"GUYS! Si Sachiyo?" Iyon agad ang tanong ni Mandie kina Ken, Lalain at Hero na kasalukuyang nanonood ng TV sa salas. "Nasa likod-bahay... Naghahanap ng magandang signal?" Parang hindi sigurado na sagot ni Hero. "Wala ba kayong narinig na sigaw ni Sachiyo?" Umiling ang tatlo. "Wala naman." Sabagay, paano maririnig ng tatlo ang sigaw na iyon, e, malakas ang volume ng TV. Siya lang siguro ang nakarinig dahil nasa labas siya ng bahay. "Sumigaw siya! Parang humihingi ng tulong!" Napahawak na si Mandie sa ulo niya. Hindi na rin siya mapakali sa kinatatayuan. Nilapitan siya ni Ken at pinatay naman ni Lalaine ang telebisyon. "Baby, calm down... Baka naman guni-guni mo lang iyon," sabay yakap ni Ken sa kanya. Bahagya niya itong itinulak. "Hindi iyon guni-guni. Dalawang beses kong narinig na

