Chapter 19

1718 Words
Akira's POV. "Ma'am Akira, kainin nyo na po yang almusal nyo" sabi sakin ni Yaya Minda kaya napatingin ako sa pagkain ko. Hindi ko pa pala nababawasan. Wala talaga akong ganang kumain at pakiramdam ko gusto ko na nga lang magkulong sa kwarto at mag iiyak pero sadyang mapilit si Cloud na susunduin daw nya ko ngayon. Magaling na si Thunder, may sipon na lang daw sya ngayon. Yun yung sabi sakin ni Yaya Minda. Maagang umalis si Thunder, wala man lang pa thank you. Maaga syang umalis dahil pupuntahan nya malamang yung Dani na yun. Ayan na naman. Feeling ko iiyak na naman ako. Bwisit na buhay to. Tumayo na lang ako at iniwanan yung pagkain ko. Narinig kong tinatawag pa ko ni Yaya Minda pero hindi ko na lang yun pinansin. Nag tricycle na ko hanggang gate ng subdivision namin. Pagkababa ko dun ay nakita ko na agad ang kotse ni Cloud. Bumaba si Cloud mula dito at nakangiting lumapit sakin. "Good morning princess!" nakangiting bati nito sakin. Tumango lang ako, hindi ako makangiti. Sumakay na ko sa unahan dahil pinagbuksan na ko ni Cloud. Cloud is such a gentleman and caring. Umikot na ito at sumakay sa driver's seat. "Are you okay Aki?" tanong nito sakin. Tumingin pa to sakin. No. I'm not okay Cloud. Gusto ko na lang mag iiyak ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong malulungkot din si Cloud kapag umiyak ako. "I'm fine" sagot ko. "You don't look fine, nakatulog ka ba? Cause you don't look you had some sleep" sabi nya. Hindi rin ako nakatulog. Feeling ko kung hindi dahil sa make up na in apply ko mahahalata na talaga nyang mugto ang mata ko. Bwisit na Thunder. "Okay lang ako Cloud. Wag mo na kong alalahanin" sabi ko. I faked a smile para lang mapaniwala sya. Nag sigh sya at nginitian din ako. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana at hindi ko nalaman na nakaidlip pala ako. "Aki, aki wake up. We're here" dali dali kong dinilat ang mata ko, at tiningnan ang labas. OMG bakit ba kasi nakatulog ako. Imbis na before sa school pa ko mababa ni Cloud ay nandito na kami sa parking lot at ang daming estudyante. "Tara na Aki, male late ka pa sa klase mo" sabi ni Cloud at bumaba na ito ng sasakyan. Inayos ko ang sarili ko. Bahala na, nandito na din naman e. Pinagbuksan ako ni Cloud ng pinto kaya bumaba na ko. "Thank you Cloud ah. Papasok na ko, pumasok ka na din" sabi ko. "Yep. Just call me kung may problema" sabi nito. Kaya tumango ako. Naglakad na sya papunta sa building nila at ganun din ako. Papasok pa lang sana ako sa room namin ng harangin ako ng mean girls. "Tabi dadaan ako" sabi ko. Lalagpasan ko na sana sila ng hatalin ako sa braso ni Athena at hinarap sa kanila. Pak Nanlaki ang mata ko ng makaramdam ako ng sampal mula kay Venus. "Bakit mo ko sinampal? Para san yun?" galit kong tanong. "Ang lakas naman ng loob mo magtanong, You're so malandi Akira" sabi sakin ni Athena. "Ako? Ano bang ginawa ko sa inyo?" "Yeah you are, bakit ka sumakay sa kotse ni Cloud! Ang landi mo para akitin yung Campus Crush dito! Layuan mo si Cloud!" Angil sakin ni Gail. "Ang dudumi ng isip nyo, magkaibigan lang kami ni Cloud" "Talaga lang huh? Mukhang hindi yun ang nakikita namin. Malandi ka! Lahat ng lalaki gusto mo sayo!" sigaw ni Venus sakin. Lahat? Isa lang naman ang gusto ko e. Yun pang taong ayaw na ayaw sakin. "Kung ayaw nyo maniwala, wala na kong pake" sabi ko. Papasok na sana ako ng idikit ako sa pader ni Athena. "Tandaan mo to, isa pa Akira at malilintikan ka na samin" sabi nya. "Hoy! Anong ginagawa nyo kay Akira!" binitawan naman ako ni Athena ng marinig nya ang sumisigaw. Thank goodness Sanya is here. Nag alisan ang mean girls at pumasok na sa classroom. "Tsk. Okay ka lang ba? Dapat pinagsasampal mo yung mga yun para natauhan" sabi nito na galit. "I'm not like you, ayokong nakikipag away" saad ko dito. "Yeah right. Masyado kang mabait e, tara na nga" sabi nito. Pagpasok namin e ang sama ng tingin sakin ng mean girls pero sinamaan din sila ng tingin ni Sanya. "Hoy kayong tatlo, tandaan nyo to ha? Isa pang makita kong sinasaktan nyo si Akira, kayo ang makakatikim sakin. Baka hindi nyo kilala yang binabangga nyo?" sabi ni Sanya bago umupo. Natahimik naman yung tatlo. Umupo na din ako. Sino nga bang binabangga nila? Ako lang naman na asawa ni Thunder na may ari ng eskwelahan na to na pwede silang patalsikin pero imposible dahil wala ngang pake yun sakin. Naisip ko na naman yung nangyari kagabi. Ayokong makita si Thunder ngayon. Mag i skip na lang ako ng class. Pero baka kuwestiyunin ako ni Sanya. Wag na nga lang. Nakaka 3 subjects na kami pero ako ito nakatingin lang sa labas at wala ng pake. 5pm na pala "Good afternoon class" Mabilis na tumibok ang puso ko. Narinig ko pa lang ang boses nya ganyan na ang epekto sakin. Tiningnan ko sya, mukhang okay na din naman sya. Kaya umiwas na ko ng tingin. Nagsimula na ang klase nya. Nag attendance sya at nagtuturo na. Kunyaring nakikinig na lang ako para hindi nya ko masigawan. Buti na lang at umupo na sya at may pinakopya na lang samin sa board. Knock knock Lahat kami napahinto dahil may kumakatok. "Come in" sabi ni Thunder. Kaya bumukas na ang pinto at pumasok dun si Ella na nakangiti. May hawak syang starbucks. Inikot nya ang paningin nya at nakita ako kaya ngumiti sya at nag wave pa sakin. I smiled on her. Alam nya bang bawal mag visit ng student like me kahit na teacher pa sya dahil mabi beastmode si Thunder? I felt uneasiness in me. Ano tong nararamdaman ko. "Hi Thunder!" bati ni Ella kay Thunder. Si Thunder naman is nakatingin lang kay Ella. Hala! Bakit di sya nagagalit kay Ella dahil nag visit ito sakin. Lumapit si Ella kay Thunder at hinipo ang noo nito. "Good, buti na lang magaling ka na. Akala ko napano ka na kagabi e. Sobrang na guilty tuloy ako" nilapag nito yung kape at naglapag din sya ng gamot sa table ni Thunder. Ano to? Anong nangyayari? Anong meron sa kanila. "Ang sweet naman ni Ma'am Ella" sabi nung isa kong classmate. "Ayieee" yan ang sigawan sa room. Tinutukso silang dalawa. "Ma'am ano po bang meron sa inyo ni Sir Thunder? Kayo po ba?" tanong sa kanila ni Gail. At ako? Ito feeling ko pinagpapawisan ako kahit naka aircon naman ang classroom. Ang bilis ng t***k ng puso ko pakiramdam ko sasabog iyon. "Yes kami nga, girlfriend nya ko for 3 years na" May mga sinasabi pa si Ella pero parang nabingi na ko or ito ang paraan ng utak ko to prevent myself from hurting pero isa iyong epic fail dahil gusto ko ng mag iiyak doon. Nakita kong nakatingin sakin si Thunder pero nag iwas ito ng tingin. Nagtaas ako ng kamay. "May I excuse myself?" sabi ko. Nakita ko namang tumango si Thunder kaya lumabas na ko. Narinig ko namang nagbalik sa panunukso ang mga classmate ko. Naglalakad na ko papunta sa restroom ng "Aki!" kamalasan! Yan agad ang pumasok sa isip ko nung marinig ko ang pagtawag nya. Mabilis kong pinunasan ang luha kong tumulo na. Humarap ako sa kanya. "Saan ka punta?" tanong nito. "Dyan lang sa restroom" sagot ko. Buti na manage kong hindi mangatal ang boses ko or worst malalaman nyang umiiyak ako. "Uhm. Sige. Ayan nakilala mo na yung boyfriend kong sinasabi ko. Alam kong kilala syang terror na prof dito pero believe me, mabait sya sobra" Is this for real? Hindi ba nya talaga alam na may asawa si Thunder at ako yun? Hindi nga ba intentional ang paglapit nya sakin? Kasi mukhang hindi. Hindi pa rin kasi nagbabago ang pakikitungo nya sakin. "Ah" yun na lang ang sabi ko. "Sige, restroom lang ako" sabi ko. "Okay. Pasok na muna ako sa loob" sabi ni Ella na naglakad pabalik. Pagkapasok na pagkapasok ko sa restroom ay nilock ko iyon. Wala na kong pake kung may kakatok. nag iiyak na ko. So si Thunder pala yung kinukwento ni Ella na long time boyfriend nya? Yunh sweet at mahal na mahal sya. So kaya ba atat na atat si Thunder na hiwalayan ako kasi totoo yung sinasabi ni Ella na gusto na syang yayain nitong magpakasal. So yung Dani na binabanggit at sinasabihan ni Thunder ng I love you is si Ella. Napatapik ako sa ulo ko. Her real name is Daniella. Malamang dun galing ang Dani. Bakit? Bakit hindi ko naisip yun? Or masyado akong nagtiwala kay Ella. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong magalit pero wala akong karapatan dahil pinilit ko lang sya sa kasal na to. Iyak lang ako ng iyak dun. Hindi ko alam kung anong oras na pero for sure tapos na ang klase. Nakita kong nagri ring ang cellphone ko. At si Sanya ang caller ID "Aaaaaaaahhhhh!" sigaw Sa sobrang frustration ko ay binato ko yung cellphone ko sa salamin kaya nabasag yung salamin at nagtalsikan sakin. Nakita kong dumudugo ang braso ko. Ring pa din ng ring ang phone ko kahit na basag na ang screen nito. Iniwan ko na lang yun at lumabas na. Napatingin ako sa digital na orasan na nasa taas ng pinto. 9:46pm Ganun ako katagal na nag iiyak sa banyo at hindi pa rin maubos ang luha ko. Lumabas ako ng gate, dire-diretso lang ako. Hindi ko alam kung nasan na. Naiwan ko sa room yung bag ko, nandun yung wallet ko kaya hindi din ako makakasakay at ayoko ding umuwi samin. Hindi ko naman gustong puntahan si Sanya dahil makakatikim pa ko ng panenermon dun. Lakad lang ako ng lakad hanggang masilaw ako dahil sa ilaw ng isang sasakyan. Hindi ko maaninag kung kaninong sasakyan ito. Sino ba kasi to? Nagulat ako ng makita kung sino ang bumaba mula rito. Naglakad sya ng mabilis palapit sakin. "God! You made me worried! Hinanap na kita kung saan saan!" pagkasabi nya nun ay hinila nya ko payakap kaya mas naiyak ako. "Cloud" sambit ko sa pangalan nya. Iyak lang ako ng iyak. "Ang sakit sakit" Niyakap nya pa kong mas mahigpit. "I know, don't worry I got you. Iiyak mo lang lahat. Hindi kita iiwan" "Cloud" Umuulan ng malakas pero yakap yakap ako ni Cloud. Nasasaktan ako pero natutuwa ako na merong isang taong hindi ako kayang saktan at iwanan.  May isang lalaki na maglalakad sa ulanan para lang sagipin ako. For the first time aside from Thunder. I felt secured and safe by Cloud's hug. Sign ba to na sya na ang dapat na mahalin ko? Do I deserve a Cloud Denver Hermosa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD