Chapter 3
"Bestie! grabi napakaganda mo ahh! " nakangiting sambit ni Hazel.
" Ikaw din bestie ang ganda mo din at isinuot mo pa ang damit na binigay ko sayo bagay na bagay talaga sayo yan"
"Ay! Grabi ang bestie ko naka backless" manghang Sabi nito. " Tara na pumasok na tayo sa loob" pag aaya nito.
Pagpasok namin sa loob ay napakadaming bisita dito napakagarbo din ng ayos, napakadami ding pagkaing handa at may mga waiter na nag seserve ng mga inumin.
" Hi Agatha" nakangiting bati ni Timothy. "Buti naman at nakapunta ka"
" Hindi naman sana talaga ako pupunta eii kaso pinilit ako ni hazel kaya pumayag na din ako"
" Thank you! Hazel dahil pinilit mong pumunta itong si Agatha"
" Ano kaba Timothy wala lang yun" pabebeng sambit ni Hazel. "By the way Happy birthday Timothy" sabay inabot nito ang binigay nito ang kanyang regalo.
"Wow naman nag abala kapa well thank you sa gift"
" Ano kaba wala lang yun" kinikilig na sabi nito.
" Ito nga Pala ang regalo ko sayo Timothy sana ay magustuhan mo" inabot ko dito ang regalo ko.
" Kahit anong regalo man to basta galing sayo ay gusto ko", "lalo na ang nagbigay nito" pabulong na sabi ni Timothy pero nadinig ko padin ang sinabi nito.
"Well mauna na muna ako sa inyo girls dahil kailangan ko pang eentertain ang ibang guest, and thank you nga pala ulit sa gift" tumango lang kami dito at ng makaalis na ito ay naupo na lamang muna kami sa isang tabi.
"Bestie nagugutom na ako" nakangisi na sabi ni Hazel. "Sige bestie kain na muna tayo"
Pumunta na kami sa sa buffet at kumuha ng aming kakainin, kunti lang ang kinuha ko dahil sa hindi naman ako masyadong nag kakain. Kumuha na din ako ng isang glass ng red wine dahil umiinom naman ako nito kahit papaano.
" Ay! Wow bestie huh! Umiinom kapala ng wine" nagtatakang sabi nito.
"Oo bestie umiinom naman talaga ako eii madalang nga lang tuwing may gantong okasyon lamang".
" Haysstt buti kapa ano pedi kang uminom ako kasi hindi pinapayagan ni Papa eii " malungkot na sabi nito. " Pedi ka naman na uminom eii basta kunti lang huh! "
"Sige bestie kunti lang" nakangiting sambit nito. Natapos na kaming kumain kaya nag ikot-ikot muna kaming dalawa.
Timothy's Pov
I'm from rich family, kaya naman lahat ng gusto ko ay nakukuha, maliban na lang sa babaeng minamahal ko. Noon pa lang ay may lihim na akong pagtingin kay Agatha at kahit sino naman ay talagang nagkakagusto dito.
"Pre, Happy birthday" bati ng mga mga tropa ko
" Pre, andito pala si Agatha " Nagtatakang sabi ni Christian na isa sa matalik kung kaibigan. "Oo pre inimbitahan ko sya kanina hindi ko nga inaasahan na pupunta sya eii "
" Bakit hindi mo pa kasi ligawan pre? " tanong naman ni Xander na isa din ito sa mga kaibigan ko. " Pre, mahirap pa eii masyado syang mailap sa akin saka hindi naman ako nagmamadali eii "
" Anak halika may gusto akong ipakilala sayo " lumapit ang aking Ama para ipakilala ang isa sa mga business partner niya. " Siya nga pala si Mr. Reynaldo Monteverde ang isa sa mga business partner ko "
" Hello po, Sir Reynaldo nagagalak ko po kayong makilala lagi po kayong kinukwento sa akin ni Dad " nakipag kamay naman ako dito.
" Dad! Anong ginagawa mo dito? " pagtatakang sambit ni Agatha, Dad? Bakit kaya nya tinawag na Dad si Mr. Reynaldo?