Nangyari nga ang gusto niyang mangyari, inihatid niya ako sa apartment ko at nakakagulat na alam niya kung saan ako nakatira. Wala na nga lang akong naging panahon para tanungin pa iyon dahil mukhang nagmamadali siya.
Pumasok ako sa apartment nang hindi ko na natanaw ang kaniyang sasakyan. Naligo ako at nagbihis bago kumain ng hapunan. Isang de lata na lang ang natira.
Kailangan ko na rin mag grocery. Isasabay ko na lang bukas pagkatapos ko magpa check up.
Pagkatapos ko kumain at ligpitin ang pinagkainan ay inilista ko ang mga kailangan ko dito sa bahay para mabili kinabukasan, pagkatapos ay pumunta na ako sa aking kwarto para makapag pahinga.
Humiga ako sa kama at kinumutan ang sarili at dahil siguro sa pagod sa maghapon ay agad akong dinapuan ng antok at nakatulog kaagad.
Sa kalagitnaan nang mahimbing kong tulog ay naalimpungatan ako sa nag iingay kong telepono. Antok na antok pa ako ngunit ang pag tunog ng cellphone ay nakakairita sa aking pandinig.
Kunot noo kong dinampot ang cellphone sa tabi at pikit matang sinagot ang tawag.
"Aleyah!" natatarantang boses ni Ericka ang narinig ko sa kabilang linya. Nailayo ko agad ang cellphone sa tainga dahil sa malakas at impit niyang tili. "Andito ka ba sa apartment mo? Kanina pa ako kumakatok walang nagbubukas ng pinto!" reklamo niya.
"Ha?" kumunot ang noo ko at tinignan kung anong oras na. 3:46 AM at anong ginagawa ng babaeng ito sa apartment ko? "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
Nilihis ko ang kumot at bumangon para pagbuksan ang kaibigan.
"Mamaya mo na ako tanungin at kanina pa ako nilalamok rito, 'no!" sambit niya at nakarinig ako ng pagpalo sa kaniyang balat, mukhang pinapapak nga siya ng lamok roon.
Pinatay ko ang tawag at binuksan ang pinto. Ericka is wearing a short pink dress, hapit na hapit iyon sa katawan niya at ang mataas at itim na sapatos ay nagpapatangkad sa kaniya. May dala siyang bote at isang kahon ng pizza. Pumasok siya sa apartment ko at nilapag ang dala sa lamesa ko sa sala at dumiretso sa kusina.
"Saan ka galing?" tanong ko habang sinasarado ang pinto at nagtungo sa sofa. Bumalik siya galing sa kusina, may dalang dalawang baso.
"Sa bar," sarkastikong sambit niya. Binuksan niya ang dalang bote at nagsalin sa dalawang baso, pagkatapos ay nilagok agad iyon. "I was with Dexter, then he saw an old friend, nagsayaw ako, then pagbalik ko sa lamesa wala na sila!" reklamo niya.
Napangisi ako at wala sa sariling sumimsim sa basong sinalinan niya ng alak.
"I was waiting for them for like, hours! Pero hindi sila bumalik," umirap siya ulit at muling lumagok tsaka sinalinan ulit ang baso. I can see that she's a bit tipsy. Siguro ay nabitin at sa inis ay dito nagpunta upang ilabas ang sama ng loob sa kaibigan. "Humanda iyang baklang iyan sa akin, hindi ko siya kakausapin." pagtatampo nito.
Napahagikhik na lang ako at binuksan ang kahon ng pizza na dala niya, ngunit nang naamoy ang halimuyak ng pizza ay bigla akong napatakip sa ilong.
"Bakit?" tanong ni Ericka nang napansin ang naging reaksyon ko. Hindi ako sumagot at hinintay na umayos ang pakiramdam at hindi maduwal, pero ang tindi talaga ng amoy ng pizza na hindi ko na nakayanan at kumaripas na ako ng takbo patungo sa banyo.
Umupo ako sa harap bowl at doon nagsuka. Inilabas ko lahat hanggang sa wala nang mailabas kundi tubig lang.
"Aleyah?" dinig kong tawag sa akin ni Ericka. Sinundan niya pala ako hanggang dito sa banyo, may dala siyang isang basong tubig. "Ayos ka lang?" tanong niya.
Tumayo ako mula pagkakaupo at umayos ng tayo, tinanggap ko ang dala niyang isang basong tubig at ininuman iyon. "Panis na yata iyong dala mong pizza," sabi ko at pinunasan ang bibig.
"Ha? E bagong luto iyon, e." kunot noo niyang sambit. Kumalabog ang puso ko sa paraan ng pag tingin niya sa akin, sinusuri akong mabuti.
Wala naman akong plano na itago ang tungkol sa pagbubuntis ko, lalo na sa kina Ericka. Mas maganda nga iyong malaman nila para kahit paano ay matutulungan nila ako. Ngunit hindi ko talaga alam paano sasabihin, napangungunahan ako ng takot at hiya.
"May hindi ka sinasabi sa akin." hindi iyon tanong. Tinignan niya ako sa mata, nag iwas ako dahil hindi ko makayanan na tignan siya. Iniisip ko palang kung paano sisimulan na sabihin sa kaniya, kaya lang ay naunahan na niya ako. "Buntis ka ba?" seryosong tanong niya.
Unti unti ay nangilid ang mga luha sa mata ko, dahan dahan akong tumango, hindi pa rin siya matingnan sa mata. Akala ko noong unang beses na malaman ko ang tungkol sa pagbubuntis ko ay kaya ko nang ako lang, kahit walang may alam. Ngunit kumikirot ang puso ko ngayong ipinaalam na kay Ericka. Nahihiya ako sa katangahang nagawa.
Akala ko ay pagagalitan o pagsasabihan niya ako ngunit lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigit. Humagulgol ako sa balikat niya. Iba pa rin pala kapag may karamay ka. Iba pa rin pala kapag may nasasandalan ka. I was strong back then nang makita si Blake kanina, kasama si Hailey. Kahit na parang tinutusok ng karayom ang puso ay hindi ko nagawang lumuha.
"Kay Sir Blake ba?" mahinang tanong niya na tinanguan ko lang, patuloy ako sa pag iyak habang nasa balikat niya. I heard her sigh and didn't say anything. Hinagod niya nang marahan ang likod ko at hinintay akong kumalma.
Tahimik kaming bumalik sa sala nang huminahon ako. Hindi siya nagsasalita. Hinihintay siguro akong mag kwento, ngunit wala talaga akong lakas para sabihin sa kaniya kung paano at kailan ko pa nalaman.
"Alam na ba ito ni Sir Blake?" umiling ako sa tanong niya, wala na ang pizza na kanina ay nasa lamesa. Siguro ay itinabi niya iyon dahil hindi ko gusto ang amoy. "May plano ka bang sabihin?" dagdag niya.
Hindi ako nakasagot, nanatili akong nakayuko. Inalala ko ang sandalinh plinano kong sabihin kay Blake kanina ngunit naantala dahil dumating si Hailey.
"May karapatan siyang malaman ang tungkol sa bata, Aleyah. Siya ang ama," deklara niya.
"Sasabihin ko sana kanina nang pumasok ako sa trabaho kaya lang, dumating si Hailey." kwento ko.
"Sino si Hailey?"
Nagkibit balikat ako. "Probably his girlfriend, hinalikan niya si Blake kanina sa harap ko."
Ngumiwi siya at tumango. Humaba ang usapan namin sa gabing iyon. Sinabi ko sa kaniya kung kailan ko nalaman, maging ang pagpunta ko sa aming probinsya at kung ano ang nangyari roon.
"My god? Si Criza talaga ang ipinalit sa 'yo? Ang cheap, ha," komento niyang nang ikwento ko ang nalaman ko pagdating ko sa probinsya.
Marami pa siyang sinabi at nireklamo sa pag punta ko sa probinsya, sinang ayunan ko naman siya na sana ay hindi na ako nag tungo roon.
Humikab ako habang patuloy naman si Ericka sa pagtungga noong bote ng alak, inalis na niya sa harap ko ang baso na para sa akin at tumungga na diretso sa bote.
"Dito na ako matutulog, sasamahan kita sa doktor bukas." deklara niya nang matapos ang iniinom. Hindi na ako kumibo at sumang ayon sa gusto niyang mangyari, tutal ay talagang kailangan ko ng kasama bukas para sa check up. Pinahiraman ko siya ng damit dahil wala siyang dala nang mag tungo rito, mabuti na lang ay dalawa ang kwarto ng inuupahan kong apartment kaya ayos lang na dito siya magpalipas ng gabi.
Kinabukasan ay nagising na naman ako dahil sa pagsusuka, at nang umayos ay naligo at nagbihis para sa napag usapang lakad sa araw na ito. Nag suot ako ng green button down dress dahil doon ako komportable, ang ibang pantalon ko kasi ay medyo masikip na sa akin. Sinuklay ko ang buhok at hinayaan itong nakalugay, kaunting powder at lipstick lang ng nilagay ko sa mukha tsaka ako lumabas ng kwarto.
Akala ko ay tulog pa si Ericka sa kabilang kwarto ngunit nagulat ako nang paglabas ko ay naroon na siya sa kusina at humihigop ng kape.
"Good morning, buntis." humagikhik siya matapos akong batiin, malinis na ang kaniyang mukha ngunit ang damit ay ganoon pa rin.
Sinimangutan ko siya. "Pumunta ka na sa kwarto ko at mamili ka ng damit doon, sorry ngayon pa lang ako bibili ng mga pagkain." sambit ko at nagtimpla rin ng kape para sa akin.
"Ayos lang, dumaan na lang tayo ng fast food mamaya para kumain." sambit niya at nagt tungo na sa kwarto ko para magbihis.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na siya nang nakabihis, she wore my dark blue pants and midriff top. Hindi ko mapigilan ang sarili na mainggit sa kagandahang taglay ng kaibigan. Nitong mga nakaraang araw kasi ay pakiramdam ko tumataba ako at ang pangit ng itsura ko kahit nag aayos naman.
"Let's go?" she asked. Tumango ako at inilapag na lang sa sink ang mga ginamit na tasa at sabay na kaming lumabas.
Pagkalabas ay doon nakita ko ang itim na sasakyan niya. Hindi ko na napansin ito kaninang madalang araw dahil madilim.
Pinatunog niya iyon at dumiretso siya sa driver's seat habang ako naman ay sa font seat.
Habang nasa byahe ay talak pa rin siya ng talak tungkol sa nangyari kagabi nang iwan siya ni Dexter, habang ako naman ay natatawa na lang sa mga sinasabi niya dahil kinakabahan ako habang patungo sa ospital. Inisip ko pa na baka pilitin pa niya akong sabihin kay Blake ito dahil iyon ang nararapat ngunit nakarating na kami sa hospital ay wala naman siyang tinanong at hindi man lang nabanggit ang pangalan ni Blake.
Sabay kaming lumabas ng sasakyan pagka park niya ng sasakyan. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba nang papasok kami sa hospital.
Nagtungo kami sa front desk ng hospital kung saan pwede magpa check up ang buntis, nang maituro naman nito kung saan naroon ang mga clinic ng mga OB ay nagtungo agad kami doon.
Nang makarating ay tinanong agad ako ng assistant at tinimbang, pagkatapos ay binigyan ako ng isang pregnancy test at inutusang gamitin iyon. Hindi na ako nagulat nang makita ang resulta, napakalinaw na dalawang linya ang lumabas, at kahit pangatlong beses na ito ay hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa akin. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung paanong pagtatrabaho ang gagawin ko para mabuhay at maipanganak ito.
Nag hintay pa ako ng ilang minuto bago ako tinawag ng assistant para macheck na ng doktor. Nagpaalam ako kay Ericka at sumunod sa assistant na pumasok sa loob kung nasaan ang doktor.
"Higa ka," utos ng doktor pagka pasok ko.
Humiga ako sa higaan na katabi ng isang maliit na monitor, ang kaniyang assistant ay itinaas ang damit ko at nilagyan ng transparent na gel ang tiyan ko. Nagmamasid lang ako sa dalawa habang hinihintay ang susunod na gagawin. Nagsuot ng gloves ang doktor at may ipinatong na bagay sa ibabaw ng tiyan ko, inikot ikot niya iyon habang nakatingin sa maliit na monitor, tila may hinahanap.
"Hmm, ayan ang baby mo," sambit niya. Itinuro niya ang maliit at pabilog na kulay puti na nasa monitor. Bahagya akong ngumiti habang nakatingin dito. "4 weeks and 5 days, maliit pa at mukhang ayos naman siya." sambit nito bago alisin ang bagay na ipinatong sa tiyan ko at pinunasan ang ipinahid na gel sa akin.
Tumayo ako at inayos ang suot na bestida, pagkatapos ay naupo ako sa harap ng lamesa ng doktor. Ipinaliwanag niya sa akin kung ano ang mga bawal at kung ano ang pwede sa akin. Niresetahan na rin niya ako ng mga vitamis na kailangan kong inumin para mapanatiling ayos ang bata, pagkatapos noon ay nag abot ako ng bayad at nagpasalamat bago puntahan si Ericka na naghihintay sa akin sa labas.
"Ano? Kamusta?" salubong niya sa akin.
"Ayos lang, 4 weeks and 5 days pa lang," kwento ko at ipinakita ang reseta ng mga gamot na kailangan kong bilihin.
Tumango siya at nag aya nang umalis. "Kain muna tayo, hindi ka pwedeng malipasan." sambit niya habang paliko kami sa malapit na fast food restaurant. Tumango lang ako at hinintay siyang makapag park ng maayos. Pinatay niya ang sasakyan at sabay kaming lumabas.
Siya na ang nag order ng pagkain naming dalawa pag pasok namin sa restaurant, ibinigay ko sa kaniya ang bayad ko sana ngunit hindi niya ito tinanggap at tinalikuran na lang ako para umorder. Naghanal ako ng bakanteng lamesa at naupo roon, kumulo ang tiyan ko dahil amoy na amoy ko ang fried chicken na niluluto, bigla ay nakaramdam ako ng gutom.
Nang dumating ang inorder na pagkain ay agad ko itong nilatakan at naubos ko ang dalawang fried chicken na binili niya para sa akin, wiling wili naman siya sa panunuod sa akin dahil ang takaw ko raw dahil tapos na siya kumain.
"Ah, busog na busog ako." sambit ko nang palabas kami sa restaurant, ngumisi siya at pinatunog na ang sasakyan.
"Ang takaw mo kasi," natatawang sabi niya habang pumapasok sa driver's seat.
Tumawa ako at pumasok na rin sa sasakyan. Isinuot ko ang seatbelt at hinayaan ang sarili na maging komportable. "Ang sarap kasi," sabi ko.
"Buntis, e" sambit niya, hindi na ako kumibo at hinayaan siyang mag focus na lang sa pagmamaneho.
Una naming pinuntahan ang pharmacy para bilin ang niresetang gamot ng doktor, gusto pa ni Ericka na siya ang magbayad ngunit sinabi kong para sa akin ito at may pera naman ako kaya ako dapat ang magbabayad. Mabuti na lang at hindi naman na siya nakipag talo.
Nang mabili at mabayaran ang mga gamot ay nag tungo naman kami sa supermarket para sa grocery. Binili ko lahat ng mga inilista ko kagabi na kailangan ko pati na rin ang sinabi ng doktor na makakabuti sa akin, si Ericka ay nanatili sa tabi ko at tinulungan ako sa pamimili.
Nang matapos doon ay umuwi na rin kami dahil kailangan kong pumasok ng hapon. Hindi na ako maaaring lumisan sa trabaho ngayon lalo na at may kailangan akong tustusan at malaki ang magiging bayarin.
Tinulungan ako ni Ericka sa pagbubuhat ng mga pinamili ko pagkarating sa apartment, nais pa niya na siya na lang ang mag buhat ng lahat dahil bawal daw ako magbuhat ng mabibigat ngunit sinabi ko rin na hindi naman ako baldado kaya hindi ako mahihirapan sa isang paper bag na naglalaman ng pinamili ko.
"Tutuloy na rin ako, don't hesitate to call me when you need help." deklara niya nang matapos mailapag ang mga pinamili ko.
"Noted," sambit ko naman at inihatid siya palabas.
"Bye, mommy, I love you." biro niya habang papasok sa kaniyang sasakyan. Humagikhik ako at kinawayan siya. Nang hindi ko na matanaw ang kaniyang sasakyan ay pumasok na ako sa loob. Inayos at sinalansan ko ang mga pinamili bago naligo at nag bihis para sa trabaho.
I wore black pantsuit and white sleeveless top, pinatungan ko ito ng itim na blazer dahil ayokong manginig sa lamig habang nag tatrabaho.
Lumabas ako ng bahay at naghanap agad ng masasakyan at tsaka nagpahatid sa kumpanya.
Pagkarating ko doon ay kakaunti pa lang ang mga empleyado, siguro ay nasa cafeteria pa at nanananghalian.
I was about to knock at my boss's office when Savi stopped me at pulled me away.
"'Nariyan iyong girlfriend ni Sir Blake," pabulong niyang sabi sa akin.
Si Hailey?
"Kailan pa?" wala sa sariling tanong ko.
"Kaninang umaga pa, hindi pa nga lumalabas, e." sambit nito.
Dahan dahan akong tumango at nilingon ang opisina.
Dinala ko ang ibinigay ng doktor sa akin kanina na litrato ng ultrasound ko. Naisip ko kase na ipakita ito sa kaniya at sabihin na ang tungkol sa bata, ngunit tulad ng nangyari kahapon, naudlot na naman.
I sighed and sat down at my swivel chair. Sinimulan ko na lang ang naiwan kong trabaho kagabi, nagtaka pa ako dahil hindi naman nadagdagan iyon, mukhang ibinigay nga ni Blake sa secretary niya.
Sa kalagitnaan ng aking pagtatrabaho ay tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. Sinagot ko ito agad nang makitang si Architect James ito.
"Architect," salubong ko.
"Yes, Aleyah, how's the company?" nahihimigan ko ang ngiti sa labi habang tinatanong niya iyon. Knowing Architect James for a months, palabiro ito kahit na madalas mong makitang nakakunot ang noo at seryoso sa trabaho.
"Ayos lang, Architect, namimiss ka na ng mga empleyado mo," biro ko.
Narinig kong humagikhik siya bago muling nagsalita. "Wala pa akong isang buwang nawawala," tumawa siya at napangiti naman ako. Oh, how I miss his presence here. Kahit na kakaunting panahon pa lang akong nagsisilbi sa kaniya ay kaibigan na ang turing ko dito, mabait naman kasi siya sa akin at sa iba pang empleyado. Hindi rin ako nakakaramdam nang kahit anong ilang sa pagitan namin, hindi tulad ngayon na si Blake ang narito.
"Anyway, I called because I need you to do something for me," sabi niya. Tumango ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Call my accountant and tell him to transfer all my funds to Ms. Seraphine Ramirez, I'll send you her account."
"Noted, Architect. I'll do it now," sambit ko.
"Sure, thank you, Aleyah." pinatay na niya ang tawag pagkatapos sabihin ko.
"No problem," ngiting sambit ko kahit hindi wala naman na siya sa kabilang linya.
Gagawin ko na sana ang iniuutos niya at dadamputin ang telepono para tawagan ang kaniyang accountant nang may magsalita sa gilid ko.
"Who are you talking to?" napatalon ako at agad nilingon ang nagsalita.
Kunot ang noo at magulo ang buhok ni Blake. White v-neck t-shirt at pants lang ang suot nito, hindi gaya ng palagi niyang isinusuot na corporate attire.
"Sir, ikaw pala, may kailangan po kayo?" pormal kong tanong at sinulyapan ang banda ng opisina.
Umalis na ang bisita niya?
"Your boyfriend called?" he asked, hindi pinapansin ang mga tinatanong ko.
Umiling ako at ibinalik ang tingin sa kaniya. "No, Sir. Si Architect James po ang tumawag, may... inutos lang." paliwanag ko.
"Does he often calls you?"
"Hindi naman, Sir." iling ko. We're not that close para mag tawagan madalas.
Umaliwalas ang mukha niya at umayos ng tayo. "Good, then." sambit niya bago ako tinalikuran at naglakad palayo. Napakunot ang noo ko habang sinusundan siya ng tingin.
Weird.