Chapter 21 - Through The Rain

2512 Words

Kanina pa naibaba ni Kaye iyong tawag pero hindi pa rin ako matinag sa aking pwesto. Wala na akong magawa kundi ang matulala na lang sa lahat ng nagaganap. Bakit nangyayari ang lahat ng ito? Tila pinagsakluban na ako ng langit at lupa! Ilang oras na akong nakatulala habang nakaupo sa ibabaw ng aking kama. Panay ang ring ng cellphone kong nakalapag sa aking tabi. Wala na akong lakas na sagutin pa iyong tawag. Ayoko munang kumpirmahin na totoo nga ang sinabi ni Kaye sa akin kanina. Hindi pa kayang tanggapin ng pagkatao ko ang masakit na katotohanan na nawala na ang nag-iisang pamilya na mayroon ako; ang taong itinuring kong tunay na ina. Pakiramdam ko ay pinaglalaruan na naman ng tadhana ang buhay ko. Sa loob lang ng isang araw ay tuluyan nang gumuho ang aking mundo. Ganap na alas siyete

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD