Eugene Pov Nakatitig ako sa labas ng bintana ng aking opisina habang iniisip ko ang mukha ng babaeng itinitibok na ng aking puso.Iniibig ko siya ng palihim dahil ayokong malaman niya.Ayoko siyang mawala at isa pa, ayokong pagtawanan niya ako.Hind ko alam kung kailan ito nagsimula at ilang araw ko na itong pinag-isipan kung tama ba itong nararamdaman ko. Ayokong malaman niya na mahal ko na siya dahil ayokong malaman na alam ko naman sa sarili ko na hindi niya ako magugustuhan. Basta dumating 'yung araw na napapangiti niya ako.Yung ganda na hindi ko nakita noon ay ngayon ko lamang nasilayan.Nakakatawa kung iisipin dahil tinamaan na ako sa kanya. Gusto ko mang sungitan siya pero hindi ko kaya.Lumalambot ang puso ko tuwing kasama ko siya kaya sa halip na sungitan ko siya ay mas gugustuhin

