Akira's POV.
"Mukha yatang pinagpapalit mo na ko Akira?" napahinto naman ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Sanya.
I frowned at her.
"Ang OA mo naman. Ikaw pa din naman ang bestfriend ko" sabi ko bago bumalik ulit sa pagkain ng tiramisu.
"Hey slow down. Baka mabulunan ka na nyan e. Pang apat mo na yan" sabi sakin ni Cloud. Kaya napatigil naman ako sa pagsubo.
Seriously. Pang apat ko na to? Ang lakas ko naman atang kumain ngayon? Well, masarap sya at sinusulit ko na din ang baon ko.
I smiled on Cloud. Pagdating sakin napaka attentive nya kaya lahat ng bagay napapansin nya sakin.
"Tol, alam kong patay na patay ka kay Akira, pero male late na kasi tayo alam mo namang terror ang prof natin dun" sabi ni Josh.
Tumingin sakin si Cloud as if asking for permission na hindi naman nya kailangang gawin.
"Ano ka ba Cloud. Wag mo na kong tingnan ng ganyan. Pumasok na kayo dali" sabi ko.
"Okay. I'll pick you up tomorrow. No buts! Bye!" sabi nito habang nagwe wave pa.
May next subject pa naman kami pero hanggang 6pm na lang unlike kila Cloud na 8pm or minsan 9pm pa kaya di nya na ko mahahatid. So susunduin na lang nya ko bukas.
Nung makaalis ang dalawa ay bumili pa ko ulit ng lima pang tiramisu para i take home. Pagkabalik ko sa table namin ay nakasimangot na nakatingin sakin si Sanya.
"Hoy babae, napakatakaw mo naman ngayon, baka mamaya lumobo ka at mas lalong hindi na magustuhan ni Sir Thunder" sabi nito.
"Che! Ngayon pa nga lang na sexy ako ayaw nya sakin e, wag kang mag alala magda diet ako after nito. Parehas naman tayo nila Ella e, mabilis yata metabolism natin" sabi ko.
"Ella na naman, lagi na lang sya. Sabi ko na nga ba e, itatapon mo yung since kindergarten nating friendship sa Ella na yan na isang buwan mahigit mo pa lang na kilala" nag pout sya after magsalita.
Yep. Isang buwan mahigit na simula ng magturo si Ella samin at naging super close na kami at halos ituring ko na din syang bestfriend. Mabait kasi sya sobra at sobrang komportable kausap. Pakiramdam ko nga pag tumagal pa tong pagkakaibigan namin, baka masabi ko na sa kanya yung about kay Thunder. Malamang magugulat sya kasi ko prof nya e.
"Wag na sabing magtampo e, sige bilang apology. Bibilan na lang kita ng make ups mo" sabi ko. Biglang nagningning ang mata nya.
"Totoo yan Akira ha?" tanong nito kaya tumango ako. "Yehey! Wala ng bawian ah!"
Tumango ulit ako, kumakain kasi ako. Tsk. Ang hilig ni Sanya sa make up sobra, kaya kapag nagtatampo sya, ayan yung pang console ko. At sobrang effective.
"Grabe ang takaw mo, nung nakaraang linggo, sandamakmak na crabs at seafoods ang nilantakan mo. Girl, isang linggo kang puro crabs tas ngayon naman mag iisang linggo mo ng nilalantakan yang tiramisu. Konti na lang iisipin ko buntis ka"
Nabilaukan naman ako sa sinabi nya kaya ubo ako ng ubo at dali dali nya naman akong pinainom ng tubig.
Nung makahinga ako ng maluwag ay binigyan ko sya ng death glare.
"Mga pinagsasasabi mo! Nawalan tuloy ako ng gana!" sabi ko.
"Tsk. Sorry naman atsaka alam ko namang imposible, si Sir Thunder papatulan ka? Hahaha! Malamang ikaw pa ang mang rape" sabi nitong tumatawa. Binato ko naman sya ng plastic spoon na nailagan nya.
"Cancel na ang make up na yan! Binubwisit mo ko e!" sabi ko.
"Hehehe! Joke lang naman Aki, chill lang. Pero maiba tayo ha? Ayoko dyan kay Ma'am Ella" sabi nito na nagpataas naman sa kilay ko.
"Ano namang ayaw mo sa kanya? Ella is a nice person, once na makilala mo sya at makasundo, malalaman mo how wonderful she is" sabi ko.
"Tsk. Whatever basta ayoko sa kanya"
"Why nga? May ginawa ba syang masama sayo?"
"Wala naman. Ewan. Instinct ko lang. Opinion ko naman yun. As long as she's not doing anything to hurt or harm you. I'm fine with her" sabi nito.
Napangiti naman ako sa sobrang pagka protective sakin ng bestfriend ko.
"Trust me, and trust her, hindi gagawa si Ella ng makakasakit sakin" I assure her. Nag smile lang sya sakin. Narinig namin ang bell na hudyat na malapit na mag start ang klase namin.
Dumaan na muna sa powder room si Sanya kaya nauna na ko para pumunta ng room. Nakita kong makakasalubong ko si Ella kaya nag wave ako sa kanya pero parang di nya ko nakita, nilagpasan nya lang ako. Parang ang lalim ng iniisip nya. May problema kaya? Dadaanan ko na lang sya sa office nya bago ako umuwi.
2 hours lang naman ang klase kaya mabilis lang natapos. Nagpaalam na si Sanya sakin na mauuna na syang umuwi dahil wala syang balak talagang makipag close kay Ella. Ewan ko ba sa babaeng yun.
Nung makarating ako sa office ni Ella ay kumatok ako.
"Come in" narinig kong sabi nya.
"Hi Ella!" bati ko sa kanya.
Nagtaas naman sya ng tingin at ngumiti sakin.
"Aki! Thank goodnesss you're here, kahit papano mababawasan ang stress at pagka badtrip ko" sagot nito sakin. Umupo naman ako sa harapan nya.
Nakita kong nakatingin sya sa kwintas na suot ko, ito yung regalo na nakuha ko sa locker ko yung may pendant na sun at may note na hindi ko naman maintindihan.
"Your necklace looks familiar, parang nakita ko na sya sa kung saan" sabi nito.
"Talaga? Alalahanin mo, hindi ko kasi kilala kung sino ang nagregalo sakin nito pero sobrang nagandahan ako at magpapasalamat lang ako." sabi ko.
"Sige susubukan ko, kapag hindi na ko inis" sabi nya at tumawa.
"Bakit ka ba kasi naba badtrip. Kanina hindi mo ko napansin sa sobrang lalim ng iniisip mo. Care to share?"
Nag sigh sya.
"Sorry Aki ah, hindi ko meant na hindi ka pansinin. Hindi siguro kita napansin"
"Wala yun, naiintindihan ko. Ano ba kasing problema?"
"Aish! Nakakainis kasi yung boyfriend ko. I asked him to stay at my condo at dun na matulog pero tinanggihan nya ko. Ilang araw na syang ganun. Nakakainis. Namimiss ko lang naman sya"
"Wait? Iniimbitahan mo ang boyfriend mo sa condo mo? Meaning ba nito madalas sya dun nag i stay sa condo mo?" tanong ko.
For unknown reason parang naging interesado ako sa lovelife ni Ella at kasabay pa nito ay ang pagkabog ng dibdib ko. Creepy.
"Yep. Kulang na lang ang marriage certificate at legal na kaming mag asawa. Para na kasi kaming ganun. But he is making me furious. Nasobrahan ata ako sa inis at nagpaka OA ako. At winalk outan ko pa sya kahit na nagpapaliwanag sya. Dapat ba ganun ang ginawa ko? Hindi kasi sya sumasagot sa mga tawag ko. Nag aalala ako. Baka may nangyari na sa kanya"
"Tsk. Wag ka ngang negative Ella. Baka nakatulog lang yun, for sure, tatawagan ka nun pagkagising nya. Magkakaayos din kayo. Diba nga sabi mo. Mahal ka nya?"
"Sobra at ganun ko din sya kamahal"
Ngumiti pa sya pagkasabi nun.
"Ayun naman pala e, just talk about it once na nag cool down na kayo" advice ko.
"Okay. Thank you talaga Akira ha? Buti na lang nandyan ka"
I smiled on her.
"Wala yun. What friends are for?"
Nagtagal din ako ng ilang minuto sa office ni Ella bago napagdesisyunang umuwi. Umaambon na habang naghihintay ako ng taxi pero ang swerte ko at nakasakay na ko ng bumuhos ang malakas na ulan.
Pagkababa ko sa tapat ng bahay ay nagulat ako ng makita ang sasakyan ni Thunder. Ang aga naman ata nyang umuwi ngayon.
Pagkapasok ko sa loob ay mas nagulat ako ng makita si Thunder na tulog sa couch. Nilapitan ko sya para gisingin pero pagkahawak ko ay basa ang damit nya at
"OMG Thunder, inaapoy ka ng lagnat!"
"Hmm" tanging ungol lang ang sinagot nito sakin. Amoy alak din sya. Tsk. Uminom tas naligo sa ulan. Pasaway.
"Yaya patulong naman po!" sigaw ko.
Pabagsak naming hiniga si Thunder sa kama nya, seriously ang bigat nya pala.
"Yaya, pakuha naman po ako ng bimpo, alcohol at maligamgam na tubig" utos ko sa katulong namin.
"Sige po Ma'am Aki" sabi nito.
Nagsasalit salitan ako ng tingin sa batsang nasa harap ko na may bimpo at kay Thunder.
Ugh kaya ko ba?
Hell yeah Akira, it's not like the first time na makikita mo ang katawan nya
Tsk. Sigaw yan ng utak kong pasaway.
Umiling ako. Its now or never. Tinanggal ko ang pang ibabaw nya at magsisimula na sana akong punasan sya ng magulat ako ng bigla syang umupo.
"Thu-Thunder, pupunasan lang kita" sabi ko. Defensive na kung defensive baka mamaya isipin nya nire rape ko pa sya.
Nagulat ako ng halikan nya ako sa labi. Ang init nun, marahil ay dahil sa may sakit din sya. Magrerespond na sana ako ng magsalita sya.
"Sorry Dani, I love you, I love you Dani" sabi nya bago bumagsak ulit sa kama at nakatulog ako.
Hindi ko napigilan ang mga luhang lumandas sa pisngi ko.
Hinalikan ako ni Thunder? I should be happy right?
But NO. He did kissed me pero ibang babae ang tinatawag nya at worst sinabi nya pang mahal nya to.
Parang nilalamutak ang puso ko.
May babae ba si Thunder?
Sino si Dani?
Tulo ng tulo ang luha ko habang inaasikaso sya. Nagawa ko namang matapos iyon. Ewan ko nga pano ako huminto pansamantala sa pag iyak para hindi nya makita dahil pinainom ko sya ng gamot.
Balak ko sanang dito na sa tabi nya magpahinga pero heto ako ngayon. Nasa kwarto ko at nag iiyak.
May karapatan ba kong magalit o magtanong?
Sino yung babaeng yun?
Anong meron sya na wala ako?
Dani? Who the hell is she? Sya nga yata ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ako kayang mahalin ng asawa ko.