"HELP meee!!! Help!!!" Halos mapatid na ang ugat ni Dawn sa kakasigaw. Naiirita na napahawak si Ulysses sa tenga niya dahil nakakarindi na ang matinis nitong pagsigaw. Dinala niya si Dawn kung saan nahulog ang van. Naroon pa rin ang sunog na van at ang tanging natira doon ay ang bakal na parte ng sasakyan. Itinali niya si Dawn sa pamamagitan ng pinunit na tela mula sa kanyang damit. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang alaala ang lahat. Kung paano nahulog ang van sa bangin at sumabog ang hulihang bahagi noon. Mabuti na lamang at sa hindi malamang dahilan ay nakawala siya sa seatbelt. Bago tuluyang masunog ang van ay nakaalis siya doon. Iyon nga lang ay puno siya ng sugat mula sa bubog na tumusok sa katawan at mukha niya. At tandang-tanda pa rin niya kung paano siya pabayaan ng ka

