KABANATA 3

1135 Words
Panay ang tingin nya sa labas. Last subject na nya iyon. Iniisip nyang totohanin kaya ni Andrew ang sinabi nito? Susunduin talaga siya nito? Ni hindi nga nito alam sched nya di ba? Pero hindi pa rin siya mapakali. Para bang sinisilihan ang puwet nya sa upuan. Kandahaba naman ang leeg nyang patingin tingin sa labas. After nung nangyari kanina sa labas parang iwas ng tumingin mga kaklase nya sa kanya. Ni hindi nya na rin nakikitang nagbubulungan ang mga ito at nakita pa nyang kinuha isa isa nung baklang nagpakalat nun ang mga kopya ng diary nya. Medyo nadismaya pa siya nang natapos na iyong klase ay wala ni anino man lang ni Andrew ang nakita nya sa labas. Hindi siya agad lumabas ng room nang biglang nag ring ang phone nya. Hindi nya kilala ang number. "H-hello?" "Ashley, pwede bang puntahan mo na lang ako dito sa gym. Di pa tapos practice namin, eh." baritonong boses ni Andrew ang narinig nya. Ilang beses na bang lumundag ang puso nya sa araw na iyon. Hindi siya makapagsalita. "Hello? Ash, are you still there?" hihimatayin na ata siya pagkarinig nya sa tawag nito sa kanya. "Erm.. Oo, n-ngayon na ba?" "Yah, patapos na kami. Magsa-shower lang ako saglit dito. Hihintayin kita." agad na pinutol na nito ang tawag. Tinapik-tapik pa nya ang dalawang pisngi nya. Sinisiguradong hindi siya nananaginip. "Aray!" napalakas ata tapik nya sa pisngi. Parang sinampal na tuloy nya ang sarili. Kinuha nya ang salamin at tiningnan ang mukha. Nagpulbo siya konti saka nagpahid uli ng lip balm saka nagsalamin. Napangiwi pa siya. Wala namang pinagkaiba. Inayos na lang nya sa pagkakatali ang buhok. Patakbong bumaba siya ng hagdanan pero tumigil din nang malapit na siya sa gym. Dahan-dahan na siyang naglakad nang masalubong nya ang ibang mga kasama ni Andrew sa basketball. " Hi, Ashley! Nasa loob pa si Drew." nakangiting sabi ni Bryan. Tipid na ngiti lang ang isinagot nya. Kilala nya lahat ng mga kaibigan ni Andrew dahil bukod sa dakilang stalker siya nito ay kilala din ito sa buong campus. Lahat ng malalapit dito ay mga sikat sa buong school dahil sa taglay na kagwapuhan. Wala ata siyang nakitang pangit na umaaligid dito. Siya pa lang siguro kung saka-sakali. Walang tao sa loob ng gym kung saan nagpapractice lagi sila Andrew. Nakita nya ang gamit nito sa isa sa mga upuan doon. Umupo na rin siya sa tabi nun. Kinakabahan talaga siya. Parang mabibingi sya sa lakas ng kabog ng dibdib nya habang hinihintay ito. Wala pang 15 minutes ay nakita na nya si Andrew galing sa locker ng mga ito. Fresh na fresh ang mukha nito. Tumutulo pa ang buhok nito na halatang galing sa shower. Tumingin ito sa kanya. Tumatagos talaga sa kaluluwa nya ang bawat tingin nito. Kinuha nito ang mga gamit. Amoy na amoy nya ang shampoo at sabon nito. " Let's go." Walang imik na tumayo siya at sumunod dito. Nakita niyang papunta sila sa kotse nito. Parang gusto na nyang umuwi. Hindi nya alam ba't sunud-sunuran siya dito. Pinagbuksan siya nito ng pinto pagkatapos nitong mailagay sa likod ang mga gamit nito. "Lord...bakit kaya ako andito?" tahimik na usal ng isip nya. Nakatingin lang ito sa kanya nang hindi pa rin siya sumakay sa kotse. " Would you like me to carry you inside?" seryoso pero parang nangingiti ang mga mata nito nang sabihin iyon. Di na nagpatumpik-tumpik na sumakay na rin sya. Isinara agad nito ang pinto at sumakay na rin ito sa driver's seat. Hindi nya alam kung saan siya dadalhin nito pero nagpatianod na rin siya. Humantong sila sa isang restaurant na alam nyang di nya afford. Parang katulad ng naisulat nya sa diary nya. Ang kaibahan nga lang di niya naman ito boyfriend. Pero di ba sabi nya girlfriend siya nito? ang ambisyosang isip nya ang nagsalita. Nakatitig lang siya sa menu. Hindi nya alam ang mga pangalan na andun saka nanlaki ang mga mata nya sa presyo. " May napili ka na ba?" tanong nito. "B-busog pa naman ako. Tubig na lang ang sa akin." " Gugutumin ko ba naman ang girlfriend ko. Let me order for you." agad na tinawag nito ang waiter at saka nag-order para sa kanilang dalawa. " So let's talk. As I've said, let's pretend na totoo lahat ng sinulat mo sa diary mo. I don't know to what extent ang mga nakasulat dun. But I can pretend na totoong lahat iyon." Nag-init na uli pisngi nya. Hindi nya alam kung ano'ng iniisip nito tungkol sa kanya dahil sa mga isinulat nya at hindi nya alam kung hanggang saan ang nabasa nito dun. Hindi siya makatingin talaga dito. Nararamdaman nyang pulang pula ang mukha nya. " I told you, I won't judge. But I need to know, did we uhh... kiss or something dun sa diary mo?" hindi nito inaalis ang tingin sa mukha nya habang tinatanong siya nito. Syete...parang lulubog na talaga siya sa kinauupuan. Napahawak na siya pisngi nya. Ang init na ng buong katawan nya. Mas doble pa ata ang nararamdaman nyang hiya ngayon kesa nung kumpruntahin siya ni Trixie. "So?" naghihintay ito ng sagot nya. Umiling-iling lang siya. " Meaning...? tanong pa rin nito. " H-hindi tayo nag k-kiss or kung anuman." hindi nya alam kung saan sya nakakuha ng lakas ng loob na sagutin ito. Napahinga ito ng maluwang na para bang nawalan ito ng problema. Parang gusto nyang manliit. Parang sinabi na rin nitong malaking problema if nahalikan siya nito or mas malala pa sa naiisip nito. " I have your class schedule already." maya't-maya ay sabi nito. Nagtatanong na napatingin siya dito. " I have my resources. " pakibit-balikat na sagot nito. " So pupuntahan kita if wala akong klase or practice kada end ng class mo. Ihahatid kita sa bahay nyo. I got your address too. And I know classmates tayo sa mga minor subjects so dapat magkatabi na tayo, ok? Wag kang mabibigla if aakbayan kita cause normal iyon since "boyfriend" mo naman ako." Waw...planado na lahat parang director lang. "Ahm...a-ano palang mapapala mo dito?" naitanong nya nang mahanap na nya ang boses. Biglang pumormal mukha nito. " I know we are an open book. Me and Trixie. I think she's falling for someone else kaya gusto nyang cool off muna kami for a week. I thought hindi na talaga maaayos but here comes your diary thing. Nun ko lang nakitang naapektuhan siya ng ganun. So I want you to help me make Trixie realize kung ano ba talagang nararamdaman nya sa akin." Hindi nya maiwasang mapangiwi sa narinig. Ang swerte talaga ng maarteng babaeng iyon. " Do we have a deal? inabot pa nito ang kamay sa kanya. Napalunok na tinanggap nya na rin ang kamay nito. "It's sealed then." nakangiting sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD