Never nilang napag-usapan ang tungkol sa nangyari. Wala sa kanila ang umungkat nun. Naging normal na uli ang paghatid sundo nito sa kanya. Gusto nyang itanong ang tungkol sa usapan nila dati pero nakikita din naman nyang nagkakaigihan pa rin sina Trixie at Aaron dahil lagi nya itong nakikitang hinahatid sundo din si Trixie sa school nila. Kuntento na siya kung ano mang meron sila ngayon ni Andrew. Inaya din sya uli nitong kumain sa labas minsan pero di na sya pumayag na sa mamahaling restaurant uli sya dalhin nito. Pinili nyang kumain sila sa isang fastfood chain. Pumayag din naman ito. Akala nya ay ihahatid na siya nito sa kanila pagkatapos nilang kumain pero nagtaka siya nang sa ibang direksiyon ito pumunta. Nagtatakang napatingin siya dito. " Di ba exam mo bukas sa major subjects mo?

