Chapter 13: Holding Hands

1076 Words
Akira's POV. Nakailang check na ko sa bag na dadalhin ko, actually isang maleta at may backpack pa ko pero feeling ko nga kulang pa ito. Kaya check ako ng check kung may kulang pa at nakalimutan ako. Buti na lang, marami-rami akong swimsuit at sunblock na binaon. Sobrang ready at excited na ko sa araw na ito. Sinilip ko ang relo ko at nakita kong ilang oras na lang pala ay dapat nasa airline na kami. Napahinto ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa pinto ko at walang sabing binuksan yun. Sino pa ba? E di ang magaling na mister ko. "Don't tell me you're not done yet?" tanong nya. "Chinicheck ko lang naman kung may kulang pa" sagot ko sabay pout. "What? May kulang pa dyan? That's two bag already Akira, hindi tayo doon titira!" ramdam na ramdam ko ang pagka-iritable sa boses nya. "Akin na nga tong mga to" nagulat ako ng bitbitin ni Thunder ang mga bagahe ko. Napansin ko din na naka backpack sya pero yung kanya di hamak na maliit lang kesa sakin at isa lang. "Ako na maglalagay nito sa kotse, baka mamaya maisipan mo pang dalhin tong buong bahay" pagkasabi nya nun ay bumaba sya. Napangiti ako, what Thunder's doing right now is giving me hope, so much hope that this vacation will be really great and that this can help fix our marriage. Pagbaba ko ay narinig ko ng pinapaandar na ni Thunder ang makina ng sasakyan kaya nagmamadali ako papunta sa kanya. Nakasalubong ko si Yaya Minda. "Bye Yaya Minda! See you when we get back!" pasigaw kong sabi habang tumatakbo papuntang garahe. "Sige Akira, mag enjoy kayo ni Thunder" paalam nito sakin. Agad agad akong sumakay sa kotse ni Thunder, grabe first time kong makakasakay dito nang hindi injured. Alam ko kasi sinakay nya lang ako dito nung dinala ako sa ospital at nung pauwi naman ay dito rin ako sumakay dahil di ko pa kayang magnaneho. Namangha ako while looking at his car, bukod sa high-end car ito ay dito ko napapatunayan that Thunder is an OC. Sobrang linis nya at ang pabango nya ay amoy na amoy rito. "Umidlip ka muna, hindi ka yata natulog kakaayos ng gamit mo, one hour away pa naman tayo mula sa airport" sabi sakin ni Thunder. Tumango lang ako at isinandal ang ulo ko sa bintana. Tiningnan ko sya pero diretso lang ang tingin nya sa daan. Masyado syang focus sa pagmamaneho kaya nagkaroon ako ng chance para titigan sya. Sa gwapo ba naman nitong asawa ko, sinong hindi mahuhulog. He's so damn perfect for me. "Quit staring Akira, I told you to go to sleep hindi ang titigan ako" pagkasabi nya nun ay binalingan nya ko ng tingin pero mabilis din nya namang inalis yun at binalik ang atensyon sa pagmamaneho. Damn those chocolate eyes. You really can't resist them. "Yes prof, oo na iidlip na po" yun na lang ang sinagot ko. Gusto ko sanang sabihin na Pwede bang i holding hands mo na lang ako habang nagmamaneho? Yun ang usually kong napapanood sa palabas. Pero wag na lang baka masira ko pa mood nya at iwanan nya ko sa kalsada. Triny kong pumikit, triny kong umidlip pero no work dahil after 10 minutes ay dumilat na ko, I can't sleep! I am so excited! "Hindi ako inaantok" sabi ko kay Thunder. "Hmm fine" maikling nyang sagot. "Thunder?" tawag ko sa kanya. "What?" nilingon nya ko ulit. "Can we, can we?" hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil baka magalit sya. "Can we what?" lumingon sya sakin at maya-mayang binabalik sa daan ang tingin. "Uhm, I am just thinking if you know, if we can we hold hands?" whoo! Buti nasabi ko din. Grabe kanina ko pa talaga gusto yung ilabas. Hinihintay kong sumagot sya pero wala. Hala! Baka nagalit na sya sakin. "Joke lang, wag ka ng magalit, napanood ko lang kasi sa isang kdrama na ganoon" yun na lang sabi ko. Patay ako, nasira ko na ang mood. Grabe ka naman kasi Akira! Masyado mong pinapahalata kung gano ka kapatay na patay sa kanya. I sighed at tumingin na lamang ako sa labas. Magbibilang na lang ako ng color red na sasakyan. Pero halos mapatalon ako sa upuan ng hinila ni Thunder ang kamay ko and held it. He is driving using his left hand at hawak naman ng kanang kamay nya ang kamay ko. Hindi pa masyadong nagsisink in sakin pero totoo ba to? Magkaholding hands kami? Hawak nya ang kamay ko habang nagmamaneho sya? Totoo lahat ito diba? "Don't say anything or I'll let go of it" sabi ni Thunder kaya sinign ko pang sini zipper ko ang bibig ko. Okay lang kahit habang buhay na kong hindi magsalita kung habang buhay naman syang nandyan para hawakan ang kamay ko. Yung puso ko parang sasabog kahit sa simpleng holding hands lang namin. I feel so electrified. Does he feel it too? Ramdam nya kayang kinikilig ako? Damn! Sana nag holding hands kami ng tanghaling tapat at sa Edsa kami nagdaaan para traffic, para matagal nyang hawak ang kamay ko diba? Pakiramdam ko mawawasak na ata ang bibig ko kakangiti. Makalipas ang isang oras ay nagpark na kami malapit sa airlines at ayun na nga binitawan na ni Thunder ang pagkakaholding hands namin pero binuhat nya pa din naman ang mga gamit ko kaya ayos lang. May sumalubong saming lalaki, inabot ni Thunder ang susi ng sasakyan. He will take home the car for him. Papasok pa lang kami sa entrance ay halos mabalian ng leeg ang mga babaeng nadadaanan namin kakatingin kay Thunder. Humanap nga kayo ng sarili nyong asawa! Minsan di rin okay na may sobrang gwapong asawa, baka mapaaway ka. Hindi ko namalayan ang oras kaya tuwang-tuwa ako ng makasakay na kami sa eroplano. Naayos na ni Thunder ang gamit namin at nakaupo na kami ngayon. Hindi ko napigilang humikab, jusko ngayon pa ko inantok. Ano ba naman yan!Nakakantok kasi yung paligid at hindi nga ako nakatulog kaya ganito ang ending. Napahikab na naman ako, kaya naisipan ko ng pumikit para matulog. Sumandal na ko sa bintana dahil pumayag si Thunder na ako ang umupo dito. Kaso bigla naman akong nauntog ng magsimulang umandar na ang eroplano. Napahawak ako sa noo ko, kamalasan naman talaga. Nagulat ako ng hawakan ni Thunder ang ulo ko at ihilig iyon sa balikat nya. "I told you, dapat kasi natulog ka kanina" sabi nya. "Thun--" "Sshhh sleep" sabi nya at naramdaman kong hinawakan nya ang mga kamay ko. I fell asleep while our hands are clasped together. If this is a dream, papatayin ko kung sino man ang gigising sakin. I don't understand why Thunder is doing this but I don't care. It makes my heart flutter. Sana talaga maging maganda ang bakasyon naming ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD