bc

ASHLEY and ANDREW

book_age18+
8.4K
FOLLOW
48.0K
READ
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kahibangan nya kay Andrew, may diary si Ashley na naglalaman ng mga eksenang bunga lang ng kanyang imahinasyon.

Sa diary na iyon ay kanyang-kanya si Andrew kahit pa nga hindi naman nito alam na nag-eexist siya sa mundo.

Sikat ito sa school nila at higit sa lahat, mahal na mahal nito ang girlfriend nitong si Trixie. Hindi na rin naman siyang umaasang mapapansin nito dahil alam nyang imposible iyon kaya sa diary na lang siya nagpapantasya.

Okay naman sana ang lahat kung hindi lang isang araw ay biglang nawala ang diary nya! At nagulat na lang siya nang kumalat na sa buong campus ang kopya nun at ang mas malala pa ay umabot din ito kay Andrew!

Paano ba nya matatakasan ang kahihiyang dulot ng kahibangan nya dito?

(PLEASE DON'T FORGET TO HEART THIS SO U WILL BE UPDATED PO SA MGA NEW CHAPTERS AND PLS DON'T FORGET TO FOLLOW ME )

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
Dear Diary, Sinundo ako ni Andrew sa bahay. Ang gwapo nya sa suot nya. Espesyal na espesyal ang pakiramdam ko. May dala siyang flowers saka chocolates. Dinala nya ako sa isang mamahaling restaurant. Napaka-gentleman niya! Hindi ako nagsisising sinagot ko siya. Hindi ako makakain sa sobrang kilig! Ang sweet nya, tinangka pa nya akong subuan nung nakita nyang di ako kumakain. Oh my God! Tumalon ata ang puso ko. Parang ambilis ng oras pag kasama ko siya. Hinatid nya ako sa bahay. Bago ako pumasok ay hinawakan niya kamay ko. Dahan-dahang nilapit nya mukha nya sa mukha ko. Syet! Parang di ako makahinga. Hahalikan na nya ata ako! Pero siyempre umiwas muna ako. Di naman ako easy to get. Maybe next time, Drew. Next time.... Ayyeee! impit na sigaw nya matapos isulat iyon. Napahiga agad siya sa kama habang sumipa-sipa pa sa ere ang mga paa habang akap-akap ang diary. Natigilan siya nang may kumatok sa pinto ng silid nya. "Napano ka, Ashley?" agad na sumilip sa pinto ang Tita Ana nya. Nabuksan nito ang pinto dahil di naman naka-lock. Pormal na napaupo siya sa kama. "Ehrm, wala po, Tita. May ipis kasi." pasinungaling nya. Nakakunot noong isinara lang uli nito ang pinto. Pagkasara ay humiga uli sya at tinakpan na nya ang mukha nya ng unan para hindi marinig ang sigaw nya. Ang saya saya ng pakiramdamdam nya na para bang totoo ang lahat ng isinulat nya sa diary. Sa katunayan, never talagang nangyari kahit isa man sa mga isinulat nya dito. Lahat ng iyon ay pawang mga imahinasyon lang nya kasama si Andrew. Mas kilala itong Drew sa campus nila. Varsity player ito ng basketball sa school nila. Pareho silang nasa 3rd year College, magkaibang kurso nga lang pero kaklase nya ito sa lahat ng minor subjects niya. Engineering ang course nito habang Accounting naman sa kanya. Kilala ito sa buong school dahil sa sobra talaga itong gwapo plus mayaman pa ang pamilya nito. Lahat ng mga babae sa kanila ay nagkakagusto dito. Pero....may girlfriend na ito, si Trixie. Hindi naman sila magtataka pa. Perfect match ang dalawa kumbaga. Parehong gwapo at maganda at parehong galing sa mayamang angkan. Napasimangot siya nang maalala ang girlfriend na totoo ni Drew. Agad na nawala ang naramdamang excitement kanina lang. Bumangon siya at ipinasok sa loob ng bag nya ang diary. Lagi nyang bitbit iyon. Kahit man lang kasi dun ay nabibigyan nya ng kulay ang buhay nya. Tinitigan nya ang mukha sa salamin. Ang layo naman kasi talaga ng hitsura nya sa hitsura ng girlfriend nito. Mahaba buhok nya pero laging nakatali iyon saka nakasuot pa siya ng malaking salamin sa mata. Pabuntung-hiningang bumalik na siya ng higa sa kama at tinakpan na ng kumot ang buong mukha. Excited siya lagi pag MWF kasi halos lahat ng subjects nya ng mga araw na iyon ay classmate nya si Drew. Maaga siya laging pumapasok. Pumunta muna siya ng restroom para maglagay ng pulbo sa mukha saka mag lip balm. Aatras na sana siya nang makitang nakahilera sa harap ng salamin ang mga kaibigan ni Trixie kasama ito. Busy ang mga ito sa paglagay ng mga kung anu-ano sa mukha. Pero infairness, ang ganda nilang lahat. " So, Trixie, who's the new guy? Kawawa naman si Drew." narinig nyang sabi ng isang kaibigan nito. " You know what? di pa naman kami break ni Drew. We're just giving each other some space muna. Aaron is just a friend." nakangiting sabi nito habang naglalagay ng mascara. " Why? What happened between you and Drew?" "Ay naku. Pwede wag muna nating pag-usapan iyan. " medyo nainis nang sabi ni Trixie. Tumahimik na rin naman ang mga kasama nito. Dahan-dahan siyang pumasok pero hindi rin naman siya pinapansin ng mga iyon. Agad na rin namang umalis ang mga ito pagkapasok nya. Sinundan nya ng tingin ang palabas na si Trixie habang naiisip ang narinig tungkol dito at kay Andrew. Gusto nyang matuwa sa nalaman na parang nagkakalabuan na ang mga ito pero mas nakaramdam siya ng awa para kay Andrew dahil alam nyang mahal na mahal nito si Trixie. Hindi nya alam kung gaano katagal siyang nakatulalang nakatingin sa salamin nang maalala ang oras. Pagtingin nya sa relo nya ay nagmamadaling inayos na nya ang sarili. Malapit na pala ang time. Sa pagmamadali ay nahulog nya ang bag nyang di nasarang mabuti. Nahulog ang mga gamit nya sa sahig. "Tsk..." inis na sabi nya habang pinupulot ang mga gamit. Patakbong lumabas na siya ng restroom dahil malapit na siyang ma-late. Hinihingal pa siya nang makarating sa room. Wala pa ang professor nila. Umupo na siya at pasimpleng tiningnan ang upuan ni Andrew. Nakita nya ito doon at bigla na namang kumabog ang dibdib nya. Bigla itong lumingon sa kanya at nagkasalubong ang mga mata nila. Agad naman din itong tumingin na sa ibang direksiyon na parang wala lang habang siya naman ay di pa nakaka-move on sa pagtama ng kanilang mga mata. Nang matauhan ay umayos na siya ng upo. Nakita nyang parang ang lungkot nito. Hindi nila classmate si Trixie sa subject na iyon. Sa isang subject lang ata sila magkaklase ni Trixie. Panay ang tingin nya dito habang nagsasalita ang professor nila. Kadalasan ay masigla ito at laging nakangiti. Sa ngayon, ibang Andrew ang nakikita nya. Ang tahimik nito at parang malalim ang iniisip. Kasalanan 'to ni Trixie, eh. napaismid na isip nya. Nang matapos ang klase ay agad na nakita nyang lumabas si Andrew. Wala sa loob na sinundan nya ito. Nakita nyang nilapitan nito si Trixie na nakatayo sa lobby. Pasimpleng lumapit siya sa mga ito. " Trix, can we talk?" narining pa nyang sabi ni Andrew. " Drew, di ba we talked about this na? Let's give it a week." naiiritang sabi ni Trixie. "Sino ba si Aaron?" matigas na sabi nito. "We're just friends, okay." agad na tumalikod na si Trixie pagkasabi nun. Nasa tabi siya ni Andrew kaya't nasaksihan nya ang lahat ng iyon. Bigla itong napalingon sa kanya. Bistadong-bistado siya na nakikinig sa mga ito. Napapahiyang lumayo siya ng konti dito at tumalikod. Agad din namang umalis na si Andrew nang walang salita. Hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan. Natatakot syang baka nasa likuran pa nya si Andrew. "Hoy!" nagulat pa siya nang may tumampal sa balikat nya. Paglingon nya nakita nya si Sophia, ang matalik nyang kaibigan. Fine Arts ang kurso nito at wala ni isa mang subjects na magkaklase sila. "Ba't ka haharang-harang dito." nagtatakang tanong pa nito. Luminga-linga pa siya. Tinitingnan nya ang paligid kung andun pa si Andrew. "Sinong hinahanap mo?" napalinga-linga na din ito. "W-wala." matipid na sagot nya. "Ay sus, si Drew hinahanap mo, noh?!" anlakas pa ng boses nito. Bigla nyang tinampal ito. "Iyong boses mo!" tiningnan nya kung may nakarinig pero parang wala naman. Napatawa pa ito ng malakas. Alam kasi nitong patay na patay siya kay Andrew. "So sa'n na naman kayo nag-date ni Drew?" nanunuksong tanong nito. Alam din kasi nito ang mga kabaliwang isinusulat nya sa diary nya. Biglang kinapa nya ang diary nya sa bag nya. Kanina pa nya parang di napapansin iyon. Nang di nya makapa ito ay nagpapanic na binuksan nya ang bag. Nang hindi pa rin nya makita ay biglang binuhos nya ang laman ng bag sa sahig. "Oy, para kang sira diyan. Ba't kinalat mo gamit mo, oy?" nagtatakang tanong ni Sophia. Habang siya naman ay kinalat pang lalo ang gamit nya dahil di nya mahagilap ang diary nya. "No, no ,no...." parang wala sa sariling sambit nya. Nakikalat na lang din si Sophia kahit di naman nito alam kung ano'ng hinahanap nya. Bigla tumakbo siya papuntang restroom. Iniwan ang mga gamit na nakakalat pa sa sahig. "Hoy! Ang engot nito. Iyong gamit mo ditto. Ashley! Sira talaga ‘tong babaeng 'to." pailing-iling na sabi ni Sophia habang pinupulot ang mga gamit nya at ipinasok sa bag nya. Buti na lang at walang tao sa loob ng restroom. Hinanap nya sa lahat ng sulok nito ang diary nya. Pati sa loob ng basurahan pero wala! Walang diary siyang nakita! Inhale...Exhale...Baka nasa loob lang ng kwarto ko iyon... pangungumbinsi nya sa sarili. Pumasok na rin sa restroom si Sophia bitbit ang bag nya. Wala sa loob na kinuha nya lang iyon at nagmamadali nang lumabas. " Mauna na ko, Sophia." paalam nya na nakatalikod na dito at mabilis nang umalis. Kailangan nyang makauwi na ng bahay para makita kung nandun nga ang diary nya. "Ay, talaga lang." napapailing na sabi ni Sophia. Nang makarating sa bahay nila ay patakbo naman nyang inakyat ang hagdanan papunta sa silid nya. Nasalubong nya ang Tita nya. "Ano na naman iyan, Ashley?" usisa nito nang muntik na silang magkabanggaan. "Wala po, Tita.!" humahangos na binuksan nya ang kwarto. Hinanap nya ang nawawalang diary. Wala talaga! Oh my God! bigla na lang siyang dumapa sa kama at hindi na alam ang gagawin. Naka-abrisyeteng bumungad sa pinto ang Tita nya. "Paki-explain ‘tong kalat mo, Ashley!" tukoy nito sa mga gamit nyang nakakalat na sa kung saan-saan. Magulo ang buhok na tumihaya siya sa kama habang nakatingin sa Tita nya. Nakataas ang kilay nito habang naghihintay ng sagot nya. Sandamakmak na sermon ang inabot nya sa Tita nya. Pinaayos nito ang kinalat nyang gamit. Ayaw na sana nyang kumain dahil nababahala na talaga siya pero pinilit sya nito kaya kahit sa kainan ay panay pa rin ang sermon nito. Wala namang pumapasok sa utak nya. Lumalabas lang sa kabilang tenga nya lahat ng sinabi nito. Hindi na siya bumalik ng school para sa ibang subjects. Sinabi nya sa Tita nya na masama pakiramdam nya. Habang nakahiga ay kung anu-ano na ang pumasok sa utak nya. Patay talaga ako nito. Sana naman walang nakapulot nun. Nakatulugan na nya ang pag-iisip. Kinabukasan, mabigat ang pakiramdam nya. Ayaw na naman sana nyang pumasok pero piningot ng Tita nya ang isang tenga nya. Ito na kasi ang nagpalaki sa kanya. Nasa abroad ang Mama nya at matagal nang wala ang ama nya. Matandang dalaga ito kaya't parang anak na rin ang turing sa kanya. Kahit classmate nya sa isang subject ngayon si Andrew, ay wala siyang makapang excitement para pumasok. Nababahala talaga siya sa diary nya. Nakita nyang nagkumpul-kumpol ang mga estudyanteng nadaanan nya papunta sa room nila. "Grabe, talaga! May iba din pala si Drew kaya't nag-iiwasan sila ngayon ni Trixie?" narinig pa nyang sabi ng isa sa mga estudyanteng andun. Kinabahan na siya sa narinig. "Gosh, dumarami na ang karibal natin kay Drew. Sino naman kaya iyong babaeng iyon? Baka mas maganda at sexy pa kay Trixie..." At kung anu-ano pa ang mga naririnig nya tungkol sa isang babaeng pinagpalit daw kuno ni Andrew kay Trixie. "Wag naman po sana. Wag naman po sana...."  taimtim na dasal nya dahil parang may ideya na siya kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Nakayuko lang siya habang naglalakad. Walang katapusang usapan tungkol kina Andrew, Trixie at sa mahiwagang babae ang naririnig nya. Biglang may nagbigay sa kanya ng isang photocopy na may sulat kamay. Tiningnan nya ang namimigay nun. Isa iyon sa mga baklang mahilig sa tsismis sa school nila. Isa-isa nitong binibigyan ng kopya ang bawat madaanan nito. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang pamilyar na sulat kamay at ang nakasulat sa kopyang binigay nito sa kanya. Dear Diary, Sinagot ko na si Andrew ngayon. Masayang masaya siya. Naglulundag sa tuwa ang mahal ko. Bigla na lang nya akong niyakap. Niyakap ko rin siya nang buong higpit. Ipinangako nyang mamahalin nya ako ng higit pa sa iba. Sa ngayon ay kailangan muna naming itago ang aming relasyon dahil di pa nya kayang sabihin kay Trixie ang lahat. Naiintindihan ko naman.... OMG! Agad na nilamukos nya ang kopyang iyon. Tiningnan nya ang lahat ng madaanan at lahat ng ito ay busy sa pagbabasa at alam nya kung ano ang nilalaman ng mga iyon. Gustung-gusto na nyang kumaripas ng takbo at umuwi ng bahay at magmukmok sa kwarto. Hindi nya maiangat ang ulo habang naglalakad nang mahina papuntang classroom. Kahit ang mga kaklase nya sa subjects na iyon ay may kanya-kanyang hawak ng kopya ng diary nya. Syet! Syet talaga! "Drew!" narinig nyang tinawag ng kung sino ang pangalan nito kaya alam nyang dumating na ito.  Nakayukong pasimpleng tinignan nya ito at nakita nyang inabutan din ito ng kopya. Mariing pinikit nya ang mga mata pero agad din nyang binuka at tumingin uli dito. Nakita nyang binabasa nito ang nakasulat dun. Namumula ang mga pisngi nya dahil nababasa nito ang mga kagagahan nya dito. Nakita nyang napapakunot-noo pa ito sa nabasa. Nang akmang lilingon ito ay agad na iniba nya ang direksiyon ng tingin. Hindi nya alam kung nakasulat dun ang pangalan nya sa kopyang iyon dahil may mga pahinang nilalagay nya ang pangalan nya at pangalan nito. Wala siyang maintindihan sa mga sinabi ng guro nila. Tuliro ang isip nya. Nang magpaalam ito dali-dali na syang umalis at nakita nya si Trixie na nakaabang sa labas ng room. Naramdaman nyang nakasunod lang sa likuran nya si Andrew dahil nakita nyang napabaling ang tingin ni Trixie sa may likuran nya. "So, can you explain this, Drew?" malditang sabi nito na itinaas ang isang maliit na notebook. Namumukhaan nya iyon. Iyon iyong nawawala nyang diary! Hindi siya makakilos sa kinatatayuan hanggang sa makalapit na si Andrew sa harap ni Trixie. Hindi rin naman siya pinansin ng dalawa. " What about, Trixie?" walang ekspresyon na tanong ni Andrew. "What about?! Who's this girl, huh?" maarte pang sabi ni Trixie. Nagkibit-balikat lang ito. At akmang tatalikod na nang di pa rin tumitigil si Trixie. "Drew, you better explain this to me!" medyo napalakas na ang boses ni Trixie at napatingin na ang mga estudyanteng nandoon din. Halatang nakikiusyuso ang mga ito. Siya naman ay hindi alam kung bakit hindi rin umaalis sa kintatayuan nya. "Let's give it a week, right?" parang walang anumang sabi ni Andrew at tumalikod na nang tuluyan. Hindi makapaniwala si Trixie na nagawa siyang talikuran ni Andrew. Sanay siyang makitang sunud-sunuran ito sa gusto nya. Hindi na nya hinintay pa ang mga sumunod na reaksiyon nito at nagmamadaling pumasok sa restroom at agad na nagtago sa isang cubicle dun. Nahahapong napaupo siya nang maisara ang takip ng toilet bowl at napahilamos sa mukha. Matagal siyang nakaupo lang nang makarinig ng mga boses papasok. "The nerve!" nabosesan nya si Trixie. "Girl, akala namin he's so in to you." tingin nya ay isa sa kaibigan ni Trixie ang nagsasalita. "Maybe, mas maganda at sexy iyon sa'yo." nang-iinis pa na sabi ng isa. "Will you shut up!" nanggigigil na sabi ni Trixie. Natahimik ang dalawa. " I will find this girl and will make sure na she will pay for it!" nagbabantang sabi nito. Sa narinig ay napahilamos na lang uli siya sa mukha nya. "Oh God! Ano ba itong napasok ko?" ang tanging nasabi ng isip nya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Professor's Wife

read
461.6K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
59.8K
bc

Unwanted

read
534.6K
bc

Wandering One

read
23.9K
bc

The Ex-wife

read
234.6K
bc

Sexytary |SPG|

read
566.6K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
487.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook