Laurene Pov
Pagkarating ko sa apartment nila Ralph ay pabagsak kong inilapag sa mesa ang binili kong mga alak at pulutan.Nagulat pa si Ralph dahil bigla na lamang akong sumulpot.Feeling at home ako sa apartment ng mga ito kaya kapag dumating ako ay hindi na ako nagpapaalam pa.Alam na nila ugali ko at ganoon din naman ako sa kanila kaya it's a tie.
“Ang aga mo namang magyayang mag-inom?” Tanong ni Ralph habang binibuksan ang isang bote ng alak.Natawa tuloy ako sa sinabi niya.
“Ayaw mo ba? Ngayon lang ulit tayo mag-iinuman kaya habang maaga pa ay magsimula na tayo at ng makarami.” Wika ko habang inaayos ko ang mesa namin.Pagkatapos ay isa-isa kong inilipat sa isang bowl ang mga nabili kong pulutan.Isang sisig,igado,inihaw na pusit.Napangiti ako matapos kong maupo sa isang silya.Umupo na rin si Ralph at kinuha ang kanyang cellphone sa may bulsa niya.Tinawagan niya si Erwin pero hindi ito sumagot.Nasa palengke raw ito at bumili ng mauulam nila kaya sinabihan kong hayaan na lang dahil uuwi rin naman 'yun.Nagsimula na kaming mag-inuman habang nagpapatugtog ng mga makabagong tugtugan ngayon.Maya-maya ay kapwa kami tumatawa sa isa't isa dahil sa mga kwentong napag-uusapan namin.Namiss ko ang ganitong bonding namin,natigil lamang ito ng maikasal ako ni Eugene.Namiss ko ang pag-inom ng alak.Marami namang alak si Eugene sa mansiyon pero wala ako sa mood na mag-inom dahil mukha pa lang ni Eugene ay naiirita na ako.Nakaisang bote na kami ng alak ng dumating si Erwin.Abot hanggang tainga ang ngiti nito nang madatnan niya kami.
Nag-inuman kami,kantahan, kwentuhan sa mga ganap sa buhay pero nanatiling sekreto ang pagkakaroon ko ng asawa kahit na panay ang pangungulit sa akin ni Ralph.Wala talaga akong balak sabihin sa kanila dahil baka pagtawanan lang ako.No way!
Natapos ang inuman namin ng alas-nuebe ng gabi.Mga lasing na kami pareho.Sa sofa na lamang ako humiga dahil ayoko sa silid nila Erwin.Nahihilo na ako at parang masusuka pa kaya pumunta kaagad ako ng cr.Halos manghina ako matapos kung sumuka at pakiramdam ko ay nahimasmasan ako.Nilinis ko ang banyo at pagkatapos ay lumabas na ako ng cr at bumalik na ako sa sofa.Pahiga na ako ng may narinig akong nag-uusap sa labas ng apartment kaya lumabas ako.Nakita ko si Ralph na may kausap sa labas ng gate at ng makita niya ako ay kaagad itong pumasok.Pagpasok niya ay tinanong ko siya kung sino ang kausap niya.
“Sino 'yung kausap mo?”
“Yung magbabalut.Oo nga pala, dito ka na ba matutulog?” Pag-iiba nito ng usapan.
“Hindi na.Kailangan kong umuwi dahil may pasok pa ako bukas.” Sagot ko.Hindi pala ako pwedeng matulog dito dahil baka ma-late ako ng gising.Tumango lamang ito sa akin at sinamahan niya ako palabas ng gate.Hinintay niya akong makasakay ng tricycle pagkatapos pumasok na ito.Ganoon talaga kaming magkakabigan at sa tuwing umuuwi ako ay lagi talaga nila akong sinasamahan hangga’t hindi ako nakakasakay.Ganoon din naman ako sa kanila sa tuwing doon kami sa bahay nag-iinuman.Maasikaso ako sa kanila kulang na lang ay subuan ko sila dahil maasikaso akong tao.Kay Eugene lang naman ako walang pakialam.
Nang makarating ako sa labas ng mansiyon ay doon na ako dumaan sa sekreto kung lagusan.Ayoko ng abalahin pa ang mga guards ni Eugene.Papasok pa lang ako sa loob ng aking silid ay nagulat ako nang may nakita akong bulto ng isang tao na nakatayo sa may bintana sa loob ng aking silid.Paimpit akong sumigaw at mabilis kong tinakpan ang aking bibig dahil baka marinig ako ni Eugene.Hinubad ko ang suot kong sapatos dahil biglang nawala yung tao sa may bintana na nasa loob ng aking silid.Pinihit ko ang seradura ng pintuan at kaagad itong bumukas.Pinindot ko kaagad ang switch at lumiwanag bigla ang kabuuan ng aking silid pero takot ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.Nagpalinga-linga pa ako dahil baka nasa likuran ko lang `yong taong nakita ko kanina.Dahan-dahan akong naglalakad palabas ng aking kuwarto at bumaba ako sa unang palapag.Yung naramdaman kong hilo ay nawala bigla dahil sa nakita ko kanina.Natatakot talaga ako.Nang makababa ako ay nakita ko si Eugene na nakaupo sa mahabang sofa.Nakadekwatro habang matiim na nakatitig sa akin pagkatapos ay bigla itong ngumiti ng nakakaloko.
“Natakot ba kita?” Tanong nito kaya napasimangot ako dahil si Eugene lang pala.Kung alam niya lang ang naramdaman ko kanina ay kulang na lang ay tumalon ako mula sa terrace dahil sa takot na nararamdaman ko kanina.
“Bakit naman ako matatakot? Alam kong ikaw 'yon tsaka mukha ka bang kapre para matakot ako sa'yo?” Pagtataray ko.Hindi ako nagpahalatang takot na takot ako kanina.
“Palusot ka pa.Mabuti naman at umuwi ka na.Akala ko talaga nakidnap ka na para wala na akong iisipin pa.”
“Ewan ko sa'yo.Wala akong panahong makipag-usap sa isang tulad mong boring.” Wika ko at iniwan ko na siya.Ang hilig niyang mang-inis kaya ayoko siyang kausap dahil nasisira lang araw ko sa kanya.Nakailang hakbang na ako sa hagdan nang tawagin niya ako.
“Bumalik ka rito, Laurenz.May kailangan tayong pag-uusapan,” saad nito kaya bumaba ulit ako.
“Ano na naman ba ang pag-uusapan natin? Eh, wala ka namang kwentang kausap.” Wika ko kaya napataas ang isang kilay niya.
“Naalala mo ba ang rule number 4?” Tanong nito kaya tumango ako.Sino ba ang makakalimot dun? Kahit hindi niya sabihin sa akin ay hindi ko magagawang magkagusto sa kanya.
“Bawal tayong mainlove sa isa't isa lalo ka na dahil magbabayad ka ng 20 million kung sakaling mahulog man ang loob mo sa akin.Alalahanin mo na kaya tayo nagpakasal ay dahil sa isang gabing pagkakamali at lalong itatak mo sa isipan mo na hindi ako magkakagusto sa iyo dahil isa kang tomboy.Isang taon lang ang titiisin nating dalawa at pagkatapos ng isang taon ay pwede na tayong magdivorce.Naiintindihan mo ba ako, LAURENZ?”
“Talagang hindi ako maiinlove sa'yo dahil hindi rin kita type kaya ihanda mo ang 20 million mo sa oras na matalo kita,” tugon ko.
“Siguraduhin mo lang dahil kapag sa oras na mainlove ka sa akin ay uuwi kang luhaan na butas ang bulsa,” pang-iinis sa akin ni Eugene.
“Asa ka? Hindi tayo talo! Huwag kang pakasisiguro dahil baka ikaw ang ngangawa diyan.Huwag mong tapusin agad ang laban na magsisimula pa lamang,” wika ko habang inaayos ko ang aking buhok sabay kindat kay Eugene at ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.Iniwan ko na siya dahil wala na kaming pag-uusapan pa.Huwag niya akong mahamon-hamon dahil hinding-hindi ko siya uurungan.Never akong magkakagusto sa kanya dahil isa lang ang gusto ko– babae at malamang hindi siya yun! Ihanda niya talaga ang pera niya dahil ako ang mananalo.Magdidivorce kami,may pera pa ako.Napapangiti ako sa aking naisip.Tiwala ako na hindi ako magkakagusto sa kanya.Kahit sobra niyang guwapo ay hindi uubra sa akin ang dating niya.Lamang pa rin ako sa kanya dahil maraming babae ang nagkakagusto sa akin, hindi katulad sa kanya ay wala.Ako pa rin ang guwapo.
Pagpasok ko sa loob ng aking silid ay kaagad akong nagbihis.Ayoko ng maligo dahil baka matagalan pa akong makatulog.
Lumipas ang mga araw at buwan ay napapansin kong iba ang mga ikinikilos ni Eugene.Mabait na siya sa akin.Hindi na niya ako sinusungitan o pinapakialaman sa mga gusto kong gawin.Hindi kaya may gusto siya sa akin? No! Hindi pwede! Hindi sa ayaw kong manalo pero nakakadiri yun! Bahala siya kung ano man nararamdaman niya para sa akin pero wala siyang makukuha sa akin.Ibaling na lamang niya sa iba dahil wala siyang mahihita sa akin.Natigil ang pag-iisip ko dahil niyaya ako ni Eugene na mag-inuman kami.Kakauwi niya lang galing sa trabaho at nakangiti itong nakatingin sa akin.Naiilang tuloy ako dahil pakiramdam ko talaga may gusto ito sa akin.
Nagsimula na kaming mag-inuman.Ako ang palaging nag-oopen ng topic dahil tahimik lang siya.Ayokong masayang ang laway ko lalo na at madaldal akong tao.Nagulat pa ako dahil may ibinigay sa akin si Eugene na isang long sleeve na gustong-gusto kong bilhin.Nagpasalamat ako at sinukat ko kaagad.Poging-pogi na naman ako sa aking sarili.
“Bagay sa'yo.Parehas na tayong pogi pero mas pogi ako." Tumatawang ani ni Eugene.Nagulat ako dahil ngayon ko lamang siya nakitang tumawa.Yung tawang totoo.
“Mas pogi ako sa'yo.Back off bro!” Wika ko kaya tumawa siya ulit.
“Ikaw na ang pogi sa araw na ito.Nakakahiya naman sa'yo.Oo nga pala, pupunta ako sa bahay n'yo bukas.May ipapabigay kasi si mom sa mama mo.” Wika nito pero umiling ako.Ayokong makaharap si mama at papa.Hindi na niya ako kinulit pa kung bakit ayaw ko at nagpatuloy na lang kaming nag-iinuman.Mabait naman pala si Eugene habang tumatagal.Akala ko dati ay hindi kami magkakasundo pero heto kaming dalawa, magkasundo na kami sa isa't isa.Huwag lang talaga siyang magkakagusto sa akin dahil nangangati na ang mga palad ko na mahawakan ang nagkakahalagang 20 million.Mukhang pera man kung iisipin pero wala akong pakialam.Kulang pa nga ang perang iyon kung sakaling ako ang mananalo dahil may 30 million pa akong babayaran.Kahit hindi na inuungkat ni Eugene ang utang ng amga magulang ko ay hindi ako papayag na hindi siya mabayaran kung dumating man yung araw na maghihiwalay na kami.