3

2951 Words
The ride with him is enough for me, it is quiet yet it feels good. Being with him is all I'm asking. I just wanted him by my side all the time. I keep on looking at him, while he is focus driving me home. "You want to say something?" Umiwas ako ng tingin. He probably noticed my glances. I just can't believe I'm here in his car. I dream of this moment before. "I'm just happy that I saw you." I smile shyly at him. His face is very serious all the time. Kailan ko kaya siya makikitang nakangiti? Kahit ngiti na lang. "Hmmm, you leave though." He said sarcastically. I bit my lower lip. "I... I just do that to... Breath and ahm.. Forget." Tumango siya. Tumigil ang sasakyan. We're now in front of my house. He just look at me. I unbuckle my seat belt. "Thank you for driving me home... And uh..." He waits for my words but I cut it and just forget it. "Nothing... Take care." Bumaba ako, hindi na siya nagsalita. Binuksan ko ang gate pero hindi muna ako pumasok at tinignan ang kotse niya. His window is open... "You're welcome." He said then leave. At some point, I want to hope for him. I see my chance, or is it? I don't know if it's all in my head? Or it's just I really like him. Hindi na nasundan pa iyon, he never talk to me again. Kasama niya lagi yung girlfriend niya. But I'm still looking for him. Watching him from a far. Hindi ko siya nilalapitan o kinakausap. Madalas na nakikita niya ako sa labas ng university pero hindi niya ako nilalapitan. iiling lang ito at aalis na kasama ang mga kaibigan. It's okay, kahit may konting kirot, natitiis naman. Ako naman ang may gusto nito. Ako naman ang may gustong maghitay at umaasa kahit alam kong malabo na. Kaya kahit pinapanood ko siya sa malayo ay hindi ako nagreklamo. I was like his stalker. "Baby..." Nasa bahay ako, ilang araw na akong hindi pumapasok dahil sa lagnat. Hindi naman ako sakitin pero pagtinamaan sapul talaga. "How are you feeling?" Hinawakan ni Mommy ang ulo ko. This is what I love, she is here kapag nagkakasakit ako. How I wish na lagi na lang akong may sakit para nasa tabi ko siya palagi. But I can't be selfish. They have to work for our families future and security. "Alconso is outside." My eyes widened because of that. He's here? Why? "Bakit po Mom?" Dahil sa panghihina ay hindi ako tumayo dahil mahihilo lang ako. "He visits you, his Mom told him you're sick, he's worried about hija." I smiled because of that. He's concerned? Parang nabuhay yung puso ko. I'm really blinded by my feelings. "Asan siya Mommy?" I feel so excited to see him. "Sa baba, kausap ang Daddy mo. Mabuti nga iyon dahil kanina pa iyon dito. Tulog na tulog ka kasi kaya hindi ka na niya inistorbo." Napakagat ang labi ko. Is this really happening? Is this for real? "I want to see him, Mom." Mahina kong sabi. She smiles and nods. Lumabas siya, bumukas ulit ang aking pinto pero si Alconso na ang nasa pinto. He let it open. I smile at him, he's really here. Katulad noon ay seryoso siyang nakatingin sakin. "What happened?" Nagiwas ako ng tingin. "Naulanan lang..." Nagdilim ang muka niya. This is the first time I saw this expression on him.. He's usually quite and serious. "Stop going to my school." Malamig niyang sabi sakin. Nakakuyom ang mga kamao niya at nag iigting ang mga panga. "B-Bakit? Okay lang Alconso, ngayon lang naman ulit ako nagkasakit." He's now looking at me with disappointed face. Naulanan kasi ako kakahintay sa kanya sa labas ng school. Hindi ko naman alam na maaga pala siyang nakauwe. Naabutan tuloy ako ng ulan. "I hate you..." He suddenly said. Nangilid ang luha ko. H-He hate me? Why? Dahil ba makulit ako? Dahil ba sunod ako ng sunod sa kanya? "I really hate you! So stop pestering me! I already told you! Your just a kid to me." Napayuko ako. "Huwag na huwag kana ulit pupunta doon. Naiintindihan mo? I don't want to see your face." Huminga ako ng malalim. I plead using my eyes. I want to go to him. But I can't, my body is weak. Kaya hanggang tingin lang ang nagawa ko. I can't even say a single word because of shock. I thought he's here because he's worried? Wala talaga siyang pinipiling oras? Why are you always hurting me. "Tandaan mo na hindi kita magugustuhan, hindi ako magkakagusto sa isang paslit." He just leave me like that. I cried inside my room. Pumasok si Mommy, I don't care if she wants me to sleep or do something. I got really hurt for every words he said to me. How easy for him to hurt me? Bakit ba ang bilis bilis ko masaktan pagdating sa kanya? Kahit na masakit na ay gusto ko parin siya? "Anak tahan na." Alo ni Mommy sakin. I just cried. Pumunta lang pala siya dito para saktan ako. "Mom, Bakit ganun siya? Gustong gusto ko siya pero ang sakit e?" Bumuntong hininga si Mommy. She touch my cheeks and smile sadly at me. "Anak, kapag totoo ang nararadaman ng isang tao ay masakit talaga. Iyon ang realidad, hindi ko man alam kung gaano kalalim ang nararadaman mo, anak kita at alam kong totoo ang nararadaman mo." "you only have to wait, you need to learn a lot of things. Hindi mo kailangan madaliin. Embrace every pain. It's your road to happiness." I don't Understand how they let me get hurt, kahit na nasaktan ako ni Alconso ay ganun parin nila ituring ang lalaki. Bakit pa nga ba ako mag tataka? I'm like them. Kahit na nasasaktan ako hindi parin ako lumayo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. He doesn't want me near him. Siguro nga mahal na niya si Dea. Ano pa bang laban ko diba? Kinabukasan ay lalong tumaas ang lagnat ko. Mommy take care of me. Si Daddy lang ang pumasok sa office pero maaga rin naman na umuuwi at tinitignan ako. He's so worried. Sa sumunod na araw ay bumaba ang lagnat ko, buong hapon lang akong tulog dahil sa gabi ay umiiyak ako. I can't sleep at night. Kaya siguro hindi nawawala ang sakit ko dahil sa ginagawa ko. Kakagising ko lang sa araw na iyon, saktong pagdating ng mag asawang Welba. Dinalaw nila ako. " Hija. Magpagaling kana, I miss having you in our house. Lalo na ngayon at nasa bahay lang ako." Pinili na kasi nito na sa bahay na lang. Iyon ang napag desisyunan nilang mag asawa. I'm so excited. Hindi ko na pupuntahan si Alconso sa school niya. Kahit na madalang lang ito sa bahay nila ay makikita ko naman ito doon. "Sana nga po Tita, miss ko na din po kayo." Bumuntong hininga ito. Naghanda ng makakain si Mommy kaya kaming dalawa lang ang nasa silid ko. "I heard what happened... I'm really sorry for King's behavior. I already talk to him--" i cut her off. "It's okay, Tita. I'm not surprised though..." But the party was different. I can't understand him. He treat me nice that night. But suddenly, he push me away again. "Ah basta, ikaw parin ang gusto ko. Wag kang mawawalan ng pag-asa." Ngumiti na lang ako. Nag kwentuhan lang kami hangang dumating si Mommy. After that talk, I felt good. Hindi na ako masyadong nalulungkot. Halos isang buong linggo akong nilagnat at kalaunan naman ay nawala na rin iyon. Naging busy na din ako sa school dahil medyo na tambakan na ako ng gawain at aaralin. Dalawang linggo akong humabol at buti na lang ay tinulungan ako ni Tita. I never saw Alconso, hindi na din naman ako umasa na makikita ko siya. Nasanay na lang ako na pumunta sa bahay nila for Tita Grace. Close din pala niya ang mga kasama at naninilbihan sa kanila. "hija, hindi ganyan. Baka masunog, hinaan mo ang apoy." Sabi ni Manang. Sinunod ko naman iyon at nagpaumanhin. Tinuruan niya akong magluto, minsan palpak pero kasama naman iyon sa pagkatuto. Kaya naiintindihan ko. "Sorry na Manang, hehe. Ako na po." Tumawa lang ito. Hinalo ko ang niluluto kong adobo. Paborito ko ito kaya iyon ang niluto namin. "Hija, pahinga kana. Kanina kapa tumutolong." Awat ni tita sakin. Umiling ako, I love what I'm doing. I feel at home dito sa kanila. Hindi ko naramdaman na iba ako. Feeling ko nga anak na rin niya ako. "I'm okay Tita, don't worry. Magaling naman na po ako." She's worried, kagagaling ko lang kasi sa sakit. "Okay okay, if you say so." Natapos na kaming mag lunch, and as usual wala si Alconso. Masaya naman dahil nalilibang naman ako kahit hindi ko nakikita ang totoong pakay ko. Nagpresinta akong maghugas ng plato. Sa tagal kong tambay dito ay marami na akong natutunan dahil kay manang. "Alconso! Hindi ba pwedeng dito na lang? Bakit kailangan mo pang pumunta sa iloilo para doon mag aral?" Kumunot ang noo ko. Rinig na rinig ko ang sigaw ni Tita sa buong sala. Bahagya akong natigilan dahil sa narinig. Nanatili ako sa loob. Tahimik lang ang buong bahay kaya rinig na rinig ko ang usapan nila mula sa sala. " It's just 2 months, I told you Mom. After ko mag-aral doon ay babalik ako dito." Hindi ko maintindihan, he's 3rd year. Kung magaaral siya doon ang taon ang aabutin. Pero alam ko naman na matalino siya at kung iisipin ay kaya nga niya iyong matapos. "hindi pwede! Paano na lang ang maiiwan mo dito? Ako?... Si Nicole?" Napatakip ako sa bibig ko. Napakagat ako ng labi sa hiya. Mabuti na lang at wala namang tao sa buong kitchen. Napahinto din ako sa paghuhugas dahil sa pagtatalo nila. " The hell I care with her?" Napalunok ako. My heart sting again. Sa bawat araw na dumadaan, pagnaririnig ko ang pangalan niya ay nasasaktan ako. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Hindi naman ganoon noon e. Ngayon na narinig ko ang boses niya. Mas lalo lang nasasaktan ang puso ko. Habang tumatagal, parang tinik na ito sa dibdib kong hindi ko alam paano tanggalin. "fine! Sige, umalis ka! Pero ito ang tatandaan mo. Wag na wag ka sakin makahingi ng tulong tungkol sa babae." Nangilid ang luha ko. Hindi ko napigilan ng tumulo na iyon ng tuluyan. Sa sobrang pait ng nararamdaman ko. Ang nahawakan kong baso ay dumulas sa kamay ko. Nabasag iyon kaya agad ko iyong kinuha. Not minding the noise of someone coming in the kitchen where I am. " f**k!" Narinig kong mura ng lalaki. I'm so stupid. Dahil sa pagkataranta ay nahawakan ko ang matalas na bagay na iyon kaya dumugo ang daliri ko. " Are you stupid? Bakit mo hinawakan! Get the f**k out!" Sigaw nito. Natuod ako. Ito ang unang beses na sigawan niya ako. I look at Tita, I smile sadly at her. "Alconso, your too much!" Kita ko ang galit ni Alconso sa mata niya. Kasalanan ko naman. Naiintindihan ko. Tumayo ako, lumapit si Manang at siya na ang nag-ayos ng kalat ko. Bigla na lang siya tumalikod at umalis. " I'm sorry hija." Tumango na lang ako. "s-salamat p-po sa lunch, Tita. Uuwi na po muna ako, para makapag pahinga." Nagpasundo nga ako, iyak ako ng iyak ng makauwi at makapasok sa kwarto ko. Namamaga na ang mata ko sa kakaiyak pero hindi parin nagpapaawat ang luha ko. I feel so broken, it hurts so much. Naalala ko kung paano niya ako titigan ng may galit. Nandidiri rin siya saakin, lalo na sa presensya ko. Kaya hindi siya umuuwi ng bahay dahil sakin. Dahil alam niyang nandoon ako, at ngayon nga, gusto na talaga niyang lumayo... Nadamay na ang pamilya niya dahil lang sa kagagahan ko. I just love him so much. Sa buwang iyon ay hindi ako nagpupunta doon. Ayoko ng mahirapan ang sarili ko. Ayoko na din silang pahirapan. Gusto ko siya pero, may iba ng nadadamay. I don't know what to think anymore. Birthday ko na sa susunod na buwan, I'm turning 15. Iniisip ko kung anong mangyayari doon, it just makes me drain. "Honey, I bought your dress. Come on, isukat mo." Mom walks towards me, she's holding a paper bag. Obviously she buy my dress again. "What for?" Tumayo ako at kinuha sa kanya. May ilan pa siyang dalang paper bag. I usually don't go with her. Shopping is not my thing. Binibilan naman niya ako ng kailangan ko. Even I didn't tell her. "It's your birthday. I'm so excited. Kaya isukat mo na yan." Wala na akong nagawa, kinuha ko ang dress, it's beautiful, actually my type of dress. Ibang iba ito sa mga nakikita kong suot ni Dea, her dress is fitted and she look matured on that. Huminga ako ng malalim. Bago pa lumawak ang pagiisip ay agad kong sinuot iyon. Sa kaunaunahang pagkakataon ay, bahagya akong nakulangan sa suot ko. I feel different. Parang gusto ko yung mga pang matured. I got out of the comfort, Mom smiled widely at me. "You look so adorable. Sweety." I Smile at her. "Why? You don't like it?" Umiling naman ako agad. I like it, it just that... "It's beautiful Mom. I love it." I assured her. Kinagat ko ang labi ko. "Perfect! Ito binilan ulit kita ng sets of make up." She handled me all of it. "Thanks Mom." "Your welcome. I got to go. Isusukat ko pa ito." Tinitigan ko ang mga paper bag. I go to my room. I get my phone and like what I always do. I open my i********:. I saw him open, lagi akong nag message sa kanya, pero walang sagot na bumabalik sakin. To: King Alconso. "My birthday is coming, I'm sad your not here. I miss you." To: King Alconso "Please talk to me..." All my effort to pursue him again failed. I always message him. But he didn't reply to any of it. Bumuntong hininga ako, expected ko na, hindi siya pupunta sa birthday ko. This will only make me sad. Naglalakad ako sa corridor habang tinitignan ang phone ko. Someone approach me. Isa sa mga classmate ko. "hey, this is my paper, you can check it." Tumango lang ako at kinuha iyon sa kanya. He is Vince, Partner ko sa isang subject. "Ako na mag papasa kay Ma'am, salamat" Akmang lalakad na ako ng pigilan niya ako sa braso. Napatingin ako doon, agad naman niya akong binitawan at napakamot ng batok. " Ehem, ano. Pwede kaba mamayang lunch?" Napaawang ang labi ko. "Pagusapan natin yang report." He lick his lips and take his eyes away shyly. Ngumiti ako. Tumango ako sa kanya. "Sige." Iniwan ko siya doon ng nakatulala. Tumingin ulit ako sa cellphone ko. None. Isang subject na lang bago ang lunch, inaral ko ang dalang libro for that subject. Buti na lang dahil may pa surprised quiz si Ma'am. Lunch. I'm with vince, pinagusapan namin ang gagawin. Ako na mag tatapos ng written report while siya ang gagawa ng ppt namin. Nahiya naman ako, but since partner ko naman at nag presinta siya ay pumayag na lang ako. Ako pa ba aarte? "So paano? Siguro kailangan natin mag usap about this topic para naman handa tayo sa presentation. What do you think?" Kumunot ang noo ko. We are talk for that right now. Natawa siya bigala, kaya napakagat ako ng labi. "I mean, we should do this every lunch?" Oh! That's it. It's fine with me. "Okay." Ngumiti siya ng malaki. Nahawa tuloy ako kaya napangiti din ako. We talk about the report at habang tumatagal ay nakagagaanan ko na siya ng loob. We do talking on lunch time, lagi na rin kami magkasama tuwing nasa school ako. Lumipat na rin siya sa tabi ko. Hindi ko alam na masaya pala na meron din akong kaibigan sa tabi ko. Medyo sumaya ako dahil sa kanya. Yung gusto kong maramdaman ay siya yung nagbigay sakin.. But I can't forget that specific person. Kapag mag isa ako ay siya lang ang laman ng isip ko. "Luv, lalim ng iniisip ah? Ako ba yan?" Sinamaan ko siya ng tingin. Kapal ng muka. "Gusto mo ng sampal?" He just chuckled. Hindi ko namalayan na ilang linggo na pala kaming magkaibigan. "Sus, kung kiss bakit hindi?" Hudas barabas! Inirapan ko siya, palagi talaga niya akong binibiro ng ganyan. He's sweet. really, lalangamin na nga ako e. "Sige basta pasapak sa tonsil." Maangas kong sabi. Ngumuso siya, natawa ako. "Tara na, report pa natin, umayos ka ha! Sasampalin talaga kita!" Inakbayan niya ako, he did this kapag magkasama kami. Ilang linggo pa lang pero sobrang close na namin. "Waw! Parang 'di nahiya noon sakin ha?" Ngumisi lang siya at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Natapos ang report namin, itong tukmol na to grabe kung man trip. Hindi ko tuloy mapigilan matawa buti na lang at mabait ang teacher namin. "Ayos ba? Tuwang tuwa si Mama." Raulo. Ganyan tawag niya sa lahat ng teacher namin, parang timang. "Letche ka talaga! Sarap mo itakwil." Inirapan ko siya. "Masarap din ako, luv." Sabay tawa ng malakas. Labas ngala-ngala. "Pasukan ka sana ng lamok, bwesit ka!" Inakbayan niya ulit ako. Palabas na kami dahil uwian na. "Birthday ko na sa sabado! Pag dika pumunta ililibing kita sa birthday mo." Banta ko sa kanya. "Aba syempre pupunta ako! Ako ang partner mo e! Don't worry luv, hindi ko yan kakalimutan." Ngumisi ako. Maybe my birthday will still be a good memory huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD