“HMMM… Hmm… Mmm… Hmm… Hmm… Mmm…” Panay ang awit ni Lola Amparo habang nakatikom ang bibig nito. Gumagawa lang ito ng melodiya pero walang salita. Puro tono lang. Masuyo namang kinukuskos ni Mandie ang likod ng kanyang abuela ng bimpo. Nakalublob sa bath tub ang lola niya at nakatalikod sa kanya. Yakap nito ang tuyot nitong mga binti habang nakauklo. Habang siya naman ay nakaupo sa gilid ng bath tub. Kanina nang makita niya ito sa silid nito ay labis siyang natuwa dahil sa wakas ay kapiling na ulit niya ito. Agad niya itong niyakap at hinagkan. Sadyang napabayaan na ng kanyang Lola Amparo hindi lang ang bahay kundi pati ang sarili nito. Sa amoy nito ay alam niyang ilang araw na itong hindi nakakaligo.Napakalaki ng ipinayat nito. Halos nakadikit na sa buto ang balat nito. Bumagsak na rin

