Mas aligaga pa yata si Nanay kesa sa akin ngayong araw ng kasal ko. Akala mo ay maha-heart attack na siya kagabi nang malaman na nag-LBM daw iyong isa naming wedding singer. Mabuti naman at nakuha ng ipinainom nilang gamot. Lawrence shouldered the expenses for the suite of all our guests here at Eminence Hotel. Kagaya ng nakagawiang tradisyon ay magkahiwalay ang suite naming dalawa. "I can't wait to see you tomorrow, soon to be Mrs. Ty!" masuyo niyang sabi mula sa kabilang linya. Kabilin-bilinan kasi ni Nanay na huwag na huwag daw kaming magkikita sa gabi ng bisperas ng aming kasal. Malas daw kasi iyon ayon sa pamahiin. "I can't wait to marry you in front of God. I love you Baby!" malambing kong tugon sa kanya. "I love you too!" Napaka-garbo ng details ng beadworks ng suot kong weddin

