Akira's POV.
Sinarado ko ang locker ko at sumilip sa relo ko. Past 7pm na pala pero wala pa din akong ganang umuwi. By the way, hindi pala ako umuwi kagabi. Kay Sanya na lang ako tumuloy. Dun na ko nagpahatid kay Cloud. Sinabi ko na lang kay Sanya na ayaw kong pag usapan ang nangyari kaya hindi na sya nagsalita pa about dun kaya natahimik ako. Mabuti din na si Sanya pala ang nag uwi ng mga gamit ko na naiwan sa classroom.
Nakita kong nagriring ang cellphone. Kaya sinagot ko ito.
"Hey Aki, nasan ka?" tanong nito.
"Pauwi na. Ito na nga pasakay na ng taxi. Wag ka ng mag abalang ihatid ako. Kaya ko na." pagsisinungaling ko.
"Okay. Just text me when you get home" sabi nya.
"Yep" tas binaba ko na yung tawag.
Nagsinungaling ako kay Cloud. Nandito pa din ako sa school. Hindi kasi ako makapag decide kung uuwi ba ko or may pupuntahan.
Napagdesisyunan ko na lang na mag library. Mabuti pa tong library na to till 10pm. Palibhasa may binili kasing condo na building si Thunder kaya ang mga prof at staff ng school ay pwedeng tumira ng libre dun kaya maraming guro ang gustong makapagtrabaho dito. Masyadong madaming benefits aside sa mataas na sweldo. Dahil na din siguro mataas ang tuition fee dito at di naman nya kailangan yung kinikita nito dahil business tycoon din sya kaya yung kinikita nito is sa pagaayos at pagpapaganda ng school at para sa mga teacher at staff.
Enough with that. Naghanap na lang ako ng mababasa at nung makakita ako nun ay tumapat ako sa aircon ay nagbasa na lang ako.
"Ms. Santos" nagising ako dahil may yumuyugyog sakin. Umayos agad ako ng upo ng makita kong librarian pala namin ang gumigising sakin. Nakatulog pala ako. "Ms. Santos. 10pm na. It's time for you to go home. Magsasara na ko ng library" sabi nito.
Dali dali akong napatingin sa relo ko. 5 minutes before 10 na pala. Ano ba naman yan napaka tulugin ko naman. Inayos ko yung pinag upuan ko at binalik yung librong kaninang binabasa ko.
"Ma'am Bitancor, alis na po ako, salamat po" sabi ko dito.
"Okay sige. Mag iingat ka Akira" sabi nito. Ngumiti na lang ako at lumabas. Dumaan ako ng locker ko para kunin yung cellphone ko.
Binuksan ko yun at laking gulat ko sa dami ng missed calls at text from Sanya, Cloud, and Thunder.
Thunder's missed calls - 89
Cloud's missed calls - 73
Sanya's missed calls - 15
And to make it 90. Currently nagriring ang phone ko at tumatawag ang magaling kong asawa.
Hindi ko sinagot yun. Magkikita at magkakausap din naman kami pagkauwi ko. So why bother? Mas gusto kong sabihin ng personal ang lahat.
Lumabas na ko ng campus. Kumain na muna ako ng kwek kwek, fishball, kikiam, at tokwa dahil nagugutom na ko. Natapos na kong kumain at uminom na ko ng palamig na makaramdam ako ng pagkahilo. Tuwing umaga ay ganito din ako. Pakiramdam ko lagi lalagnatin ako.
Sa sobrang pagkahilo ko ay parang bumaliktad ang sikmura ko kaya nasuka ako. Buti na lang nasa isang gilid ako at walang nakapansin.
Kamalasan. Sumama pa ata ang pakiramdam ko.
Kahit nahihilo ako ay naglakad na ko para pumara ng taxi.
"Kuya sa **********" sinabi ko kung saan ang subdivision namin.
Hilong hilo ako at pakiramdam ko masusuka pa ko kahit na wala na akong isusuka.
Ilang minuto lang kahit na hilong hilo ako ay napansin kong di kami lumiko sa dapat naming likuan. Kaya nagtaka ako. Tanda ko ang daan pauwi samin.
"Kuya bakit dito tayo dumaan? Mali po itong dinaanan" sabi ko. Lumingon naman sakin si kuya at nginitian ako ng nakakakilabot.
Tinaasan naman ako ng balahibo. Nagulat ako ng huminto sya at mas kumabog ang dibdib ko ng bumukas ang left side ng pinto at may pumasok na lalaki dun.
"Oh god!" nasambit ko ng tutukan nya ko sa tagiliran ng kutsilyo.
"Mga kuya. Holdap ba to? Kung oo willing akong ibigay lahat ng gamit ko. Please wag nyo lang akong sasaktan." kinakabahan na ko. Gusto ko ng umiyak pero ayokong ipakita sa kanila na pinanghihinaan ako ng loob.
"Tsk. Hindi lang gamit mo miss, pati ikaw" sabi nung driver.
"A-Ako?" kinakabahan kong tanong.
"Oo miss. Ang kinis at ang bango mo ah. Mukhang masarap ka" kinilabutan ako ng amuyin nung katabi kong lalaki yung buhok ko kaya naitulak ko sya.
"Ouch!" sigaw ko at napaubo ako. Sinuntok lang naman nito ang tyan ko.
"Kung ako sayo miss, wag ka ng pumalag ha?" sabi nung katabi ko.
Naiiyak ako. Ang sakit sakit ng pagkakasuntok nya sakin. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat.
"Sumunod ka na lang miss para di ka masaktan. Dadalhin ka namin sa langit" mas gusto kong masuka sa sinabi ng driver.
"Langit baka impiyerno" hindi ko napigilan sumagot kaya nakatamo na naman ako ng suntok mula dun sa katabi ko. Nagulat ako ng hawakan nya ko sa buhok at iharap sa kanya.
"Wag ka ngang magsalita pag di kailangan" sigaw nito tas patulak na binitawan ang buhok ko.
Ang sakit-sakit na ng katawan ko.
Makakaligtas pa ba ko?
Gamit ang huling lakas ko ay tumingin ako sa bintana.
Tumingin ako sa dadaanan. Sana dumaan kami sa maraming tao.
Lumaki ang mata ko ng makita ko na may toda ng tricycle kaming dadaanan. Gamit ang lakas ko ay sinipa ko yung lalaking katabi ko at binuksan ang pinto.
Ang huli ko lang na natandaan ay bumagsak ako sa labas at nagpagulong gulong. May mga taong lumapit sakin at doon na ko nawalan ng malay.
Thunder's POV.
"I am so happy today. At least lahat sa school na tinuturuan natin, alam na girlfriend mo ko at future misis. Pero sayang. Hindi man lang kayo nagka get to know ni Akira as friends para close din kayo" I looked at Ella when she mentioned Akira.
"You know Akira?" I asked her.
"Of course naman. She's my BFF in school kaya. I often talk about you nga sa kanya. Kaya sayang" she answered.
"Ah. Dani I really need to go, may emergency meeting kami. I'll call you later na lang" sabi ko.
"Okay fine" sabi nya. Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi. "Bye babe! See you tomorrow" sabi nito. Tumango na lang ako at lumabas sa condo nya.
Umuwi ako agad dahil gusto kong makausap si Akira. I don't know why but I want to explain to her even though there's nothing to explain. I am clearly cheating on her because she is legally my wife. But damn it! She is the only one who wants this marriage!
Really? How about you?
Remember that night?
I stopped when my brain echoed it to me. I really don't know what happened to me and that I am starting to feel something towards Akira but I must stop it. I love Dani. I am also cheating on her cause she doesn't know I'm married.
Aish! But I wanted to talk to Akira. I wanted to know her reaction and what will she say now that she know I have Dani. Will she break up on me?
I called her several times already. But damn it! She's not answering! Nasaan na naman ba yung babaemg yun. Hindi sya umuwi kagabi. Hindi na ko papayag na ganun ulit today. Don't tell me she stayed yesterday at that freakin Engineering Student.
What's his name again?
Ah. Cloud.
I can clearly see she likes my wife. The way he looks at her. Aish. I wanna punch him in the face.
But why?
My mind questioned me?
Why? Because Akira is mine. He should not touch nor be with her. Akira is mine. Am I being unfair to her? I know I am being a jerk but I don't know what to do.
I called her again. It's already 10:30 in the evening. Aish! I will just look for her. If I need to knock that Cloud's house. I will do it just to take her home.
I am driving when my phone rang. I am happy to see Akira's name on it. I answered it immediately.
"Where the hell are you?" sigaw ko dito. Even though I am happy she called but I can't hide my madness because it's already late in the evening.
"Ay sir, hello po"
Nagulat ako ng ibang boses ang sumagot sakin. Babae din sya. Pero hindi sya si Akira.
"Who the hell are you? And why are you using my wife's phone?"
"Sir, mukhang tama po ang natawagan namin. Kayo po ba si Sir Thunder? Ako po si Alexa, Naaksidente po kasi yung asawa nyo. Nasa hospital po sya ngayon"
I almost dropped my phone? Is this for real?
"Which hospital did you brought her?"
Pagkasabi nito sakin kung saan dinala si Akira ay agad agad akong nagmaneho papunta dun. Damn it!
Mabilis kong tinakbo ang nurse station pagkababa ko ng sasakyan.
"Mrs. Montenegro?" my heart was racing when I asked for her.
Nakita ko namang may tiningnan yung nurse sa computer nya.
"Nasa morgue na po sir" I frozed.
"What do you mean? That's impossible!" sigaw ko.
"Nasa Morgue nga po sir. I'm sorry for your loss" sabi nito.
My mind can't process what she is saying. Is my Akira really dead. I felt a lump on my throat. Sumandal ako sa pader dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse.
I never cried again after my parents died but it looks like my tears will start to fall. God! I feel so gay! Damn! Damn.
And when I'm about to cry.
May dumaan saking pasyente na nakahiga sa kama na tinutulak.
"Akira!" sabi ko. Kaya huminto yung nagtutulak sa kanya.
"Relative po?" tanong nito sakin.
"I am her husband" sabi ko at agad na nilapitan sya. Hinawakan ko ang pulso nya at halos magtatalon ako ng marinig ko iyon. She's alive.
"Hey you!" Tawag ko dun sa nurse na nasa nursing station. Tumingin ito sakin. "You said that my wife is dead. You said Mrs. Montenegro is dead? Look ito ba ang mukhang patay sayo?" pinoint ko si Akira.
Damn it she almost made a fool out of me. I almost cried and here is Akira, Breathing and alive.
"Huh?" tumingin sya sa chart. "Hindi ba Mrs. Elenita Montenegro ang hinahanap mo. Akala ko kasi sya, mag kaapelyido po kasi sila. Pasensya na po sir" sabi nito.
I want to get mad but I just sighed. I looked at Akira. I saw bruises in her body. What happened? I held her hand.
"Sir?" tawag sakin nung nurse na nagtutulak kay Akira. "Isasalang po muna namin si Ma'am sa mga test and laboratory. Pwede po muna kayong pumunta sa presinto dun lang sa tawid para sa nangyari kay Ma'am" sabi nito. I nodded and I let go of her hand.
Pakiramdam ko ay sasabog ako sa galit dahil sa nangyari kay Akira.
Pumasok ako sa presinto.
"Good evening sir. Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" magalang na tanong sakin ng pulis.
"I'm Mr. Thunder Montenegro, husband of Mrs. Akira Montenegro the one that was brought in the hospital, they asked me to go here. What happened?" tanong ko.
"Ay sir. Sunod na lang po kayo samin" pumasok ito sa mas loob pa ng headquarters. Pagpasok namin sa isang kwarto ay may dalawang lalaking nakaupo at nakayuko.
May lumapit saking babae.
"Hi. Kayo po ba si Thunder?" I nodded. "Ito nga po pala yung cellphone at bag ni Ms. Akira, ako po yung tumawag sa inyo kanina. I'm Alexa. Witness din po ako sa insidente" sabi nito na inabot ang mga gamit sakin ni Aki.
"So tell me, what happened?" I asked her. My hands are already balled into a fist. At pakiramdam kong itong dalawang lalaking nasa harap ko ang may dahilan kung bakit nasa ospital si Aki ngayon.
"Pasakay po sana ako para umuwi na ng may dumaan na taxi sa harap namin. Tas biglang bumukas yung pinto at nalaglag dun si Ms. Akira, gumulong sya at nawalan na lang ng malay. Mabuti na lang po at naharang ng mga tricycle driver yung taxi" saad nung Alexa.
"Eh sir, itong mga to. Kilala to bilang mga rapist at holdaper. Malamang ginamit na naman nila yung tactic nila kunyari nagda drive ng taxi tas pag nakakuha ng babaeng pasahero. Dadalhin kung saan at re rape-in. Baka yun ho ang balak nila sa asawa nyo. Mabuti at nakatakas" sabi naman ng pulis.
"It's not good. My wife is in the hospital. She hasn't gain consciousness yet, is that what you call good?" natahimik naman yung pulis. May pumasok pa na babaeng pulis.
"Ay sir, maistorbo ko lang kayo. Pero ito na po yung medicolegal ni Mrs. Montenegro. Base sa report nito. Aside sa injury na nakuha nya sa pagbagsak sa kalsada e. Mukhang pinagsusuntok ata ang tyan at sinabunutan pa nung mga kumag na ito e"
Hindi na ko nakapagpigil at sinugod na yung dalawa. Pinagsusuntok ko silang dalawa kahit pa yung mga pulis ay di ako maawat. Di ako tumigil hanggat hindi dumudugo ang mukha nila.
"Let go of me! I'm gonna kill those bastards!" sigaw ko ng maawat na ko ng mga pulis.
Duguan na yung dalawa at wala akong pakielam. Gusto ko na silang patayin.
Binitawan naman ako ng mga pulis. Dinuro ko yung dalawa.
"You and you! I'll make sure the both of you suffer and rot in jail. How dare you touch and hurt my wife. I swear you'll regret this!" sabi ko sabay talikod.
Hindi pa agad ako nakabalik sa ospital dahil inayos ko pa yung kaso dito sa presinto.
Papasok na sana ako ng hospital ng may humintong sasakyan at mula doon ay bumaba si Sanya, Josh and that so called Cloud.
Cloud's POV.
Sobrang kinakabahan ako hanggang makarating kami sa ospital. May tumawag kasi sakin using Akira's phone saying na naaksidente ito.
Pagka park na pagka park ko ng kotse ay nakita ko ang hayop na Thunder na iyon na papasok ng ospital.
Kung sana naging mabuti lamang syang asawa kay Akira e di sana hindi mangyayari ito.
Pagkababang pagkababa ko ay mabilis ko syang sinugod at kinuwelyuhan.
"You!" sigaw ko.
"Ano ba Cloud! Tumigil ka nga dyan!" sigaw sakin ni Sanya pero wala na kong pakielam.
Tumitig lang sakin si Thunder at inalis ang pagkaka kuwelyo ko sa kanya.
"What's your problem Mr. Hermosa?" pormal na tanong sakin nito kaya mas nainis ako.
"You are the problem! Kasalanan mo to! Kung hindi dahil sayo walang mangyayaring masama kay Akira!"
"Wala akong panahon para pakinggan ka" sabi nito kaya mas lalo lamang akong nagalit.
"Ikaw, hiwalayan mo na si Akira. Tama na ang panloloko at pananakit na ginawa mo sa kanya. Hindi ka nya kailangan sa buhay nya!" sigaw ko.
Nakita kong kumunot ang noo nya pero agad agad yung nagbago ay nag smirk na lamang sya.
"Sorry, pero kami lang ni Akira ang pwedeng magdesisyon dyan. Kaya wag kang mangielam dahil bali baliktarin mo man ang mundo. Ako pa rin ang legal na asawa" he chuckled. "Don't you think na alam ko kung gano mo kagusto si Akira? So stop fooling around dahil mahirap akong kalaban"
I was speechless. Damn this guy.
"Here Sanya, take this" inabot ni Thunder yung gamit ni Akira kay Sanya. "Uuwi na lang muna ako, kayo na muna ang bahala kay Akira" sabi nito at umalis na.
I hate him not just because of his guts and not because she is the one that Akira loves. I hate him because he constantly hurt her, he kept torring Akira apart. And it hurts me to see Akira in that situation because she is my everything.
Akira's POV.
Nagising ako na nasa hospital room ako. Alam kong ospital to dahil amoy at kulay pa lang.
"Thank god you're awake" nagulat ako ng biglang magsalita si Sanya na nasa tabi ko pala. "Are you okay now? Naalala mo ba yung nangyari kagabi?"
Tumango ako. At nakaramdam na naman ng kaba. Buti nakatakas ako.
Lumilinga linga ako sa paligid. Wala sya? Bakit wala si Thunder sya ang nasa speed dial ko kaya malamang sya ang unang tatawagan pero bakit wala sya? Wala ba talaga syang pake sakin?
"Sinong hinahanap mo?" tanong sakin ni Sanya.
"Wala"
"Weh? If you're looking for Josh and Cloud, umuwi lang sila saglit para magpalit. Nagbantay din sila kasi sayo kagabi. But kung si Thunder ang hinahanap mo. Nandito sya kagabi, nauna pa ata samin pero pagdating namin. Umalis din sya agad"
Pinuntahan ako ni Thunder? Pero bakit sya biglang umalis. Pinuntahan nya ba si Ella. Nanakit ang ulo ko sa iniisip ko.
"Sans, pakuha naman ng pagkain" sabi ko kay Sanya dahil nakaramdam din ako ng gutom.
"Okay ka lang ba dito mag isa?" worried nyang tanong. I smiled on her at tumango. "Okay. Saglit lang ako ah. Atsaka baka dumaan na yung doktor mo, sabihin mo ko ano resulta ng mga test mo if may fracture or broken bone ka ah" sabi nito.
"Sira. Okay lang ako" sabi ko. She smiled at lumabas na.
Gusto ko muna sanang mapag isa. Nalulungkot ako dahil ini expect ko na nandito si Thunder at sya ang mag aalaga sakin like before.
Nagmumuni-muni ako ng makarinig ako ng katok. Hayys sabing gusto kong mapag isa e. Bumukas ang pinto at may pumasok ditong babaeng naka lab coat.
"Hi Akira, good that you're awake" luminga linga sya sa paligid. "Wala kang kasama?" tumango ako.
"Kumuha po kasi ng pagkain if may ibibilin kayo sa gamot ako na pong bahala" sabi ko.
"Buti na lang hindi ka pala na x-ray kahapon, atsaka itong mga ire recommend kong gamot is safe naman. Pero mag iingat ka palagi. Doble ingat at iwasan mo ang stress"
Hindi ma absorb ng utak ko kung anong sinasabi nya.
"Wait doc, di ko kayo magets. Malala ba yung effect sakin nung aksidente?" tanong ko.
"Ha? Didn't you know?"
"Didn't I know what?"
"Mrs. Montenegro, you're 6 weeks pregnant"
At para yung bombang sumabog at wala na kong masyadong narinig pa.
I am what?