MEG Kakaiba ang pintig ng puso ko sa salitang binitiwan niya. Para akong teenager na sinabihan ng crush ko na gusto rin niya ako. "Sarap, lasang fried Chicken," sabi ni Gray matapos akong halikan ulit at binasa ng dila ang ibaba niyang labi. Namula ang mukha ko, nahiya talaga ako. Kumain nga pala ako ng manok tapos hindi ko man lang naalala na mag-toothbrush. Nakakahiya lang naman talaga sa kan'ya. "Sorry, hindi ko na naisip mag-toothbrush kanina," kagat labi na sagot. "Stop biting your lips, baka hindi ako makapag-pigil," husky ang boses na banta ni Gray sa akin. Lalong tuloy namula ang nag-iinit na magkabilang pisngi ko at humaba ang nguso ko. As if naman na sa gabi lang niya gustong angkinin ako. "So, nagpipigil ka dahil may araw pa?" salubong ang kilay na tanong ko. Ito ang mah

