Tulala pa rin ako hanggang makabalik na ako sa aking desk. Paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili kung totoo ba iyong mga naganap kanina. Huminga muna ako nang malalim bago ko muling i-on ang aking computer screen. Ilang minuto yata akong nakatitig lang sa harap ng monitor habang nakabukas ang AUTO CAD program. Napapikit ako nang mariin nang muli ko na namang naalala ang mga huling tagpo bago ako tuluyang lumabas ng opisina ni Sir Lawrence. "Date me!" Napakatagal bago tuluyang maiproseso ng utak ko ang mga huling sinabi niya. Nanatili lang na nakaawang ang bibig ko habang siya ay nababanaagan ko nang labis na pag-aalala. Nang makabalik ako sa tamang katinuan ay nakita ko na lang ang sarili ko na tinatanguan siya pagkaraan ay dali-dali na akong tumayo mula sa kinauupuan kong visit

