The sunrise wakes me up. I'm so excited today because today is my birthday. Bumangon na agad ako at naligo.
Bumaba ako agad para silipin sila Mommy. Nasa dining room na sila ni Dad, my dad is busy reading something on his phone, while Mom is having her coffee..
"Good morning, Mom, Dad." I greeted them, I kissed them on their cheeks.
"Good morning." They said in unison.
Agad akong kumuha ng tinapay. Naglabas si Manang ng gatas for me.
"How's your sleep?"Ngumiti ako. I looked at them and smiled.
"It's Good, Mom."
"You look so excited, Baby." Mom laughed.
"Of course, ahm. Did you talk to Alconso?" His smile faded.
Napayuko ako, sa pagkalungkot pa lamang ng mukha niya ay alam ko na.
" You know he's busy right?" tumango ako.
" Yeah, anyway, nandyan naman si Vince, He can be my partner later."
I called Vince, I inform him to be my partner, dapat talaga hindi na lang ako umasa...
"Sure, Luv. Ikaw pa ba." I smiled.
"I better get going. Sunduin mo ako huh." I told him..
He just chuckled.
"Sure. I'll be there, before 6pm." Ngumiti ako.
Dumating siya bago mag six at buti ay nakarating din kami sa reception, the party started with the message from my Mom, and Dad. Nag message din si Vince.
All of them were invited to that party, my friends, even my family friend. They are all here.
They look so happy for me, nag tuloy tuloy ang kasiyahan but I can't find myself smiling all through the hours. The person I want to see today, my special day, is a special man, Alconso.
Lahat naman sila nandito, my Mom and Dad, so as Vince. Pero bakit sobrang lungkot parin? Wala siya, ang kaisa-isang tao na gusto kong makita ngayong birthday ko.
Maybe he's too busy abroad. I'm not that important to him, I know that.
"What keeps you sad Luv?" Vince asked.
Umiling lang ako, hindi naman niya alam at hindi niya naman kilala si Alconso.
"I'm here, your family. Aren't you happy?"Napakagat labi ako.
Nangingilid ang luha ko, mabuti na lang at nasa tagong lugar kami. Busy ang mga tao.
Tama siya, they are here, they support me while I can't be happy with that. Bakit hinahanap ko parin yung taong wala?
In front of Vince, I breakdown. I cried, for weeks, I kept my posture. For weeks, I let him hurt me without even trying to hear me.
"Shhh, iyak lang, luv."Niyakap ko siya ng mahigpit.
Iyak ako ng iyak sa balikat niya, lahat ng sakit ng naipon ko ay lumabas na lang bigla.
It was supposed to be a happy day of my life. Guests bid their goodbye to everyone.
Natapos ang party. Hinatid ako ni Vince sa bahay. Kinausap niya sila Mom and Dad.
"Salamat, I don't think I can do it without you."
He's the only friend I have. He's the one who's there for me.
"I'm always here for you, Nicole."
Kinaumagahan. Isang stuff toys ang bumungad sa pag-gising ko.
"Mom. Kanino ito galing?" She smiled at me.
"It's from Alconso.." napaawang ang labi ko. Luminga ako sa paligid. Pero wala naman siya sa paligid.
"Sabi ko na nga ba, your important to him also. Tignan mo at pinadalhan ka niya ng gift." She smiles. Natulala ako sa regalo.
"It's your favorite color." I smile.
Bigla akong nabuhayan, akala ko nakalimutan na niya ako. This simple gesture wipe all my pain.
Dali dali akong nag bihis at pumunta sa bahay nila. Kahit alam ko naman na wala naman siya doon.
"Pinadalhan ko siya ng stuff toy, written your name on it." natigilan ako, it’s his mom.
Hindi ko naman alam na babawiin agad iyon sakin. Hindi ko alam kung magsisi ako na pumunta ako dito dahil sa nalaman o ano.
"Make some effort hijo. Kahit hindi mo siya gusto ay..."
Tumakbo ako, biglang napagod ang puso ko. Parang namamanhid ako.
I'm so delusional. Bakit ba hindi pa rin mag sink in sa akin na hindi naman talaga niya ako gusto?
Bakit kailangan kong pagpilitan ang sarili ko sa kanya? When he only bring me sorrow and pain.
"You're crying again?" Napalingon ako. It is Vince.
"Anong ginagawa mo dito?" He look at me with serious face.
"You're here, that's the reason." Lumapit siya sakin. Nakaupo ako sa may bench. Nasa park ako malapit sa subdivision nila Alconso.
"Gusto kong mapag-isa." I just want to think.
Ayoko din naman sabihin at idamay pa siya sa nararamdaman ko.
"No. I can't leave you here alone. Don't worry, hindi naman kita guguluhin. "
Tumango na lang ako. The air of the night helps me chill out. I really love nights. It makes me feel so chill.
"I'm in love with a man, who hates me so much." Panimula ko.
He looked at me.
"Kulang pa ba? Hindi ko alam kung anong gagawin. How can I make him fall for me?"
I'm desperate, I know. Bata pa ako, hindi pa dapat ito ang iniisip ko.
But I'm blinded by what I feel. My heart ached when I didn't see him. Masakit na makita siya with someone else. Masakit na nilalayuan niya ako, at kina-aayawan.
"Kung ako na lang..." Mahinang usal niya.
"Ano?"
Tumawa siya ng bahagya at ginulo ang buhok ko.
"Wala. Iyakin bata." Sinamaan ko siya ng tingin.
" Hindi na ako bata, 15 na ako!" Tumawa lang siya.
"Sus, lagi ka kaya umiiyak, para kang inaagawan ng candy e." Bwesit talaga tong lalaki to.
" Ewan ko sayo, dapat hindi ka inire ng nanay mo!"
Tumawa kaming parehas. Hindi ko na namalayan na kanina pa pala kami mag kausap.
"I'm glad your happy, keep it up." Nawala ang ngiti ko.
We are heading home. Hinatid niya ako hanggang gate ng bahay namin.
"Thank you." Nag thumbs up siya.
"Pasok na.." I nodded. Pumasok na ako, ilang hakbang ay humarap ulit ako sa kanya.
His back is all I see, paalis na din. Napangiti ako. I'm lucky to have a friend like him.
Sa sumunod na linggo ay aral ang inaatupag ko dahil matatapos na ang grading sa taong ito.
Inabala ko ang sarili sa pag rereview at assignment ko, effective naman siya.
"What happen to you Pa? Bakit ganun ang ginawa mo?"
One night, I heard my parents talking. Paakyat ako pabalik sa kwarto ko.
"I just want the best for our daughter."
Ako yung pinag-uusapan nila, they seems fighting. Hindi ko naman sinasadya. Medyo awang kasi ang pinto nila.
Nakatayo lang ako, mali man makinig, iyon pa rin ang ginawa ko.
" Stop it! Iyon ang huling beses na gagawin mo iyon! Mali ang ginawa mo!" Galit na galit si Mommy.
Natahimik ang nasa loob ng kwarto. Agad naman kong nag lakad papuntang kwarto.
I had a bad feeling about it.
Hindi na nasundan ang pagtatalo na iyon, after that day ay naging maayos naman sila.
Imbis na isipin at ubusin ang energy doon ay minabuti ko na lang na kalimutan, mukang naayos naman nila Mom iyon.
I shouldn't worry.
"Anak." Pumasok si Mommy sa kwarto ko.
Final week na namin sa school, sa susunod na linggo ay bakasyon na.
"Po?" She smiled.
"Your dad prepared us for a vacation. For 1 month in sydney." Napaawang ang labi ko.
Really? Hindi ko pa iyon na pupuntahan.
" And I want to tell you, habang maaga pa. We are planning to move out to Manila."
Nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.
"After your graduation, plano pa lang naman. Kung ano naman ang gusto mo iyon naman ang masusunod."
Alam kong nahihirapan sila Mommy, nasa manila ang trabaho nila at dito pa sila minsan umuuwi.
"Mom, hindi ko po…"I sigh.
"I know. Pipiliin mo pa din dito. I'll tell your Dad." I felt guilty.
" Thank you Mom"
Unti unti…
Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay, minsan naiisip ko siya, hindi man katulad ng dati na kinikilig ako pag naalala ko siya.
Parang may bigat akong nararamdaman, sa mga araw na lumipas ay masasabi kong kinakaya naman.
Nandyan ang pamilya ko, their presence is enough for me. Hindi man araw araw, ang mahalaga ay alam ko at ramdam ko na nandito sila sa tabi ko.
Katulad nga ng napagusapan ay nagbakasyon kami sa Sydney Australia, kaibahan lang ay kasama namin si Vince.
Unti unti na rin siya nakilala nina Mom and Dad.
Everything is good, I forgot how painful my nights are when morning comes. I'm always with my parents and Vince.
Natapos ang bakasyon. Isang puting envelope ang nakita ko sa table ng sala. It is Classy.
Kinuha ko iyon at binuksan, it's an invitation of Alconso's birthday.
My Family name written on it. Bumigat ang nararamdaman ko. Ito ang kauna unahang birthday niya na hindi ako masaya.
Iniisip ko kung dapat ba akong umattend. Pero ayoko naman na maging bastos at alam kong inaasahan ng mag-asawa na pupunta kaming lahat.
Pumikit ako ng mariin.
"Hey, oh. You saw it." It's Mom.
"Yeah." Ngumiti ako.
"They'll understand kung hindi ka pupunta."Umuling ako.
"I'm in, it's okay, Mom. Don't worry." She sighs.
Umakyat ako ng kwarto, I should think the gifts I'll going to give him. Tinawagan ko si Vince.
"Miss moko?" I roll my eyes.
"Magpapasama ako. Bibili ako ng regalo."
"Regalo? Hindi ko birthday."
"Hindi sayo, tanga." Inopen ko yung laptop ko. Tumingin ako ng magandang regalo.
"biro lang e, para kanino?"
" Kay Alconso."
"relo." Maikling sabi niya.
" Huh?"
"relo… para may oras na siya sayo, kawawa ka naman." Nagtangis ang ngipin ko, kung nasa tabi ko lang siya ay nahambalos ko na ito.
"Napaka bully mo talaga. Ayoko, nakakainis ka!"
Tumawa naman siya ng malakas.
"Tsk, balot mo sarili mo." Gagu talaga.
"Waw, best idea ever!"
"eto seryoso na. Cap. Yung plastik!" Seryoso?
"serious ka na niyan?"
"sombrero kasi. Para lagi mo makikita sa kanya. Mahilig naman siya doon diba?"
Inisip ko kung nagsusuot siya non.
"wala akong maalala na nagsusuot siya…"
"Yun na lang, para malaman mo kung, alam mo na."
"Okay sige, samahan mo ako."
Pumayag naman ito. Sinabihan niya ako sa malapit na department store. Isang black at red ang napili namin.
Nag sukat din naman ako, bumili ako ng katulad ng regalo ko kay Alconso.
Nakangiti pa ako ng ako ang mismo ang nagbalot noon, may box na iyon ng binili ko kaya hindi na ako masyadong nahirapan.
Dumating ang kaarawan niya, tatlo kami nila Mommy. Nakaupo kami sa aming lamesa. Medyo napaaga ang dating namin.
May gift station, pero gusto kong personal na iabot kay Alconso ang regalo ko. Pero hindi ko siya nakikita simula ng dumating kami nila Mommy..
"Nasaan kana ba?"
I saw Tita, she smiled at me, papunta ito sa direksyon ko.
"Long time no see! I miss you my baby, ang tagal mo ng hindi dumadalaw."
Ngumiti ako ng marahan.
"Medyo busy lang po."
Tumingin siya sa hawak ko.
"Para kay Alconso? Nasa garden, puntahan mo na lang."
Tumango ako, nagpaalam ako at nagtungo sa garden ng bahay. I saw him. Naka suit ito. Pormal na pormal ang damit.
Hindi siya nag iisa. He's with Dea, his girlfriend. Bahagyang naninikip ang dibdib ko.
Hindi muna ako lumapit at nakita kong kinuha ni Dea ang kamay ni Alconso at may nilagay ito doon.
Niyakap pa niya ito at hinalikan sa labi. Hindi ako makahinga sa nakikita. Walang reaksyon ang lalaki.
Nakatayo at nakatingin lang ito sa babae. Na parang silang dalawa lang. Wala ako na nag eexist sa mundo niya.
Bumuga ako ng hangin. Ibibigay ko lang ito. Pangako.
Hindi muna ako lumapit hinintay ko muna na mawala na sila sa lugar na iyon. Pumasok ako sa loob ng bahay.
Bumalik ako sa table, mamaya ko na lang ibibigay. May mga pagkain na doon. Kumain na lang ako at hindi na iniintindi ang ibang tao sa paligid.
Ganoon ang naging takbo ng party. Everyone is chatting, may sumasayaw, habang ako ay nasa lamesa.
Mom and Dad are dancing, I watch them dancing. They're sweet, time passes but it doesn't change. I want that.
"Why is a beautiful lady alone, Hmm?" Random guy approached me.
I saw how playful his eyes is, hindi katulad ni Alconso, masungit at seryoso. Ngumiti ako.
" Bawal ba?" Tanong ko pabalik. He chuckled playfully.
"If you want, we can make the night more powerful and… pleasurable."
Ngumiwi ako. Nagiwas ako ng tingin. Tumayo ako dahil sa inis na nararamdaman.
"you can do it yourself." Umalis ako at iniwan ko iyon.
Pumunta ako sa Cr. Inayos ko ang sarili. Gusto ko na lang umuwi.
Nag text ako kay Mom, and Dad. Nag pasundo ako driver ko. Bibigay ko na lang ito at uuwi na ako.
Lumabas ako ng restroom. Hinanap ko agad si Alconso. Agad siyang hinanap ng mata ko.
Kasama niya parin si Dea, may kausap silang matanda. Huminga ako ng malalim bago nag lakad palapit doon.
"Kelan ba ang wedding?" Bumagal ang lakad ko habang palapit ako ng palapit.
"We will, talk about it." Sabi ng matinis na boses Ni Dea.
"ehem. Excuse me."
Lahat sila ay napalingon sakin. Ang seryosong tingin ni Alconso ay lalo lang nag seryoso. Malamig. Walang buhay.
So, ikakasal na pala siya? Ang bilis naman ata?
" Hi little Nicole."masiglang sabi ng babae, tumingin ito sa hawak na dala ko.
" Happy birthday." Bati ko at inabot ang regalo. Hindi niya iyon kinuha. "Iiwan ko na lang doon. Happy birthday ulit."
Iyon na lang ang nasabi ko at tumalikod na. Nakakailang hakbang palang ay nagsalita ang babae.
"Baby Nicole, flower girl ka sa kasal namin ha." Sigaw nito.
And this is the first time I would say this, I hate her. I hate how she treated me back then but I ignore it.
Humarap ako, hindi ako ngumiti O ano. Casual lang.
"Hindi ako pwede e, allergic ako sa bulaklak nasusuka ako kapag nakakakita ako noon."
I hate this.
I hate him.
I hate all of it.
Sige magpakasal siya! Alam ko naman na iyon din sa huli ang mangyayari katulad ng sinabi niya noon.
" Ohh that's... sad." Ngumisi ito.
"Enjoy. Congratulations."
Hindi ako umiyak ng gabing iyon. Walang tulong luha. Kahit patak wala. Nakatitig lang ako sa kisame.
Akala ko kasi pwede, akala ko… akala ko kasi pwede kong magustuhan ang lalaking iyon.
Hindi naman talaga magbabago ang nararamdaman ng isang tao dahil lang sa bata pa sila.
Hindi basehan ang idad sa pagmamahal. Dahil kung gugustuhin kong baguhin ay sana nagawa ko. Para naman mawala na yung sakit.
Para naman sa tuwing gigising ako sa umaga ay wala na akong nararamdaman sakit.
Kung pwede lang sana…
I'll make it happen.
Walong buwan ang lumipas, bakit nandun pa rin yung sakit? Hindi ko na nga siya nakikita. Wala na ako sa buhay niya. Tanga, wala ka naman talaga.
3rd year, nag birthday ako ulit. ganun pa din. Hindi ko inakala na ganito pala yun. Hindi ko inaasahan na may taong kayang itaboy ako.
Iniisip ko kung ano ba ang mali sakin. I wish I was Dea, para naman mapansin na niya ako. I wonder what would it feel to be her.
I want to be her…
It's sick that I want to be somebody else for his affection. It hurts like hell to feel this insecurities.
I shouldn't be insecure but, everytime I think of him and Dea, getting married. It hurt me... It feels more than dying.
Umaga ng araw na iyon, birthday ni Alconso, isang taon na ang lumipas at wala na akong balita sa kanya.
It just hurt me. Hindi ko na maatim na alamin pa ang buhay niya. He has a Fianceè…
Katulad ng kadalasan naming ginagawa ay dumalo kami, lagi na akong umiiwas pag may pagtitipon sa kanila. Mostly ako na ang nauunang umuwi at mukang iyon ulit ang gagawin ko.
Ayoko naman masyadong magtagal dito. It's suffocating.
Pumunta ako ng kusina to find Manang, na miss ko kasi ang mga ito. Matagal tagal na rin kasi nang huli akong pumunta dito.
Palapit na ako ng marinig ko ang bulungan sa loob. Well, medyo malalakas pa rin ang boses ng mga ito.
"Bagay na bagay sila ni Ma'am Dea, mabuti naman at Ikakasal na sila sa susunod na buwan." Napatigil ako sa paglalakad.
"Oo nga, kaso kawawa naman si, Nicole. Malungkot iyon." Nanghina ang tuhod ko.
Mas masakit pala marinig sa iba. Akala ko handa na ako. Akala ko, tanggap ko na.
"Kaso yung ugali naman noon e, walang wala kay senyorita Nicole. " Uminit ang sulok ng mata ko.
Umatras ako…
Naninikip ang dibdib ko. Hindi na dapat ako pumunta dito. Hindi na dapat ako… hindi dapat.
Tumalikod ako, pero nabangga ako sa isang bulto ng tao. Hanggang dibdib lang nito ako.
Ang amoy niya ay kilalang kilala ko. Kanina pa ba siya? Narinig kaya niya? Hindi ako tumingin sa kanya. Ayokong makita niya akong ganito.
Lagi na lang akong mahina sa harap niya.
"Why are you here?" Malamig niyang tanong.
"Ahh. Pupuntahan ko sana si Manang. Mukang wala siya..." Nasa dibdib niya alang ang mata ko.
Naghahanap ako ng paaraan upang umalis. Paano ba ito? Ayokong makita na naman niyang umiiyak ako.
"She's on vacation." Tumango na lang ako.
Akmang aalis ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Don't do anything stupid.." daig pa ng yelo ang boses niya.
"Wag kang magalala, aalis din naman ako agad. Kuya…"
I pursed my lip tight, tila nanibago ako sa boses ko ng banggitin ko iyon.
"Kuya, huh." Puno iyon ng panunuya.
"Sige, Happy birthday."
Wala akong dalang regalo, tiniis kong hindi bumili. Ayokong magkaroon ng dahilan na lapitan siya.
"Wala kang ibibigay?" Nagtataka ito.
Ngumuso ako, hindi parin tumingin sa kanya.
"naiwan ko. Nagmamadali kasi sila Mom." Pagsisinungaling ko.
Ilang segundo siyang walang imik.
"okay, kukunin ko bukas." Nanlaki ang mata ko.
Teka? Bakit? Wala talaga akong regalo.
Anong gagawin ko?
Hindi ako mapakali, nataranta ako. Humanap ako ng magandang alibi.
" H-Hindi na. Hindi naman na importante. Itatapon ko na lang." Hawak hawak ko ang dress na suot. Nauutal parin ako.
"you're lying." Madiin niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya.
"Anong-" ngumisi siya. Umirap.
"Tss." Iyon lang at tumalikod na siya sakin.
Hindi dapat ako makaramdam ng guilt. Hindi ko inaasahan na iyon ang itatanong niya sakin.
Inaasahan niya na may regalo akong ibibigay sa kanya?
Huminga ako ng malalim at nag tungo sa kusina. Binuksan ko iyong ref. May juice don at kinuha ko.
"Dea!" Isang sigaw ng lalaki.
Kumunot ang noo ko. Lumakad ako at nagtago sa gilid ng kusina. Galit ang muka ni Dea yung lalaki naman ay walang emosyon sa muka.
Who is he?
"Don't you f*****g, turn your back at me!" Hinila nito si Dea at sinandal sa pader.
Dea suddenly touch her stomach. Napatingin doon ang lalaki at nag-tiimbagang.
"Ano bang problema mo? Nag-usap na tayo diba?" Sigaw ni Dea sa lalaki.
"Hindi ako papayag na ikasal kayo ni Alconso habang dala mo ang anak ko!" Mariing sabi ng lalaki.
Mahinang natawa si Dea.
"May magagawa ka ba? Wala diba? Ano bang pakialam mo huh? Alconso is better than you. Kaya niyang maging ama sa anak ko!" Mariin at mahinang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ko. She's pregnant and she's planning of merrying Alconso to be the father of her baby?
"Huwag mo ubusin ang pasensya ko, anak ko din yan. May karapatan akong mag desisyon, tungkol dyan." Kita ko kung paano manginig at umiyak ang babae.
"You're so heartless. Ikakasal na ako! Huwag kang umastang may karapatan ka sakin! Oo anak mo ito. May karapatan ka sa kanya! Pero sakin wala. Fine! Ikaw ang ama niya. Ikaw ang kikilalanin. Okay na?"
Biglang sinuntok ng lalaki ang pader. Isang boses ang pumukaw sa kanilang lahat.
"What's happening here?"
His voice. Walang mababatid na emosyon. Seryoso itong nakatingin sa lalaki.
"B-Babe..." Si Dea.
Umigting ang panga nung lalaki sa harapan niya.
"Babe huh. Your so sweet, Dea! Kung hindi ko lang alam na nagpapanggap lang kayo para layuan siya nung bata ay maniniwala sana ako."
Napayukom ang kamao ko. Ginawa niya to para layuan ko siya? Ang sakit.. Kailangan niya pang magpanggap para lang saktan at layuan ako.
Gagawin talaga niya ang lahat para lang mawala ako sa landas niya.
"Y-You know..." Humalakhak ang lalaki
"Of course! Hindi moko maloloko! Babawiin kita sa lalaking iyan. Makikita mo!" Iyon lang ang sinabi nito at umalis na ang lalaki.
"Dea." Malamig ang boses na anito sa babae.
"Anong gagawin ko?" Tanong nito habang umiiyak.
Pinahid ko ang luha sa mata ko.
"Marry him. You don't have to suffer like this."
"But he doesn't love me." Hindi sumagot si Alconso.
Hindi ko na napigilan lumabas na ako. Pareho silang tumingin sa kin. Nanlaki ang mata ni Dea habang nakakunot ang noo ni Alconso.
"What are you doing here? Hindi mo ba alam na masama ang nakikinig sa usapa-"
Nilampasan ko siya ng lumapit ito sakin.
"Alam ko, hindi ko naman alam na, pupunta kayo dito. Wag kang mag alala. Hindi ko naman ipagkakalat ang mga narinig ko."
Tumitig ako kay Alconso. Do you really want me to leave?
Titig na titig ako sa kanya. Walang anuman ang mababakas sa mukha niya.
"wag kang mag-alala, you don't have to plot another drama to get rid of me. I already get it."
Umalis ako ng hindi na hinintay ang sasabihin niya. Pagod na akong habulin siya. Naiisip ko. Kahit anong gawin ko ay Hindi ko siya maaabutan kung tinatakbuhan niya din ako.
Kailanman hindi kami magpapangabot.
Sinalubong ko si Mom and Dad.
"I need to go home, Mom." Nagtataka man ay hindi naman na ito pumigil.
Nagtagal naman ako doon kaya okay na iyon.