"KEN, sorry... Ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ni Lola Amparo sa'yo," ani Mandie habang kausap niya ang nobyo sa labas ng bahay. Nalinis na ang sugat nito sa kamay at nalagyan na rin ng maayos na benda. "Wala na iyon. May itatanong lang sana ako. 'Wag ka sanang magagalit." "Ano 'yon?" "Mandie, wala bang sira sa ulo ang lola mo?" Nanlaki ang mga mata niya sa katanungan ni Ken. "Ken! Ano ba?!" gulat na bulalas niya. "I'm sorry, Mandie, pero bigla na lang niya kasi akong kinagat. Tapos, k-kinain pa niya iyong balat at laman ko. Hindi iyon gagawin ng taong nasa matinong pag-iisip." "Mamaya na lang tayo mag-usap, Ken. Diyan ka muna." Walang lingon-likod na iniwan ni Mandie si Ken. Aaminin niya, hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa kanyang mahal na abuela. -----*

