You're a Traitor (Chapter 2)

530 Words
Chapter 2 Hazel's Pov " Ano kayang isusuot ko para mamaya, magsusuot ako ng maganda para mapansin ako ni Timothy " sabi ko sa aking sarili. Halos mga pinaglumang damit na pala ang mga damit ko, kahit ang mga dress ko eii ay luma na din, ang ibang damit ko ay galing pa kay Agatha. Galing lamang ako sa mahirap na pamilya ang aking ina ang sumama sa mayamang lalaki dahil hindi mabigay ng aking Ama ang mga pangangailangan nya at ang mga luho nito. Ang aking Ama naman ay isang jeepney driver kahit na hirap ito ay pilit na tinataguyod kaming 3 mag kakapatid. Na iingit ako sa kaibigan kung si Agatha dahil nasa kanya na ang lahat, Oo! malaki ang kinaka inggit dito, dahil bukod sa mayaman, matalino, mabait ,at napaka ganda din nito kaya madaming lalaki ang may gusto dito, madami din ang may gustong manligaw dito isa na dun ang minamahal kung si Timothy. " Paniguradong napaka ganda mamaya ni Agatha " sabay pag buntong hininga ko, kahit ano kasing isuot nito ay talagang bumagay dito. Nagsuot na lamang ako ng pulang dress na galing kay Agatha 2 beses ko pa lang ito nasusuot kaya hindi ito masyadong mukhang luma. Pagkaligo ko ay nagbihis na agad ako at naglagay ng make up para kahit papaano eii maging maganda ako at ng mapansin ng lalaking minamahal ko. Inihanda ko na din ang regalo kung sapatos dito na talaga namang matagal kung pinag ipunan hindi din ito masyadong kamahalan dahil sa kulang na ang pera ko, gusto ko sanang manghiram kay Agatha pero nahihiya ako, kahit papaano ay may kunting kahihiyan pa ako. " Pa, aalis na ako " pagpapaalam ko sa aking Ama at nagmano dito. "Napakaganda naman talaga ng anak ko" "Syempre naman pa, kanino pa ba ako magmamana" "Basta ay huwag kang magpapagabi at huwag kang mag iinom huh! " " Oo naman po Papa tatandaan ko po" Sa party na ako dumiretsyo dahil yun ang usapan namin ni Agatha at hindi na ako dumaan pa sa kanila. Ano kayang suot ni Agatha? Paniguradong napaka ganda nito mamaya,hayssttt,habang iniisp ko pa lang hindi ko na maiwasan ang inggit dito. Agatha's Pov Ayaw ko talagang pumunta sa Party ni Timothy kaso napilitan lang ako dahil kay Hazel, panigurado kasing magtatampo ito kapag hindi ko sinunod ang gusto nito. Pagkaligo ko ay nag suot na lamang ako ng puting backless dress at nagsuot ng alahas para magmukha naman akong presentable nag lagay lamang ako ng kunting makeup sa aking mukha dahil hindi naman talaga akong mahilig mag makeup. Sapatos na Jordan ang regalo ko dito dahil alam kung mahilig ito mag basketball at Sana ay magustuhan niya ito, dahil hindi ko kasi alam kung anong ireregalo dito kaya sapatos na lang ang naisip ko. " Lola aalis na po ako" sabay mano ko dito "Sige basta huwag kang magpapagabi huh! at mag iingat ka" "Opo Lola saka anjan naman po si Manong Edgar eii ihahatid naman po nya ako" Si Manong Edgar ay ang aking driver na palaging naghahatid at nagsusundo sa akin itinuturing ko na din ito bilang ama dahil sa napaka buti nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD