You're a Traitor (Chapter 4)

762 Words
Chapter 4 Agatha's Pov Napansin ko ang isang lalaki na kahawig ng aking Ama, ohh baka naman namamalikmata lamang ako, dahil ano naman ang gagawin nun dito diba. Kumuha ako ng drinks at napansin ko ulit ang lalaking kahawig ng aking Ama at kamukhang kamukha nga nito. "Mr. Reynaldo buti naman at nakapunta ka " nakangiting bati ng Ina ni Timothy. Kung ganun si Dad nga yun, kaya naman pinuntahan ko si Hazel para magpasama dito at sinabi ko na andito ang aking Ama. " Bestie, andito si Dad " mahinang ibinulong kay Hazel. " Huh? Ano naman ang ginagawa ng Dad mo dito? " Pagtataka nito..." Hindi ko din alam Bestie eii lapitan natin " pag aaya ko dito. " Sige bestie " " Dad anong ginagawa mo dito? " Pagtatakang tanong ko dito.. " Ohh Agatha, why your also here " pagtatakang tanong din ng aking Ama. " Kung ganun Ama mo pala si Mr. Reynaldo Agatha " sambit ni Timothy " Well Mr. Reynaldo I invite your daughter " dagdag pa nito. " Hindi ka naman mahilig sa mga party hindi ba kaya nakakapagtaka at pumunta ka" nagtatakang sabi ng aking Ama. " Kasi Dad pinilit lang ako nitong si Hazel eii kaya pumunta ako" napatungo ako sa pagsasabi dito. " By the way Mr. Reynaldo your daughter is really beautiful and gorgeous " nakangiting sambit ni Mr. Phillip na Ama ni Timothy. " Well kanino pa ba mag manana " pagmamayabang ng aking Ama. "Well ,Dad bakit nga ba nandito? " muling pagtatanong ko dito.... " Anak isa sa mga business partner ko si Mr. Phillip at inimbitahan nya ako ngayon dito dahil birthday nitong si Timothy " sunod sunod na sabi nito. " Mr. Reynaldo pwedi na po bang mag boyfriend si Agatha " tanong ni Timothy sa aking Ama. Napataas agad ang kilay nito "Bakit mo natanong Timothy? " tanong naman ng aking Ama. " Kasi sir may gusto po ako kay Agatha at gusto ko po sana siyang ligawan" napataas naman ng kilay ang aking Ama sa sinabi ni Timothy at nagkatinginan sila ni Mr. Phillip. " Kung ganun anak si Agatha pala ang tinukoy mo, lagi kasing nababaggit nito sa amin na may babae daw siyang gustong ligawan at gustong ipakilala, kung ganun siya pala ang tinutukoy mo " Sambit naman ni Mr. Phillip. " Opo Dad si Agatha nga po ang tinutukoy ko" napakamot naman ito sa ulo. " Wala namang problema kung gusto gusto mong ligawan ang unica hija ko pero ito lang ang masasabi ko kapag sinaktan mo ang anak ko kahit anak kapa nitong si Mr. Phillip ay mananagot ka sa akin " pagbabanta ng aking Ama kay Timothy. " Huwag po kayong mag- alala Tito hinding hindi ko po sasaktan si Agatha saka hindi po nakakadagdag pogi points ang pananakit ng babae " nakangiting sambit ni Timothy sa aking Ama. " Ano kaba Dad wala pa sa isipan ko ang pag nonobyo ano!! ang gusto ko ay makatapos muna ako ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho " inis na sabi ko dito. " Hayaan mo Agatha willing to wait naman ako eii " sambit ni Timothy sa akin. " Saka papatunayan ko sayo na karapat dapat akong maging boyfriend mo " dagdag pa nito. Hazel's Pov Habang nadidinig ko ang usapan nila ay talaga namang kumirot ang puso ko, subrang nasasaktan ako lalo na sa mga sinabi ni Timothy. " Bestie mag banyo muna ako " pagpapa alam ko kay Agatha, ng makadating ako sa banyo ay agad tumulo ang mga luha ko at naninikip ang dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Timothy. May halong inis at galit ang nararamdaman ko. Bakit ba pinanganak akong mahirap at hindi ganun kaganda gaya ni Agatha bakit kasi napaka unfair. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko sa aking mga mata, agad kung inayos ang aking sarili at nag polbo para hindi mahalata na umiyak ako. Paglabas ko ng banyo ay dumiretsyo na ako pabalik sa aming upuan, ngunit bago pa man ako makabalik ay nakita kung nagsasayaw si Agatha at Timothy ng sweet dance kaya naman muli akong nanghina at nanikip ang dibdib kaya agad akong napaupo. Hindi na naman maalis sa akin ang inggit na nararamdaman ko, " Bakit kasi si Agatha pa Timothy mahirap ba akong mahalin kahit papaano ay maganda din naman ako ahh, kahit papaano ay matalino din naman ako, ngunit galing naman ako sa mahirap na pamilya at paniguradong hindi mo yun gusto at ng pamilya mo " bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD