MEG "Uwi na muna tayo, Gray," sabi ko habang sapo ang ulo. Biglang umikot ang paningin ko ng ibaling ko ang mga mata ko sa ibang direksyon. Siguro dala ito ng pagbubuntis ko dahil ito ang usual na nararamdaman ko ngayong buntis ako. "Let's go," mahinang sabi ni Gray na hindi nag-atubili na hawakan ang bewang ko at igiya palabas ng restaurant kung saan kami kumain. "Kaya mo ba magmaneho?" tanong nito ng pagbuksan ako ng pintuan para makaupo sa driver seat ko. "Yeah, kailangan ko lang makaupo saglit," mahinang sabi ko. Pati kasi ulo ko ang gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko lutang ako, nahihirapan akong huminga at masakit ang dibdib ko. "God, ano ba ang nangyayari sa'yo, Celina?" narinig ko na tanong ni Gray at mukhang hindi malaman ang gagawin sa tabi ko. "Wag ka na lang kaya mag

