You're a Traitor (Chapter 5)

705 Words
Chapter 5 Agatha's Pov Bumalik na ako sa aking upuan ng matapos akong isayaw ni Timothy nung una ay tinatanggihan ko pa ito ngunit pinilit kami ng aming mga Ama ganun na din ang kanyang Ina kaya naman hindi na din ako naka tanggi dito. Pagkabalik ko ay nakita kung nag-iinom si Hazel nagulat ako dahil hindi naman ito umiinom at lalong hindi naman ito pinapayagan ng kanyang Ama, paniguradong mapapagalitan ito pag uwi nito sa kanila. "Bestie tama na yan hindi ka sanay uminom saka baka pagalitan ka ni Tito pagna amoy ka niya na amoy alak ka, sige ka alam mo naman kung paano magalit ang Papa mo, hindi kana nun papayagan mag party party" pananakot ko dito para tumigil na ito sa pag inom. " Ang sarap pala bestie ng wine ano ngayon palang kasi ako nakatikim nito" napapansin ko na bad mood ata ito dahil sa ikinikilos nito matagal na kaming mag kaibigan kaya kilalang kilala ko na ang ugali nito. " Ayos ka lng ba bestie parang wala ka ata sa mood ahh? " hinawakan ko ito sa kanyang braso. " Ohh ito uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka " ng iaabot ko ang baso ay bigla naman niya akong tinanong. " Bestie bakit kasayaw mo si Timothy kanina? " seryosong tanong nito " Pinilit kasi kami nila Dad eii saka ng Nanay ni Timothy kaya hindi na ako naka tanggi pa". nakasimangot na sabi ko dito" Bakit mo nga pala natong" dagdag ko pa dito " Wala naman bestie natanong ko lang pagkagaling ko kasi ng banyo eii nakita ko kayong nag sasayaw " Matapos ang party ay nagpa alam na kami dahil itong si Hazel ay nakakainom na kaya ihahatid ko na muna ito sa kanila dahil gabi na din at wala na itong masasakyan at delikado na din kung pauuwin ko pa ito ng mag-isa. "Salamat sa paghatid kay Hazel huh! naabala kapa tuloy ” nahihiyang sambit ni Tito Eric ang tatay ni Hazel. " Walang ano man po Tito sa gabi na din po eii baka po wala na siyang masakyan at delikado na din po kung pauuwin ko siya ng mag isa " napabuntong hininga naman ito. " Salamat talaga Agatha sa pag uwi ng ligtas sa anak ko" " Wala po yun, saka parang magkapatid na din po ang turingan naming dalawa" " Cge na po Tito mauuna na po ako gabi na din po eii " " Cge hija mag iingat ka huh! " " Opo Tito, Good night po” sabay kaway ko dito. Pag uwi ko ay nag half bath lang ako at nahiga na sa aking kama, ng matutulog na ako ay hindi mawala sa aking isipan si Timothy dahil kahit papaano ay mabait naman pala ito, ang buong akala ko kasi ay bad boy ohh kaya naman play boy ito kaya naman hindi ko ito pinapansin at parati ko itong dinidedma sa tuwing makakasalubong ko ito. Timothy's Pov "Mga pre, sapalagay niyo ba magugustuhan ni Agatha itong roses at chocolates, balak ko kasi na mag simula ng manligaw sa kaniya eii " tanong ko sa mga kabarkada ko, gusto ko na itong ligawan at patunayan na tamang lalaki ako para sa kanya. " Oo naman pre, kahit naman sinong babae ay magugustuhan yan " nakangiting sambit ni Xander isa sa mga kabarkada nito. " Kaso mga pre, nahihiya ako eii hindi ko alam ang gagawin ko baka kasi hindi niya tanggapin " napapangunahan ako ng pagka torpe at takot " Ano kaba pre, paano mo malalaman kung hindi mo susubukan, malay mo naman tanggapin niya, saka basta maging sincere ka pre para maramdamam niya na talagang mahal na mahal mo siya at siya lang ang nag iisang babae para sayo " tinapik naman ako ni Joshua, pinapalakas nila ang loob ko na huwag matakot na sabihin ang totoong nararamdaman ko para kay Agatha. " Wala naman mawawala kung susubukan mo pre, ang mahalaga eii nasabi mo ang nararamdaman mo. " dagdag pa ni Xander. " Sige mga pre, hahanap ako ng tyempo mamaya para kausapin at ibigay ito kay Agatha " kung hindi siguro ako pinayuhan ng mga kaibigan ko ay paniguradong ma totorpe na naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD