Hindi ako makapaniwala na sinangga ni Dylan ang bala na nakalaan dapat sa akin. Walang tigil ang aking pagdarasal habang nakasunod ako sa stretcher na may lulan kay Dylan. Dali-dali siyang dinala sa emergency room ng mga sumaklolo sa kanyang tauhan ng ospital. Mabilis na tumakas si Monique pagkatapos ng nagawa niyang krimen. "Miss, hanggang dito ka lang pwede. Bawal ka ng pumasok sa loob!" Pagpigil sa akin ng isang nurse sa tangka kong pagpasok sa loob ng ER. "Please po sana gawin n'yo ang lahat para mailigtas si Dylan!" Pagsusumamo ko sa kanila. Nanlulumo akong naupo sa lamesa na nakalaan para sa pagbibigay ng impormasyon para sa mga dinalang pasyente. May pinasagutan sa aking form. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang sinasagutan iyon. "Kaano-ano n'yo po ba ang pasyente?" Nag

