MEG "Wala akong sekreto, kung anu-ano lang iniisip mo. Lumabas lang saglit daig mo pa ang inutangan na 'di ko binayaran," mataray na sagot ko. "Talaga? Hindi ka nagsisinungaling?" nang-aarok na tanong ni Gray. Kinabahan ako, sa tingin ko may alam si Gray tungkol sa akin at sigurado siya dito kaya ganito siya magtanong. Saglit na nawala si Gray sa harap ko pero ng bumalik ito ay hatak na sa braso si Clara habang nakaupo pa rin ako sa ibabaw ng kama at inaayos ang damit ko. "Ngayon, kaninong cellphone ito?" matigas na tanong ni Gray hawak ang cellphone ko. Napako ang paningin ko kay Clara na hindi na malaman ang sasabihin nito. Namumutla pero pinili na manahimik lamang sa tabi ni Gray. "Sumagot kayo!" singhal nito sa amin. "S-sa a-akin po sir," na uutal na sagot ni Clara. "Talaga? S

