na umuusok pa.Mukhang kakahain lamang.Napangiti ako dahil paborito ko ang sopas.Ito ang laging niluluto sa akin ni mama tuwing lagi akong binabangungot.Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakain ako ng sopas.Yung tipong lahat ng takot ko ay nawawala dahil sa pagkain ko lang ng sopas.Nilantakan ko kaagad ang mainit-init na sopas kahit na masiyado pa itong mainit.Napapasipol pa ako dahil napaso lang naman ang aking dila. Naubos ko agad ang sopas at walang kahit na anong natira sa bowl dahil sinimot ko talaga.Muli akong pinagpawisan at doon ko lamang napansin ang suot kong damit dahil iba na ito. “Sino’ng nagpalit ng aking suot kong damit?” Napakagat-labi pa ako dahil may naglalaro sa aking isipan.Napailing agad ako dahil imposibleng si Eugene dahil masusuntok ko talaga siya. Tumayo na ako at nagpalit ng damit.Napatingin ako sa aking relo at mag-alas otso na pala.Pumunta ako ng banyo at kinuha ko ang aking sipilyo.Mabilis akong nagsipilyo pagkatapos ay naghilamos na ako.Kailangan ko ng magmadali dahil mahuhuli na ako.Kailangan ko pang ipasa 'tong mga requirements ko.Pagkatapos kung magbihis ay dumaan ako ulit sa sikreto kong lagusan palabas ng mansiyon ni Eugene. Nilagnat pa ako pero hindi na gaano.Ayokong magmukmok sa loob ng aking silid dahil natatakot ako.Kailangan kong iwaglit siya sa isipan ko.Ayokong magpatalo sa nakaraan ko.Kailangan kong magtrabaho para kumita ng pera. Hindi nagtagal ay nakarating na nga ako sa opisina ng aking pinag-aaplayan.Pinasa ko na ang aking mga requirements at ang sabi ng nag-assist sa akin ay pwede na akong magsimula bukas kaya abot hanggang tainga ang ngiti ko.Yes! May trabaho na ako.Pagtiya-tiyagaan ko muna ito baka sa susunod na mga buwan ay makahanap na ako ng mas magandang trabaho. Palabas na ako ng mall at tirik na tirik na ang araw.Maaga pa naman pero masakit na sa balat.Tumawid na rin ako sa kabilang kalsada para makasakay na ako ng tricycle pero hindi pa ako uuwi.At kaya ako palaging nagco-commute dahil nasira ang aking sasakyan. Sa ngayon ay uuwi ako sa amin.Namimiss ko na rin sila mama at papa kahit naiinis pa rin ako.Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko si mama na tahimik na nagbabasa ng diyaryo.Nang napansin niya ako ay kaagad niya akong niyakap. “Mabuti naman at napadalaw ka rito, mahal kong prinsesa.” Wika nito kaya nginisihan ko lang siya.Prinsesa? Eww! “Kahit kailan talaga lagi n'yo akong iniinis.Prinsipe nga! Prinsipe na pogi.” Ani ko. “Kahit ano pa ang sabihin mo ay prinsesa ka namin ng papa mo.Kumusta ka na? Bakit yata hindi mo kasama si Eugene?" Napairap naman ako sa kanyang sinabi.Pakialam ko sa manugang niyang pakialamero.Hindi ako sumagot sa tanong niya.Hindi ako pumunta rito para pag-usapan ang manugang niya.Nandito ako dahil sa kanila. Umupo ako sa katapat ng inuupuan ni mama.Nakatitig lang ako sa kanya.Gusto kong mabasa niya ang nararamdaman ko ngayon. “Ano'ng titig 'yan? Siguro... binangungot ka na naman?" Tumango lang ako at kaagad niya akong nilapitan at lumuhod sa harap ko. “Marami ka yatang iniisip kaya napapaginipan mo na naman siya.” “Ma, dito na lamang ako.Ayoko na sa mansiyon ni Eugene.Wala akong karamay.Natatakot na naman ako.Pagod na ako, Ma." Seryoso kong tugon sa kanya. “Ano ka ba! Hindi puwede dahil may utang pa tayo sa kanila.Hindi ko naman ginustong ipakasal ka sa kanya pero wala akong choice anak.Sige na, umuwi ka na.Magagalit lang ang papa mo kapag nadatnan ka rito.” Wika nito at tumayo na siya at bumalik sa kanyang kinauupuan. Nagulat ako sa sinabi ng mama ko.Wala ba akong halaga sa kanila? Bakit parang tingin ko ay wala na silang pakialam sa akin? Anak ba talaga nila ako? Tumulo bigla ang luha ko.Pakiramdam ko ay hindi nila ako mahal bilang anak nila.Pinunasan ko ang aking luha at masama kong tiningnan si mama. “Pasensiya na kayo at umuwi pa ako dito.Huwag kayong mag-alala dahil simula sa araw na ito ay hindi na ako babalik dito.Babalik akong muli kapag nabayaran ko na ang utang ninyo!” Padabog akong umalis sa bahay namin.Naiinis ako habang papalabas sa aming bakuran pero natigilan ako ng may napansin akong sasakyan na paalis na rin mula sa di kalayuan ng aming tinitirhan.Napansin ko na parang nakatitig ang driver ng sasakyan mula dito sa aking kinatatayuan pero hindi ko na ito binigyan ng pansin dahil kailangan kong puntahan sila Ralph.Kailangan kong magpakalasing ngayon dahil sa inis ng aking nararamdaman at balak ko na ring doon na matulog.Wala akong pakialam kung hanapin man ako ni Eugene.Wala akong cellphone kaya mamatay siya sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD