Si Fenita pa talaga ang nagdala ng bouquet of roses na ibinigay sa akin ni Sir Lawrence nang pauwi na kami. "Nakakakilig talaga si Sir friend! Iba talaga si President Ty... Iba!" Sabay amoy niya sa mapupulang Ecuadorian roses na hawak niya. Kakatapos lang naming mag-out sa biometrics attendance. Naglalakad na kaming dalawa papunta sa loading and unloading area. "Inaya ka na ba niya ulit para sa second date n'yo?" Napalinga muna ako sa paligid upang tanawin kung may nagdaan na bang jeep, pagkatapos ay nilingon ko siya. "Hindi pa." Sinabayan ko pa iyon ng pag-iling. Fenita flaunted a smirk. Tinapik pa niya ang kanang braso ko. "Hindi pa? Meaning umaasa ka pa rin talaga na may kasunod pa iyong naging unang date n'yo!" Lumakas ang paraan ng kanyang pagtawa. She continued interrogating me w

