MEG Bigla ay nakaramdam ako ng panghihina. Mahigpit na dakot ko ang damit sa tapat ng dibdib ko at hindi ko na pigilan ang malalaking butil ng luha na pumatak sa pisngi ko. Paluhod na bumagsak ako sa sahig, nagkakagulo na ang lahat lalo na at lahat ng pintuan, maging sa living room ay hindi mabuksan. May nagtangkang umakyat sa hagdan pero pasalambak na bumagsak sa sahig ang brother in-law ni Marvin. Hindi ko alam kung sino kina Liwanag at ng itim na anino ang may kagagawan nito pero alam ko na isa sa kanila ang may malakas na enerhiya para magkaroon ng barrels at walang makalabas dito. "Oh my God, Celine!" hysterical na sigaw ni Brenda. Si Clara naman ay patuloy akong sinasabuyan ng asin na ilang ulit na hinagis sa direksyon ko habang nakatayo lamang si Yara Bering na akala yata ay

