MEG "Saan kayo galing?" nakasimangot na tanong ni Gray ng umuwi kami ni Clara. "Kanina pa ako dito sa bahay, umuwi ako ng maaga kasi masama ang pakiramdam mo kanina tapos wala naman pala kayo dito sa bahay." Napalunok ako at nanlalambot na naupo. Hindi ko muna sinagot ang tanong ni Gray at pumikit saglit dahil bigla ay umikot ang paningin ko ng pumasok kami. Kakaiba kasi ang amoy sa buong kabahayan na hindi ko matukoy kung ano at galing saan. Hindi naman kasi ganito ang amoy ng umalis kami kaya pakiramdam ko ay bumaliktad ang sikmura ko. "Si Ma'am Celina po kasi sir, gustong pumunta sa Jollibee. Ayon kumain kami ng maraming ice cream at fried Chicken," palusot ni Clara na tumingin sa akin pero hindi ako sumagot. "Sana tinawagan n'yo ako ng nasamahan ko Kayo," sabi nito. "Are you o

