Chapter 14: Her Dream

2384 Words
Akira's POV. We're finally here! Nagtatakbo ako sa puting buhanginan. Ang ganda talaga dito, one look at parang inaagaw ang hininga mo ng tanawin lalo na ng asul na asul na dagat. "OMG! OMG! Ang ganda talaga dito sobra!" sabi ko sa kanya at napansin kong napataas ang boses ko dahil sa excitement. "Keep it down Akira, di kailangang sumigaw. It's not like it's your first time here" sabi ni Thunder. "Kahit na, namiss ko mag Boracay no! Ang last na punta ko dito is hindi pa tayo kasal, kaya tuwang tuwa akong makabalik dito" sabi ko habang sinisipa sipa pa ang buhangin. Hawak ko ang sapatos ko na hinubad ko, pagkababang-pagkababa ko ng sinakyan namin. "Whatever" he said. "Pwede bang mag check in na muna tayo, kasi mabigat yung bag mo, mukhang totoo yung sinabi kong dinala mo ang bahay" he added, hawak nya pa rin ang gamit naming dalawa. Nakalimutan ko iyon kaya nag peace sign na lang ako sa kanya. Tumalikod sya at sumunod na ko sa kanya papasok sa hotel. Nasa likod lang ako ni Thunder habang papasok sa hotel. Mangha-mangha ako sa itsura at linis ng hotel pero nawala ang ngiti sa labi ko ng makarating kami sa front desk. Ngiting ngiti yung staff kay Thunder. Inipit pa nito yung buhok nya sa gilid ng tenga nya at halatang nagpapacute. Kung warfreak lang talaga ako, sinabunutan ko na agad to. "Hi, good morning sir! How may I help you today?" sabi nito. May pa how may I- how may I help you today pa syang nalalaman. Bakit pwede ba yung how may I help you tomorrow? Bwisit. Nakita kong may binulong sa kanya ang isang staff. "I'm sorry to inform you sir but there's no more room vacancy but I know a place where you can stay" sabi nito sabay bigay ng seductive look kay Thunder. Please lang pigilan nyo ko, ipapalunok ko sa kanya lahat ng keycard na makikita ko. "I'm also sorry to inform you miss whoever you are that I am not here to flirt you, I am here with my wife" tumingin si Thunder sakin kaya tumabi ako sa kanya. "We have a reservation under the name of Mr. And Mrs. Montenegro. Can we have the keycard, so that you can stop whatever the hell you are doing?" Spell savage? Gusto kong tawanan ng matindi yung babae kaso hindi na lang sobrang pagkapahiya na ang inabot nya sa Thunder ko. OMG! Kinikilig ako sa I'm here with my wife daw! Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko which is 99% true. My goodness beat that! "I apologize ma'am and sir. Here is your card" binigay nya kay Thunder yung card ng nakayuko at kinuha naman ito nung huli. Buti na lang talaga, sagot nila Mom and Dad tong honeymoon whatever namin dahil bukod sa sagot na nila ang plane ticket namin, pati hotel reservation ay sila na ang nag ayos dahil kung nagkataon wala kaming tutuluyan dahil peak season ngayon dahil nga sembreak. Pero isa lang ang keycard? Nanlaki ang mata ko sa realization. Iisa lang ang card na inabot kay Thunder kaya ibig sabihin ay iisa lang ang kwarto? Magshe-share kami? Totoo ba to? OMG! Makakasama ko sa iisang kwarto at isang kama si sungit for couple of days. Namula naman ang mukha sa realization ko na yun. Tumigil ako sa pag iisip ng kung anu-anong bumukas na ang elevator sa floor kung saan kami magche-check in. Pagpasok ko sa loob ng suite namin, which is a presidential suite by the way ay halos malaglag ang panga ko. Sobrang ganda at laki nito pero napadako ang paningin ko sa may kama, iisa nga lang ang kama gaya ng ini-expect ko. Matutulog ba ko sa sofa o si Thunder? Or magtatabi kami? The idea, almost electrify my body. Kung saan-saan na ang narating ng utak mo Akira! Nilapag ni Thunder yung mga gamit namin. Kinuha nya yung bag nya at inayos ang gamit nya at maya maya tumayo na sya para pumunta sa banyo at magpalit. Nilabas ko muna ang gagamitin ko. Since beach to, magsu-swimsuit ako at sanay naman ako dahil nung dalaga pa ko ay madalas naka ganitong attire ako pag nagsi swimming kasama si Sanya or pamilya ko. I am actually proud of my body. I mean, we should all be! Hindi naman sa size mo nagma matter yan, it is how you love yourself, doon nagsisimula ang confidence. Pagkalabas ni Thunder ng banyo, naka rash guard na sya kaya bakat na bakat na naman ang magandang built ng katawan nya, baka mapaaway na talaga ako sa mga babae dito. Pumasok na lang ako sa banyo para mag ayos kesa kung anu-ano pa ang pumasok sa utak ko. Sumobra na siguro ang tagal ko sa banyo dahil narinig kong kumakatok na si Thunder. "Wait lang, patapos na!" sigaw ko. "Bakit ang tagal mo dyan? Tss. I'll just wait for you in the lobby." sabi nya. Well that's Thunder, mabilis mag-init ang ulo at sobrang impatient. "Okay!" sigaw ko at narinig kong lumabas na sya. Binilisan ko na ang pagkilos dahil baka masira ang araw ng pinakamamahal kong asawa at magdecide na mag-away na lang kami or worst, umuwi na. I looked at myself in the mirror and I smiled, grabe kahit saan-saan kami nagkaka-kain nila Sanya ay na-maintain ko ang katawan ko, I am wearing a red swimsuit tas pinatungan ko sya ng see-through dress. Sumakay na ko ng elevator para bumaba. Pagkalabas ko ng elevator ay tumingin halos lahat ng nasa paligid ko. Ako lang to guys? Charooot "Gosh girl, ang ganda nya. Nakaka insecure" "Oo nga, bakit ang unfair ng mundo satin." "Grabe men, yung curves." "Hindi lang curves, maganda pa." "Mag isa lang ba sya? Single kaya? Lapitan natin" "Just my type, she's gonna be my girl" Naririnig ko ang mga usap-usapan habang naglalakad ako sa lobby pero hindi ko na lang pinansin at nag pretend na hindi ko sila naririnig. Wag na silang umasa dahil isang lalaki lang ang kinakabaliwan ko, yun nga lang di ako bet. Speaking of him, nasaan na ba si Thunder?Luminga-linga ako sa paligid para hanapin sya. "Okay yes, I'm on a vacation right now, I'll sign the paperworks once I get back. Thank you. Bye" napalingon ako sa likod ko dahil narinig ko ang boses ni Thunder. Napangiti ako dahil nasa likod ko nga sya, at mukhang kakatapos lang ng tawag nya. "Hi, nandyan ka lang pala!" bati ko sa kanya kaya napatingin sya sakin. Am I imagining things right now, dahil nag jaw drop ata sya. Sabi ko nga, ako lang to! Pero bago ko pa sya maasar ay kumunot na ang noo nya na parang puzzle ako sa harapan nya. Shoot sabi ko nga, si Thunder lang to! Sya lang ang malakas. "What are you wearing right now?" sabi nya habang pino-point ang suot ko. "What? Swimsuit?" sagot ko sa kanya while giving him a weird look, hindi ba obvious? Hindi nya ba alam ang tawag dito? Pano sya naging professor? "I know, what I mean is why are you wearing that?" nakita kong mas kumunot ang noo nya. "People are looking at you" "So what? This is a beach? I am not supposed to wear a gown right? Tara na? Gusto ko ng mag swimming. Grabe dahil maaga pa ay maganda pa sa balat ang araw kaya tara na!" sabi ko at tumalikod na ko para makalabas na dahil atat na atat na talaga ako mag swimming. Pero nagulat ako ng may magbalot sakin ng tuwalya at bigla bigla akong buhatin. He is carrying me like a pig! "Put me down Thunder! What's wrong with you?" sigaw ko. Hinahampas ko ang likod nya dahil pinagtitinginan na kami ng tao. Nagulat ako ng huminto sya sa harapan ng mga lalaking nagbubulungan kanina. "I thought you we're talking about someone else, I didn't know that you're talking about her. I'm sorry to informed you but my wife is off-limits" nanlaki ang mata ko sa sa sinabi nya sa mga lalaki. Ano ba naman to? Kulang na lang iisipin kong possessive sya. Lumakad na kami ulit at sumakay sa elevator at kahit nasa elevator na kami ay hindi nya pa din ako binababa. Ano ba naman, magsu swimming lang! Pagkapasok sa kwarto ay binagsak nya ko sa kama at mabilis ko syang sinimangutan. "Ouch! Ano bang problema mo?!" naiinis kong tanong sa kanya. "Hindi pa ba obvious? You! You change your clothes right now! Wala akong pake kung mag gown ka, basta magpalit ka na" nakita ko yung galit sa mata nya. "Thunder pero beach ka--" "NOW!" I was interrupted by him. Nakita kong inis na inis sya. Napahilamos pa nga sya sa mukha nya ng umupo sya. "You will not go down, if you will wear those swimsuits" sabi nya. Kaya tumayo na ko para pumasok sa banyo. "I really wish I could lock you up in here, so no guy will be able to look at you" Hindi ko na narinig yung sinabi nya dahil napakahina lang nun. Gusto ko sanang i-clarify pero pumasok na lang ako sa banyo. Mamaya maging si hulk pa sya kapag nagtanong pa ko. Buti na lang talaga nakapagbaon ako ng rash guard ko kung hindi, malamang nakapang-alis akong magsi swimming. Bigla bigla kasing umiinit ang ulo nung isang yun. Napahinto naman ako sa realization ko. Hindi kaya ayaw ni Thunder na mag swimsuit ako dahil nagseselos sya sa mga lalaking tumitingin sakin? Namula naman ako ng todo sa naisip ko, so does that mean na nagkaka-feelings na sya para sakin? Imposible, pero sana oo dahil sa loob ng tatlong taon namin, ngayon lang sya naging ganyan sakin. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong tumingin sya sakin. Umiling sya pero tumayo na din. Sa wakas makakapag swimming din. Buong araw ay nagtampisaw lang kami sa beach, nag jetski pa nga kami at hindi kami tag-isa, pumayag sya na i-angkas ako! Ang sarap sarap sa pakiramdam na habang nakasakay ako sa likod nya ay yakap yakap ko sya. Buti at nawala ang pagka bad mood ni Thunder dahil tumatawa-tawa naman sya at mukhang nag enjoy na din. Nung sumapit ang gabi ay kumain kami sa seafood restaurant. Nakakatuwa dahil si Thunder pa ang nagbalat ng mga hipon na kakainin ko dahil lumaki akong ipinagbabalat ni Yaya or ni Mom, kaya hindi ako marunong. I never knew he can be such a gentleman and sweet. Maybe in our 3 years of marriage ngayon ko lang talaga tuluyan pang nakikilala ang asawa ko kahit pa noong bata kami ay patay na patay na ko sa kanya. Mailap kasi sya tao, he has this walls. "Sige na sa kama ka na matulog, sa couch na ko" sabi nya habang kumukuha ng unan sa kama. "Wag na, ako na lang" sagot ko dahil nahihiya ako dahil sobrang ang caring nya na simula ng umalis kami ng Manila at lahat halos ng gusto ko ay pinagbibigyan nya. "Wag ng makulit Akira, okay? I'm being nice" sabi nya, tatalikod na sya pero mabilis kong hinawakan ang braso nyakaya tiningnan nya ko. "Okay sige dito na ko sa kama, pero dito ka na din, maglagay na lang tayo ng unan sa pagitan? Okay ba yun?" pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha ko. Hindi naman ako nag o-offer ng s*x pero grabe yung hiyang nararamdaman ko. Nakakahiya pero ilang araw lang din naman at susulitin ko na atleast makakatabi ko sya sa isang kama. Hindi ko kasi alam baka pagkatapos nito, iba na naman ang ugali nya. May pagka bipolar kasi sya kaya habang mabait at may pasensya pa sya ay ima-maximize ko na. "You sure?" "Yeah" sagot ko at ngumiti pa sa kanya. "Fine" pagkasabi nya nun ay inayos nya na ang kama, naglagay na nga sya ng unan sa gitna. Buti na lang king size bed ito, kasya nga ang apat dito! Humiga na sya at ako din parehas kaming nakatingala sa kisame. Pagkahiga ko ay naramdaman ko ang pagod. Super nag enjoy ako ngayong araw na ito kaya kahit ang dami naming ginawang activities ay ngayon ko lang naramdaman yung kapaguran. Nakakapagod pero sobrang fulfilled ako. "Are you sleeping?" tanong nya. Dahil na din sa unan ay hindi kami masyadong magkakitaan. "Nope, why?" tanong ko. "Tell me Aki, what do you really want?" tanong nya kaya bumilis ang t***k ng puso ko. Unang beses yata naming mag usap ng hindi nagsisigawan at nag aaway. Parang ang sincere ng talk na ito. "What do you mean?" tanong ko dahil hindi ko kasi magets ang ibig nyang sabihin. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo?" tanong nya ulit. Saglit akong napaisip. Ano nga ba talagang gusto ko? "Dati, nung bata pa tayo, hindi naman lingid sa kaalaman mo na gusto kita, sobrang gusto kaya ipinangako ko sa sarili ko na kung hindi ikaw ang mapapangasawa ko, tatanda na lang akong dalaga kaya laking tuwa ko ng dahil sa magulang ko naipakasal tayo. I know it's a selfish dahil alam kong napilitan ka lang, pero hindi ko napigilan at nagpaka selfish na nga ako at ito na nga tayo mag asawa na. Gusto ko lang naman kasi, yung makasama ka hanggang sa huling hininga ko, gusto kong tumandang kasama ka. Magka anak at magkapamilya kasama ka. I wanna do all the things with you. Noong una akala ko, absurd yung idea ni dad na magka anak tayo pero later on napag isipan ko, if we are really gonna have a divorcement" a tear fell from my eyes "mas okay sakin kung may anak tayo, kung magkaka anak ako from you at least I have a remembrance from you na once I married the man of my dreams na hindi lahat yun guni-guni lang" pinunasan ko ang luha ko and then I faked a laugh. "Oh ayan alam mo na ngayon kung gano ako kabaliw sayo?" "Do you really think I will be able to have a kid and leave you?" I yawned kasabay ng pagsasalita nya kaya hindi ko na naman naintindihan. "Ano yun?" Hindi sya sumagot, nakatulog na ba sya? "Goodnight Akira" yun lang ang sinagot nya at binalot na ng katahimikan ang hotel room namin. Ilang oras na ang nakalipas pero nakatulala pa din ako, hindi ko kasi alam kung tama bang sinabi ko iyon kay Thunder lahat. Gusto ko sanang bawiin dahil nahihiya ako. Gisingin ko kaya tas sabihin ko na it's a prank lang lahat ito. Sinilip ko sya kung tulog na sya at nakita kong mahimbing na syang natutulog kaya lumapit ako and I gave him a kiss on the forehead. Mabilis magising si Thunder pero sa tingin ko dahil sa pagod ay nakatulog agad sya. "Goodnight. I love you" pagkasabi ko nun ay nahiga na ko. Maya maya ay nakaramdam na ko ng antok kaya napagpasyahan kong matulog na dahil paniguradong masayang araw ang bubungad sakin kinabukasan. Sana hindi pa rin masungit si Thunder. Sana magtuloy-tuloy. Sana maging okay na talaga kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD