MEG Hating gabi na pero hindi pa rin bumabalik si Gray. Hindi rin ako makatulog kaya nanatili lamang akong nakaupo sa sofa hawak ang cellphone ko at tiningnan ang balita online. As usual, pinadala ko kay Miss Flor ang short video clip na pinakuha ko kay Jonas kanina habang isa-isang parang mga basang sisiw na lumabas sa gate ng mansyon ko ang buong pamilya ni Marvin. "Kontrobersyal businessman, Marvin Imperial, pinalayas sa mansyon na pagmamay-ari ng namayapa niyang asawa matapos tangkain na ibenta umano ang nasabing bahay pero pag-aari na pala ng iba." Ito ang malakas na narinig ko sa newscaster na nagbalita sa naganap kanina. Inilabas na ito kanina sa ibang news segment nila at para na lamang ito sa late news pero alam ko na marami pa rin ang mga makakapanood nito particular ang mga

