Kinabukasan ay nagising ako na parang hinahalukay ang tiyan ko. Napabalikwas ako ng bangon at tinungo ang banyo, wala akong maisuka dahil wala naman akong kinain mula kahapon kundi tubig lang. Nang umayos ang pakiramdam ay tumayo ako at naghilamos.
Ano ba to? Kahapon pa ito, ah?
Napa angat ako ng tingin sa repleksyon ko sa salamin nang may napagtanto. Magdadalawang buwan na akong hindi dinadatnan!
Shit!
Bumalik ako ng kwarto at kinuha ang cellphone ko kung saan pwede kong makita kung kailan ang huling regla ko at kailan ang susunod.
Dapat nung isang linggo ay dinatnan na ako, pero bakit hanggang ngayon ay wala? Hindi kaya ay nahuli lang?
Kumabog ang dibdib ko. Inalala ko ang isang gabing hindi inaasahang pagtatagpo namin ni Blake na nauwi sa hindi inaasahang pagtatalik.
Shit!
Inayos ko ang sarili at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng puting t-shirt at maong na pantalon. Lumabas ako ng bahay at naghanap ng sasakyan patungo sa pharmacy. Kailangan kong kumpirmahin ito dahil kung hindi ay mababaliw ako sa kaiisip!
Patungo ng pharmacy ay hindi na ako mapakali. Hindi ito pwede! Sa isip ko ay sinasakal ko na si Blake sa oras na makumpirma ko ang kung ano mang nasa isip. Ang isiping tama nga ang hinala ko ay talaga namang nakakabaliw. Paano ko palalakihin iyon ng mag-isa? Tatanggapin ba siya ni Blake?
Shit! May girlfriend nga pala ito. Iniling ko ang ulo nang sumagi sa isip ang isang karumal dumal na krimen na maaaring gawin kung sakaling tama nga ang hinala. Tama man o mali, buhay ang pinag uusapan, kakayanin ko mag isa 'wag lang makagawa ng isang krimen.
"Bayad po," sabi ko kay manong driver na nasakyan ko patungo sa pharmacy at iniabot sa kaniya ang bayad ko. Bumaba ako ng tricycle at pumasok sa loob ng pharmacy, nang nakitang wala naman gaanong tao na nakapila ay nagtungo ako sa counter at nagtanong ng pregnancy test.
"Ilan po?" tanong ng pharmacist, sinagot ko ito at agad naman siyang tumalima upang kunin ang hinahanap ko. Nang naiabot ay nagpasalamat ako at lumabas na para umuwi.
Dalawang pregnancy test iyon at magkaibang brand, para mas makasiguro.
Pagkauwi ay dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko para simulan nang gamitin ang pregnancy test, sinunod ko ang mga instructions na nakalagay sa mga pakete at nag hintay ng sandali para sa resulta. Hindi nagtagal ay unti unting lumitaw ang resulta, ang isa ay may dalawang linya ngunit malabo ito at ang isang pregnancy test ay malinaw na dalawang linya ang pinapakita.
Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang manginig ang mga kamay habang binabasa sa likod ng pakete kung ano ang ibig sabihin nito. Two lines means positive.
Buntis ako?!
Walang mapagsidlan ang mga nararamdaman ko, halong tuwa at takot. Hinawakan ko ang pang ibabang labi at pinisil pisil ito, ang mga kamay na nakahawak pa rin sa pregnancy test ay patuloy sa pag nginig, ang mga iniisip ko ay patuloy na bumabagsak at sabay sabay sa utak ko, hindi ko alam ang gagawin. Sasabihin ko ba kay Blake? Ngunit kapag ba sinabi ko ay matatanggap ba niya? Imahe ni Blake na galit at tila nandidiri habang nakatingin sa akin ang sumagi sa isipan ko.
Nanlambot ang mga tuhod ko na napaupo sa sahig ng banyo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung paano sisimulan ang lahat ngayong may bata na akong kailangan isipin. Muli ay sumagi sa isipan ko si mama, kung sana ay nandito siya, hindi sana ako nalilito at nanghihina ng ganito.
Realization by what happened since yesterday hit me. Kaya pala ang tindi ng pang-amoy ko sa lechong manok at pizza na na sa bahay kahapon, at ang tila masangsang na amoy nito na lumulukob sa pang amoy ko at ang pagka hilo ay senyas pala na nagdadalang tao ako.
I went out from the bathroom minutes after I started to accept everything. Wala naman na akong magagawa dahil nandito na, ngunit ang isiping kailangan itong malaman ni Blake ay nakakapang hina. Hindi rin naman siguro niya matatanggap ito at baka isipin pang sa ibang lalaki sa oras na sabihin ko. Nanikip ang dibdib ko. Hindi ko ipagsisiksikan ang sarili naming mag ina kung ganoon nga ang mangyayari, lalo na ang anak ko.
Anak ko.
Maybe God knows that I need someone to be with me so that I'm not alone anymore, kaya niya ibinigay ito sa akin. Siguro ay alam niya na sobra sobra na ang sakit na pinag dadaanan ko at kailangan ko ng isang mapag kukunan ng lakas. Hindi ko dapat ito iniisip na isang problema dahil ito ay blessing.
Tanghali ay pinilit kong kumain kahit na hindi pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Hindi na sarili ko ang dapat kong isipin ngayon dahil may umaasa na sa akin, may bata sa sinapupunan ko na kailangan kong buhayin. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang aking pinagkainan at bumalik ulit sa kwarto, nagbihis ako at humiga sa kama, ang dalawang pregnancy test na nagpapakita ng pagdadalang tao ko ay nasa ibabaw ng lamesa na katabi lamang ng aking kama. Hindi ko ito tinapon para sa oras na makita ko ito ay sampalin ako sa katangahang nagawa.
Kinabukasan ay tamad na tamad akong bumangon para pumasok sa trabaho, tapos na ang dalawang araw na day off ko kaya dapat ay gumagayak na ako ngayon para pumasok. Ngunit sa tuwing naiisip ko na makikita ko si Blake sa opisina ay pinanghihinaan ako. May parte sa aking ayaw sabihin sa kaniya ang tungkol sa bunga ng nagawa naming kasalanan, ngunit ang isiping may karapatan siyang malaman ay nalilito ako. Hindi ko alam kung paano sisimulan, hindi ko alam kung paano ko ipapaalam.
Sa huli ay pinilit kong bumangon at mag bihis para pumasok sa trabaho. Nagsuot ako ng simpleng pink button down long sleeve at pencil skirt, at ang mahaba at itim na buhok ay hinayaan ko lang na nakalugay.
Abala ang lahat pag-apak ko sa palapag, mukhang may malaking project na ginagawa.
"Uy, Aleyah, blooming mo ah!" bati sa akin ng isa sa mga empleyado doon.
Ngumiti ako. "Salamat!" sagot ko at dumiretso na sa aking lamesa. Sinilip ko ang siwang sa pinto ng opisina, nakita ko si Blake na nakatingin din sa akin at mukhang inaabangan talaga ang pagdating ko. Nag-iwas ako ng tingin at inilapag ang bag sa aking lamesa, pagkatapos ay nagtungo ako sa water dispenser para magtimpla ng kape, naglakad ako patungo sa opisina at kumatok bago pumasok dala dala ang kape.
"Come in," dinig kong sambit niya, pumasok ako at dumiretso sa kaniyang opisina, dahan dahan kong inilapag ang kape sa ibabaw ng lamesa nya.
"How's your day off?" tanong niya habang dinadampot ang inilapag kong kape, sumimsim siya doon.
"A-ayos lang, po." sambit ko. Pinisil pisil ko ang aking mga daliri. Hindi ko siya kayang tignan ng diretso sa mata. I'm stuck between telling him about it or palipasin na lang muna ang araw na ito bago ko sabihin.
Tumango siya, hindi ako nilulubayan ng tingin. Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas ng loob.
"M-may sasabihin p-po ako," umpisa ko. Kumunot ang noo niya at humarap na sa akin, curious of something I need to tell him.
"What is it?" tanong niya.
Ibinuka ko ang bibig at handa nang sabihin sa kaniya nang may narinig akong pamilyar na boses sa aking likuran.
"Blakey?" ang maarteng boses na naghahanap ay naglakad papasok sa opisina, dire diretso ito at nilagpasan ako na parang hangin at nagtungo sa kay Blake. She kissed Blake's cheek, bahagya namang umiwas si Blake at kunot noo itong nilingon, hindi napansin ng babae dahil nilingon niya ang kape na dinla ko kanina at sumimsim dito.
"That was mine, Hailey." malamig na sambit ni Blake sa babae habang tinitignan ito ng matalim.
"I know," kibit balikat ng babaeng nagngangalang Hailey, umupo ito sa kandungan ni Blake, at kahit mukhang galit ay hindi niya ito itinulak palayo.
Pinagmasdan ko si Hailey, wearing a tailored navy blue pantsuit with a crisp white button-down shirt, paired with elegant black heels, she looks professional and sophisticated, isama pa ang maayos na kulot na buhok. Nanliit ako.
Huminga ko ng malalim at unti unting umatras. Hindi ako nababagay dito, parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan ko sila. They look so good together, bagay na bagay, lalo na kapag sila pa ang magkakaroon ng anak, I'm pretty sure they will build a happy family, at hindi ko maisip ang sarili ko at ang magiging anak sa buhay na kasama si Blake. We're so out of the picture.
Lumabas ako ng opisina at hinayaan na sila doon, nagtungo ako sa lamesa ko at ibinaling ko na lang ang sarili na mag umpisa nang mag trabaho. Binuksan ko ang laptop at nagbasa ng mga emails na kailangan pirmahan, ngunit kahit ilang beses ko iyong paulit ulit na basahin ay wala akong maintindihan. Tanging mukha ni Blake habang kasama ang babaeng iyon ang naiisip ko. Sumakit ang ulo ko at para na naman akong masusuka.
Don't worry baby, maybe it's not the right time para malaman ng daddy mo ang tungkol sa'yo.
Hinaplos ko ang tiyan ko, laking pasasalamat ko na umayos din ang pakiramdam ko paglipas ng ilang sandali. Hindi ako naduwal kaninang umaga at nakakain naman ako ng maayos. Naisip ko pa na kailangan kong pumunta sa doctor para magpa check up, buti na lang at hindi ko ibinigay kina papa yung ibang sinahod ko.
Buong maghapon ay pinilit kong tapusin ang trabaho, hindi ko na namalayan kung umalis na iyong si Hailey sa opisina habang kumakain ako sa cafeteria kanina, hindi na muli ako nag atubiling sumilip sa opisina o lingunin man lang ito, at nang akala ko patapos na ako ay tsaka ko lang nasulyapan ang mga papeles sa aking lamesa na hindi pa pala napipirmahan.
Napahilamos ako ng mukha at tinignan ang orasan, mag aalas sais na at narito pa rin ako, may mga natambak pang papeles sa aking lamesa. Ang ibang empleyado sa palapag ay nagsisimula na ring magsi uwian. Buti na lang ay nagbaon ako ng crackers pagpasok ko dahil iniisip ko na baka nga gabihin ako dahil dalawang araw akong wala sa trabaho.
Humikab ako nang napanglahatian ko ang pagbabasa sa mga papeles, tumayo ako at nagpunta sa water dispenser para magtimpla ng kape para sa akin. Habang nagtitimpla ay nakita kong bukas pa ang ilaw sa opisina, paniguradong naroon pa siya. Nanikip ang dibdib ko nang naalala ang nangyari kanina, nag iwas ako ng tingin sa banda no'n at bumalik sa trabaho. Ngunit imbes na magising ay bumagsak ako sa lamesa at hinayaan ang sarili na umidlip sandali.
"Aleyah.." haplos ng malaki at magaspag na kamay ang gumising sa akin. Pag dilat ko ay bumulaga sa akin ang maamo at gwapong mukha ni Blake, sobrang lapit ng mukha niya sa akin at ang amoy ng mint ang naaamoy ko sa kaniyang hininga. Nakasuot na lang siya ngayon ng puting long sleeve, ang manggas nito ay nakatiklop hanggang siko. Kumalabog ang puso ko at parang may nagliparang paru-paro sa tiyan ko, nakakakiliti.
Napalingon ako sa paligid, wala na halos empleyado sa palapag pero may nasulyapan ako sa malayo, hindi man kami maririnig o makikita ay ginapangan pa rin ako ng kaba.
"S-Sir," sambit ko at inayos ang sarili, pasimple kong kinapa ang mata at bibig kung may muta ba o tumulong laway, nang nakumpiramang wala naman ay nakahinga ako ng maluwag.
"It's late," sambit niya at nilingon ang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa ko.
"Uh, kailangan ko pong tapusin ito ngayon dahil baka mag half day ako bukas." paliwanag ko habang sinasalansan ang mga papeles para masimulan ulit ang ginagawa.
"Saan ka na naman pupunta?" natameme ako sa tanong niya, hindi ko alam kung sasabihin ko ba o ano. Ngunit ang naisip na makakasira ako ng relasyon ay umuurong ang dila ko.
"S-sasamahan ko lang po ang...kaibigan ko." pagsisinungaling ko, ang totoo ay pupunta ako ng hospital para magpa check up. I need to know if the baby's fine at kung ano ang mga bawal at pwede sa akin.
Tumango siya ng dahan dahan, nanatili siya sa kanyang pwesto, hindi natitinag, ang kaliwang braso ay nasa likod ng upuan ko samantalang ang isa ay nasa ibabaw ng lamesa ko.
"Ano nga pala iyong sasabihin mo sa akin kanina?" tanong niya.
Kumalabog ang puso ko. Now that he opened that topic, parang hindi ko na kaya. Hindi kami bagay sa mundo niya. Mas maayos na lang siguro na hindi niya alam, na wala siyang anak na bunga ng isang pagkakamali. Dahan dahan akong umiling at iniwas ang tingin sa kaniya.
He clenched his jaw. Akala ko ay pipilitin niya pa akong magsalita at sabihin ang kailangan kong sabihin ngunit nagulat ako nang tumayo siya at hinila ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa akin tsaka ko siya tiningala, his eyes were cold as ice, walang emosyon. "Let's go, bukas mo na tapusin yan, napirmahan ko na ang mga ipinadala mong email, iyan na lang ang tatapusin mo bukas."
"Pero, Sir, matatambakan ako ng trabaho."
"Don't worry, I will let my secretary do that," sambit niya at dinampot na ang bag ko na nasa ibabaw ng lamesa, hindi nagpapatalo sa gustong mangyari.
"Sandali, Sir!" wala na akong nagawa kundi magpatianod sa pag hila niya sa akin, hindi niya binitiwan ang braso ko hanggang sa makarting kami sa parking lot. Buti na lang ay wala kaming kasabay sa loob ng elevator at mukhang hindi naman namin nakuha ang atensiyon ng ibang empleyado na nag tatrabaho pa rin sa palapag. "Mag tataxi na lang ho ako, Sir," sambit ko kahit na tuloy tuloy pa rin ang paglalakad niya.
Buti na lang ay flat shoes ang isinuot ko ngayon dahil nalaman ko na bawal na ang may heels kapag buntis, kaya kahit malalaki at mabilis ang hakbang niya ay hindi ako natatalisod.
"Get, in. I won't take no from you." may pinalidad sa kanyang boses, binuksan niya ang pinto sa front seat ng kanyang puting honda civic nang hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Sa huli ay dahan dahan akong sumakay at umupo sa upuan nang nalaman kong hindi ko na talaga siya matatanggihan. Ngayon lang naman siguro ito. Isinuot ko ang seat belt habang umikot siya patungo sa driver's seat at pumasok doon, ipinatong niya ang bag ko sa aking hita nang naisarado na niya ang pintuan at pinaandar ang sasakyan.
"Pero, Sir, hindi magandang-"
"Blake, please, Lavelle." madiin niyang sambit, pinuputol ang gusto kong sabihin at hindi ako pinapayagan sa gusto kong mangyari.
Fuck!